Chapter 16 New Buddies!

37 19 23
                                    

Athena Jane's POV

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa pag-aalala ko kay Daddy. Nalulungkot ako ng nakita ko ganon ang sitwasyon ni Dad. Bumalik nanaman ulit ang depression niya kay mommy.

Heto kami ngayon ni GM sa loob ng kwarto ni Daddy. Sinamahan namin  siya dito sa loob, para naman mabantayan ko si Dad.

Mag-aalas sais na ng umaga still tulog na tulog pa rin si Dad.

"Hmmm Athena okay ka lang ah?"pagkakamusta sa akin ni GM lumingon naman ako sa kanya.

"Hmmm okay naman ako GM kaya lang tignan mo mga mga mata ko? Mukha na akong zombie dito kung tignan huhuhu," naiiyak kong sabi ko sa kanya.

"Haha sino ba naman kasi nagsabi sayo na bantayan mo hanggang umaga ang Daddy mo? Dapat umidlip ka din paminsan minsan," natatawang wika niya.

"Hmmm sa gusto ko imonitor si Daddy eh, tska umidlip naman ako kagabi ah konti nga lang," ani ko.

Ngayon ko lang napansin na iba na ang suot na damit ni Daddy sa pang-itaas niya.

"Hmmm teka bakit iba na ang pang-taas na damit ni Daddy? Naka t-shirt ito kagabi ah, ngayon nakasando na sino nagbihis sa kanya kagabi?" pagtataka ko.

"Hmmm ako, bakit may problema ba?" aniya. "Hmmm what?! Ikaw?" gulat na wika ko sa kanya.

"Oo nga ako! Nakikita ko kasi basang basa siya ng alak sa dibdiban niya eh, dapat palitan na ito ng damit," aniya sinamaan ko naman ito ng tingin.

"Hmmm mukhang gusto gusto mo naman GM ah?" pagdududa ko agad binato niya ako ng unan sa mukha ko.

"Ouch! GM naman eh!" asik ko.

"Hoy! Ano iniisip mo? Ninanasaan ko Daddy mo? Maghunos dili ka nga bata ka? Pagtingin mo sa akin duh?" mataray na wika niya sa akin.

"Pero infairness ah kahit nasa mid-fourties na Daddy mo ganda pa rin ng katawan hehehe," kinikilig na wika niya.

"Hmmm sabi ko na nga ba crush mo Daddy ko!" mariin kong wika ngunit tumawa lang ito. "Haha ano ka ba Athena my dear, mas gwapo pa din ang asawa ko nuh, maganda din ang katawan nun," aniya.

"Hmmm ewan ko sayo," asik ko maya pa ay natigilan ako ng nagising si Daddy.

"Hmmm anak? Anong ginagawa mo dito sa loob ng kwarto ko?" pagtataka ni Dad. "Dad kagabi kasi eh lasing na lasing kayo, narinig ko din na nagwawala ka kagabi, Dad bakit po kayo naglasing kagabi?" nag-aalalang wika ko.

Bumangon ito at ipinagdikit niya ang dalawang palad niya sa mukha niya habang iniinda ang sakit ng ulo. Maya pa ay umangat na ito ng tingin sa akin.

"Hmmm I'm sorry baby ah? Nakakahiya tuloy sayo, nakita mo pala ako kagabi tsk. Huwag mo na isipin iyon okay na ako," aniya.

"Pero Dad natatakot pa rin ako eh, baka bumalik ulit kayo sa dati. Bumalik ulit ang depression niyo," nag-aalalang wika ko sa kanya hinawakan niya ang kabilang pisngi ko.

"Baby don't worry hindi iyon mangyayari okay? I'm sorry hindi na iyon mauulit," aniya.

"Hmm okay Dad, kung kelangan mo makausap andito lang po ako ah," ani ko. "Sige na anak magpreprepare na ang Daddy ah? Wala ka bang pasok ngayon?" pagtatanong niya.

"Hmmm wala po intramurals naman ng school, wala naman po lesson kaya kahit huwag nako pumasok ngayon," sabi ko sa kanya.

"Okay dear," aniya agad tumayo na si Daddy sa kama niya. "Dad saan po ang punta niyo ngayon?" pagtatanong ko.

"Hmmm sa office, back to work again," aniya.

"By the way anak, bukas aalis ako pupunta ako ng Baguio, may meeting kami doon with the new investors sa kompanya," sabi niya sa akin na kinagulat ko.

My Guardian Matcher (New Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon