Third Person POVInterior at Benedict's Room
Habang nag-aayos si Benedict ng sarili niya para sa date nila ni Arriane. Samantala naman si Athena ay panay kakapili ng polo shirt ng kanyang ama.
"Daddy! Waah I'm so excited po sa date niyo mamaya ni Ninang! Kung pwede lang sana sumama kaso mas maganda kung may privacy kayo!" masiglang wika ni Athena sa kanyang ama.
"Hey, heto naman labas kaibigan lang naman kami anak eh, date na ba iyon sayo?" pagtataka ni Benedict.
"Daddy para sa akin date niyo na iyon! At tska kung magkakadevelopan kayo ni Ninang Arriane, I will support you po Daddy, boto naman ako kay Ninang," masayang wika ni Athena habang naghahanap ito ng polo shirt.
"Anak halika ka nga dito," malumanay na wika ni Benedict sa kanyang anak. Lumapit naman si Athena sa kanyang ama.
"Why Dad?" pagtataka ng dalagita.
"Hmmm sa tingin mo magugustuhan kaya ako ng Ninang mo? Baka kasi isipin niya gagawin ko lang siya rebound dahil sa mommy mo," malungkot na wika ni Benedict sa kanyang anak.
"Daddy naman eh, haaays magugustuhan ka ni Ninang po. Tska it's been seventeen years na po wala si mommy, kaya its time naman Daddy para makapagmove on kay Mom." sincere na wika ni Athena sa kanyang ama.
"Okay my dear princess, naisipan ko na din iyan noon pa. Natakot lang kasi ako, baka kapag nagmahal ako ng ibang babae. Tapos ang mommy mo pa pala parin ang mahal ko, ayoko naman makasakit ng ibang tao," malungkot na wika ni Benedict sa kanyang anak.
"Dad? Huwag mo lang kasi po ipaparanas kay Ninang na rebound siya. Yun lang po tska Dad it's time naman po para buksan ang puso niyo sa iba, para makamove on na po tayo sa past," sincere na wika ni Athena kay Benedict.
"Hehe okay anak susubukan ko ah?" wika ni Benedict. "Huwag muna subukan! Gawin muna kasi Daddy, tska alam mo ba Dad nalaman ko na gusto ka din pala ni Ninang Arriane noon pa ayieeee!" kinikilig na wika ni Athena sa kanyang ama
"Ahh? Ano? Noon pa?" pagtataka ni Benedict. "Opo! Kaso Dad sabi sa akin ni Ninang Arriane isinantabi niya nalang iyon, kasi nga mahal na mahal mo si mommy noon. Kaya supportive bestfriend naman siya sayo Daddy," malahad na wika ni Athena sa kanyang ama.
Hindi inaasahan ni Benedict na gusto din pala siya ng kanyang matalik na kaibigan noon pa.
Nang nakahanda na si Benedict para sa date nila ni Arriane, namangha si Athena sa kagwapuan ng kanyang ama.
"Wow Daddy ang gwapo niyo po! Waaah pwede ko ba kayo kunin kadate ko sa valentines day? Hahaha," natatawang wika ni Athena.
"Oo baby pwedeng pwede pero ang Ninang Arriane mo muna kadate ko ngayon ah?" malumanay na wika ni Benedict.
Nagtungo na sila sa kotse at nagpaalam na din ito si Benedict sa kanyang anak.
"Daddy goodluck sa date niyo ah! Balitaan mo po ako ah!" masiglang wika ni Athena sa kanyang ama.
"Okay dear, salamat sa supporta pero kinakabahan ako," nababahalang wika ni Benedict sa kanyang anak.
"Daddy relax! Kaya mo yan para naman di mo ginawa to kay mommy noon ah?" pagtataka ni Athena ngunit napatawa lang si Benedict sa sinabi ng kanyang anak.
"Hahaha hindi honestly hindi talaga, palagi ko kasi siya inaasar noon, basta maraming ganap sa amin ng mommy mo bago maging kami, kung ikwekwento ko sayo, aabutin tayo ng dekada kakakwento," malahad na wika ni Benedict sa kanyang anak.
"Okay Dad! Sige na po ingat kayo ah?" malumanay na wika ni Athena sa kanyang ama.
"Okay anak," agad hinalikan ni Benedict ang kanyang anak sa noo. Sumakay na ito ng kotse niya.
BINABASA MO ANG
My Guardian Matcher (New Version)
FantastikAthena Jane a sixteen year old girl longing for a mother's love although it is difficult to ask her mother to come back because she is dead. She decided to find a perfect match for her Dad. Because of a magical ball given to her by the old woman...