Athena Jane's POV
"Mommy, Dad, may kasama po tayo dito sa loob ng kwarto," seryosong wika ni Hero sa amin.
Nakatingin pa ito si Hero sa direksyon namin, maya pa ay natigilan kami ng biglang sumakit ang ulo ni Hero.
"Ouch, tsk!" pag-iinda niya.
"Baby anong nangyayari sayo ah? Doc, nurse tulong!" natatarantang wika ni Tita Stacey agad pumasok naman ang mga nurse at doctor dito sa loob ng kwarto.
"Mom-Dad, tsk," mahinang wika ni Hero nakaramdam tuloy ako ng pag-aalala.
"Anak kumalma ka lang, akala ko ba okay na anak namin Doc? Bakit may masakit sa kanya? Ayusin niyo ang test niyo sa anak namin. Kung hindi mananagot kayo!" galit na wika ni Tito Jake sa doctor.
"Hmmm okay magtetest ulit kami sa kanya kung anong nangyayari," malumanay na wika ng doctor.
"GM anong nangyayari kay Hero?" pagtatanong ko lumingon ako sa tabi ko ngunit nawala na siya.
Asan nanaman ang babaeng iyon maya pa ay lumapit sina Ivan at Luke sa akin.
"Hmmm ang mabuti pa umalis na muna tayo, bigyan na muna natin sina Tito Jake at Tita Stacey ng privacy.
"Hmmm pero paano si Hero?" nag-aalalang wika ko. "Hmmm hayaan na muna natin," sabi sa akin ni Luke.
Nakita ko nalang si Hero na nawalan ito ng malay habang chinecheck ng mga nurse.
"Tito Jake, Tita Stacey, aalis na po muna kami, para may privacy po kayo," malungkot kong wika.
"Hmm okay Athena, mag-iingat kayo ah?" malumanay na wika ni Tita Stacey.
Napag-isipan na naming tatlo na lumabas ng kwarto ni Hero.
"Bro sa tingin mo ano kaya nangyari kay Hero, tska ano iyon sinasabi niya kanina, na may kasama daw tayo sa loob ng kwarto?" pagtataka ni Ivan.
"Hmmm hindi ko nga alam eh, tsk pasaway naman ito si Hero, naaksidente na nga nanakot pa! Anong ibig niyang sabihin may multo siya nakikita kanina wew," natatakot na wika ni Luke.
Nakikita ni Hero si GM kanina pero bakit? I thought na ako lang ang nakakita kay GM. Natigilan ako ng bigla akong tinapik ni Luke.
"Hey bakit ang tahimik mo Athena?Kanina ko pa napapansin ah? Okay ka lang?" nag-aalalang wika ni Luke sa akin.
"Ah eh oo okay lang ako may inaalala lang ako, sige guys mauuna na ako sainyo!" nag-mamadaling wika ko.
"Athena sandali lang!" pagtatawag ni Ivan ngunit hindi ko na pinansin ito.
Kelangan ko mahanap si GM may mga itatanong lang ako sa kanya.Asan na kasi ang babaeng iyon!
"GM! Asan ka na oh magpakita ka naman oh?" pagtatawag ko nagtungo ako sa likuran ng ospital.
Para iwas sa maraming tao at walang makakita sa akin na nagsasalita akong mag-isa.
"Athena!" napalingon ako sa may parte ng lumang building ng ospital na ito. Nakita ko si GM na nakatayo habang nakacross arm ito sa akin.
"Hey! Bakit ka ba kasi nawawala sa ere ah?" naiinis kong wika. "I'm sorry pero kelangan ko mag-exit eh," seryosong wika ni GM.
"Hmmm teka bakit naman, pero totoo ba iyon sinabi ni Hero kanina na nakikita ka niya?" pagtatanong ko.
"Hmmm may katanungan lang ako sayo Athena," aniya kumunot naman ang noo ko.
"Ako nga nagtatanong sayo tapos ikaw yung magtatanong? Shunga ka lang GM?" dismayang wika ko.
BINABASA MO ANG
My Guardian Matcher (New Version)
FantasyAthena Jane a sixteen year old girl longing for a mother's love although it is difficult to ask her mother to come back because she is dead. She decided to find a perfect match for her Dad. Because of a magical ball given to her by the old woman...