Chapter 5 Finding His Perfect Match!

47 19 41
                                    

Athena Jane's POV

"Ah mission?" ani ko.

"Yes our mission, by the way pala ikaw ang matcher dito. Ako lang naman ang guardian matcher mo ah?" aniya.

"Ako ang matcher!" gulat na wika ko.

"Hays! Bakit napaka-OA mo dear? Just calm down, magrelax ka nga," dismayang wika niya. Napabuntong hininga na lang ako.

"But wait, teka akala ko ba tutulungan mo ako? Bakit ako ang maghahanap ng perfect match ni Daddy?" saad ko.

"Ang ingay mo baka marinig ka ng daddy mo," aniya agad nagtungo ito sa pintuan at nilock ito.

"Nakakahawak  ka ng bagay?" pagtataka ko.

"Oo naman! Napapagalaw ko pa nga! I can move everything dear, 'tska puwede rin ako magteleport," magiliw na  wika niya.

"What? So may powers ka talaga?" manghang wika ko.

"Wala naman ako superpowers dear, 'di naman ako si God 'no. Isang angel lang ako. Teka nga maiba nga tayo ng usapan," aniya.

Agad naupo ito sa kama ko sabay flip hair. Bakit ba ang hilig niya magflip hair.

"So ano okay ka na ah? Puwede na ba tayo magsimula?" pagtatanong niya bumuntong muna ako.

"Okay so ano ang pag-uusapan natin?" pagtatanong ko.

"Alam mo kaya ako nag-exist dito dahil hiniling mo ako dear, and narinig ko ang iyong munting kahilingan. Kaya nandito na ako para tulungan ka," aniya.

"Wait! Kung sinasabi mo na ikaw ang guardian matcher ko at ako ang matcher? Ibig sabihin nito ako pa rin ang gagawa ng way para mahanap ang the one ni Dad?" tanong na wika ko.

"Oo! Ang galing mo ah? Matalinong bata, saan ka ba nagmana dear? Akala ko kasi tanga ka," natatawang wika niya.

"Grabe ka naman sa tanga! Siyempre may tamang pag-iisip ako 'no! Saan pa ba ako magmana kundi sa mga magulang ko," asik ko.

"Oo na! By the way ako lang naman ang mag gu-guide sa'yo, one more thing kapag nahanap na natin ang perfect match ng daddy mo, ikaw rin magsisilbing tulay para mapaglapit sila," aniya.

"Hala?! Pero paano 'tska hindi mo ba sila gagamitan ng powers para magkatuluyan?" ani ko napasapo lang ito sa noo niya.

"My god! Akala ko ba nakakaintindi itong batang 'to," dismayang wika niya sabay iling ng kan'yang ulo. "Uulitin ko ah? Wala po akong powers 'tska hindi natin sila gagamitan ng anything magic, para lang maging sila. Siyempre sa larangan ng pag-ibig kailangan ng efforts para maging sa'yo ang isang bagay. Kaya maraming process 'no!" malahad na wika niya.

"Teka paano ko ba malalaman kung sino ba talaga ang perfect match ni Dad. Paano natin siya mahahanap ah?" pagtatanong ko.

"It's so easy my dear," agad kinuha niya ang mahiwagang bola.

"Hetong bola na ito ang magsisilbi na instrumento mo para malaman natin kung siya na ba ang the one ng daddy mo," aniya agad binigay niya ito sa akin.

"Paano ko ba ito magagamit GM?" pagtatanong ko.

"Kailangan mo lang naman ilabas ang bola tapos ilahad mo lang ito kung sino ang nakakausap ng Daddy mo na babae. 'Di ba marami ang Daddy mo na nakakasalamuha na babae. Lalo na sa kompanya niyo. Alam ko naman na marami. Sa guwapo ba naman ng Daddy mo. Impossibleng wala nagkakagusto sa kan'ya 'no!" sunod-sunod na wika niya.

My Guardian Matcher (New Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon