Chapter 36 The Accident

36 11 19
                                    

Athena Jane's POV

Hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip kung nasaan na si Daddy. Kagabi ko pa din siya kinokontak pero hindi siya sumasagot. Naisipan kong tawagan si Ninang Arriane para humingi ng tulong.

"Ninang Arriane, si Daddy po ba kausap mo kagabi?" pagtatanong ko sa kabilang linya. "Ah eh iyon din sana itatanong ko sayo anak eh, kagabi ko din hindi makontak ang daddy mo," nag-aalalang wika niya.

"Oh? Ganon oh ba? Tsk saan na kaya si Daddy, kagabi kasi nagpaalam siya may  jamming daw po sila nila Tito Jake at Tito Joshua," ani ko.

"Ah ganon ba sige tatawagan ko sina Tito mo ah wait lang," sabi ni Ninang agad binaba niya saglit ang tawag namin.

Makalipas ang ilang segundo agad tumawag ulit si Ninang sa akin.

"Anak, ang sabi daw ng mga Tito mo naghiwalay na sila ng landas eh, tapos may kasama daw siya kagabi na kaibigan niya, pero huwag na daw tayo mag-alala okay naman daw sila," sabi sa akin ni Ninang.

"Teka oh sino po ba ang tinutukoy na kaibigan ni Daddy?" sabi ko sa kabilang linya.

"Hindi ko anak alam eh, ang mabuti pa hanapin natin ang daddy mo ah, sandali lang magpreprepare lang ako, sunduin kita sa mansion ngayon," nagmamadaling wika niya.

Ibinaba na niya ang tawag namin, naghanda na din ako para sa sarili ko. Hindi ko alam kung sino ang kaibigan ni Dad, hindi kaya iyon din yung sinasabi ni Daddy kahapon na special friend niya.

Ewan ko ba naguguluhan na ako, GM asan ka na kasi, kelangan ko ng tulong mo.

Magpakita ka naman sa akin tsk! Minsan hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Si GM lang kasi tumutulong sa akin kapag nasa alanganin akong sitwasyon.

Makalipas ang thirty-minutes ay dumating na si Ninang Arriane dito sa mansion.

"Anak nakahanda ka na ba?" pagtatanong niya. "Opo Ninang saan tayo pupunta?" ani ko.

"Magtatanong tayo sa mga kakilala ng Daddy mo, okay? Ako na bahala kung saan tayo pupunta, baka isa sa kanila may alam kung nasaan ang Daddy mo. Hindi kasi sinabi sa akin nila Tito Jake at Tito Joshua mo eh, kung sino kaibigan ang tinutukoy nila," malahad na wika niya.

"Okay po Ninang sige po," magalang na wika ko agad umalis na kami ng mansion para hanapin si Daddy.

Kung saan saan kami nakaabot ni Ninang na bahay ng mga kaibigan ni Dad, para lang hanapin siya. Pero ni isa sa kanila ay walang alam kung asan si Daddy. Hanggang di namin namamalayan ni Ninang na mag aalas - dyis na pala ng umaga.

"Hays asan na kaya ang Daddy mo, malapit na mag tanghaling tapat pero wala pa din siya, ano na kaya nangyayari sa kanya," nag-aalalang wika ni Ninang.

"Mahahanap din po natin siya Ninang huwag po kayo mag-aalala," malumanay na wika ko. Maya pa natigilan kami ng tumawag si Daddy sa cellphone ni Ninang.

Agad ipinarada ni Ninang ang kotse sa gilid ng kalsada. Niloud speaker ni Ninang Arriane ang tawag para lang marinig ko.

"Hello Benedict asan ka ngayon? Kanina pa kami naghahanap sayo ni Athena, bakit ngayon ka lang ah?" sunod sunod na tanong ni Ninang kay Daddy.

"Dad? Asan po ba kayo pinag-alala mo ako kagabi eh," pagsasabat ko.

"Hmmm guys I'm fine don't worry uuwi na ako ngayon, relax lang kayo walang nangyari sa akin na masama okay?" sabi ni Daddy sa amin.

"Hmmm okay Benedict sige, pero you need to explain everything about this okay?" sabi ni Ninang sa kanya.

"Okay," matipid na wika ni Dad agad ibinaba na nila ang kanilang tawag.

My Guardian Matcher (New Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon