Chapter 41 Her Darkest Secret

33 10 15
                                    

Athena Jane's POV

Pilit ko inaalis ang mga nakatali na lubid sa kamay at paa ko. Ngunit hindi ko ito maalis alis dahil sa higpit ng pagkakatali. Napansin ko si Ninang Arriane, walang pa rin itong malay simula ng umalis si GM sa katawan niya.

"Pakawalan niyo kami ano ba! Ninang gumising ka po please!" pagsisigaw ko.

"Hoy! Ang ingay mo bata ka! Pag ako nainis sa boses mo puputulin ko iyan dila mo!" pagbabanta sa akin ng isang lalake. "Sino ba kayo ah?! Anong kelangan niyo sa amin ah?" mahanghang na wika ko sa kanila.

"Malalaman mo rin ang mga sagot mo sa katanungan mo mamaya hahaha," mahalakhak na wika niya. Natigilan ako ng nagising na si Ninang.

"Hmmmm anong nangyayari, teka bakit nakatali ako, anong lugar to ah?" natatarantang wika niya hindi siya makapaniwala sa sitwasyon namin.

"Ninang!"pagtatawag ko lumingon ito sa tabi ko. "Athena anong nangyayari paano tayo napunta dito, wala akong maalala," nababahalang wika niya.

"Ninang mahaba pong kwento eh, hindi ko alam kung sino ang kumuha sa atin, basta kanina lang po sa mansion may pumasok na mga kalalakihan at sapilitan kinuha nila tayo," pagpapaliwanag ko.

"Hmmmm wala ako maalala anak eh, ang alam ko lang kausap ko pa ang Daddy mo ng—," natigilan kami ng may nagsalita.

"Hello guys! Kumusta kayo?" namilog mga mata namin ng makita namin si Precious na nasa gitna na namin. May hawak ito baril.

"Precious? I-Ikaw ang may gawa nito sa amin? Bakit?" di makapaniwalang wika ni Ninang Arriane sa kanya. Tinignan ko ng masama si Precious.

Sinasabi ko na nga ba! Sa umpisa palang wala ba maidudulot na maganda ang babaeng ito!

"Athena anak kumusta ka?" masayang wika niya. "Hmmm huwag mo ako matawag tawag na anak! Hindi ikaw ang mommy ko! Wala akong mommy na kasing sama ng budhi mo!" mariin na wika ko sa kanya.

Agad lumapit ito sa akin at hinawakan niya ako sa may baba ko. Nagulat ako ng sinampal niya ako ng malakas, na kinainda ko.

"Precious! Ano ba! Huwag mo saktan ang bata!" pagalit na wika ni Ninang sa kanya.

"Hmmm ang lakas din ng loob mo Athena ah? Akala mo ba di ko makakalimutan ang mga pang iinis mo sa akin? Pwes makakahiganti ako sayo!" mariin na wika niya.

Sinampal pa din niya ako dalawang beses sa magkabilaang pisngi ko. Ngunit tumingin lang ako sa kanya na masama para ba hindi ako nagpapatalo sa kanya. Ramdam ko ang hapdi ng pagkakasampal niya sa akin.

"Hmmm sa tingin mo matatakot ako sayo Precious? I will drop the word Ate Precious? Dahil hindi ka naman dapat galangin ang sama sama mo!" mariin kong wika ngunit tumawa lang ito.

"Hahahahah! Tsk hay nako Athena, kung ako sayo tawagin mo akong Mommy, dahil soon to be magiging step mother muna ako," masayang wika niya na kinakunot noo ko.

"Hindi ikaw ang mommy ko! Ang Mommy Harieth, at Ninang Arriane ko lang ang pwede ko tawagin na mommy ko! Hindi ikaw!" pinagdidiinan ko talaga sa kanya ang mga katagang iyon.

"Sige lang Athena wala ka naman magagawa dahil damay damay na kayo lahat! Lahat na mga babae na mahalaga sa buhay ni Benedict ay papatayin ko?! Speaking of your Tita's kinuha ko rin ang Tita Gail and Tita Stacey mo, nasa kabila silang kwarto may bomba sa palibot ng katawan nila booom!"masayang wika niya na kinagulat namin ni Ninang.

"Ang sama sama mo! Bakit mo dinamay mga Tita ko ah? Ano ba ginawa nila sayo?!" pagsisigaw ko.

"Sayang hindi kasali si Samantha, swerte nya dahil wala siya sa Pilipinas pero pag nandito siya idadamay ko sya tsk.Hindi naman talaga sila damay dito eh, kaso kasali na rin sila tss dahil lahat sila inagaw nila sa akin ang pagkakaibigan namin ni Benedict." Aniya na kinatigil ko.

My Guardian Matcher (New Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon