Chapter 21 Back to the Mission

32 15 14
                                    

Athena Jane's POV

Pagkaraan ng tatlong araw natapos na din ang burol ng Daddy ni Ninang Arriane. Naihatid na din ito sa kanyang hantungan. Nakakalungkot isipin mawalan ng mahal sa buhay.

Naalala ko tuloy si Mommy, nung binuksan namin ni Daddy ang ataul niya, akala namin na nawawala ang bangkay ni mommy. Mali pala ang hinala namin ni Daddy.

Nakita ko rin ang katawan ni Mommy kahit bungo nalang ito. Hindi ko maiwasan maiyak ng nakita ko siya. Gusto gusto kong yakapin si mommy that time, pero pinigilan ako ni Daddy.

Napansin ko din mas lalo nalungkot si Daddy ng nakita niya ulit ang bangkay ng mommy ko. Pero alam ko na nilalakasan niya ang loob niya para sa akin.

Balik na din ulit kami sa normal naming buhay. Si Daddy balik ulit sa trabaho sa kompanya niya. Samantala si Ninang Arriane lumalaban kahit wala na ang kanyang ama.

Hindi ko rin maiwasan maalala yung nakakakilabot na nangyari sa akin nung nakaraang araw. Nakita ko ang katawan ni GM sa loob ng ataul.

Tapos may isang matandang babae na nakatayo sa puntod ni mommy, alam ko siya sumira ng puntod ni Mom.

Nakakabahala kung iisipin, ang daming katanungan na pumapasok sa isipan ko. Tatlong araw na din hindi nagpapakita si GM sa akin.

Nag-aalala na ako sa kanya asan ka na ba kasi GM? Ano na kaya nangyayari sayo?

Tatlong araw na din na nahinto ang mission namin dahil wala siya. Hindi namin alam ang gagawin na susunod na hakbang para maipaglapit sina Daddy at Ninang Arriane.

"GM asan ka na ba kasi! Magpakita ka naman oh? Ano iniwan mo na lang ba ako sa ere? Akala ko ba magkasama tayo hanggang sa huli? Bakit mo ako iniwan ah? Paano na sina Daddy at Ninang Arriane?" sunod sunod kong wika sa aking sarili.

Magkakamalan na talaga akong baliw dito sa school. Heto ako ngayon sa bench nakaupo. Dahil breaktime naman ngayon.

"Athena!" nakita ko sina Luke, Ivan at Hero na palapit sa akin.

"Guy's! Ano nakita niyo ba si GM? Kasi tatlong araw na siya hindi nagpaparamdam sa akin eh," nag-aalalang wika ko.

"Hmmm hindi Athena kung nakita ko man sasabihin ko kaagad sayo," wika ni Hero. "Oo nga eh bakit kaya biglang nawala si GM, nakakapagtataka naman oh," pagdududa ni Ivan.

"Hmmm wait baka binisita niya ang pamilya niya, di ba sabi mo sa akin nung nakaraang araw na may pamilya ito, baka pumunta doon," pagsasabat naman ni Luke.

"Hmmm baka nga Luke, pero natatakot ako. Natatakot ako kasi nung isang araw may naencounter ako nakakakilabot na pangyayari tsk," natatakot na wika ko sa kanila.

"Ano? What do you mean Athena?"pagtataka ni Hero.

"Guy's hindi ako nananakot sainyo ah eh kasi nung pumunta kami ni Daddy sa burol ng daddy ni Ninang Arriane. May naencounter akong isang matandang babae, maitim ito at nakakatakot," sabi ko sa kanila.

"Hmmm tapos anong nangyari?" pagtatanong ni Hero. "Hmmm sinabihan niya ako na kung gusto ko daw makita ang mommy ko, tapos sabi niya tignan ko daw ang ataul na nakaburol doon sa funeral chapel."ani ko.

"And then what happened?" sabi naman ni Luke. "Nagtungo ako sa ataul para tignan ito at nagulat ako dahil hindi naman si mommy ang nakita ko kundi si GM. Nakakatakot guy's gulat na gulat talaga ako eh. Tapos tatlong araw na nawawala si GM, hindi kaya may nangyari masama kay GM?" nababahalang wika ko.

"Hmmm I see ibig sabihin nito Athena may premonition na pinapakita sayo ang matandang babae na iyon," seryosong wika ni Hero.

"What a premonition? What do you mean?" pagtataka ko. "Pangitain Athena, medyo nalalabuan pa ako sa sinasabi mo, pero may ibig sabihin iyon," seryosong wika ni Hero.

My Guardian Matcher (New Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon