Chapter 25 Happy Birthday Athena!

30 14 11
                                    

Athena Jane's POV

Lumipas ang mga ilang araw hindi namin namamalayan na mag-iisang buwan na kami sa mission namin ni GM. Napapansin ko nowadays kapag sasapit ang three days ay nawawala palagi si GM. Tapos makalipas naman ng three days na nawala siya ay babalik ulit ito.

Hindi ko na din maiwasan mag-alala sa guardian ko. Kahit busy kami sa mission namin, concern parin ako kay GM.

Bukas na ang kaarawan ko at death anniversary ng mommy Harieth ko, wala pa rin siya. Sana magpakita ka na GM.

"Anak okay ka lang?" natigilan ako ng magsalita si Daddy sa akin.

"Ah eh opo Daddy okay lang po ako," mahinahon na wika ko heto kami ngayon sa kusina kasama ang mga katulong namin.

Nagpreprepare kami ng mga dadalhin naming pagkain para bukas. Halos hinanda na namin pati guess room ng mansion. Dahil may uuwi mga taga Dubai at US. Well actually sina Lolo at Lola lang dito mag-isstay sa mansion.

May sariling mansion na din kasi sina Tito Kurt at Tita Sam. Excited na din ako makita silang lahat! Kahit papano kapag sumasapit ang birthday ko at death anniversary ni mommy, hindi ko naman nararamdaman na mag-isa ako.

"Dad nakahanda na po ang lahat para bukas," ani ko. "Okay anak matulog na tayo bukas kasi maaga ako sa airport. Susunduin ko ang Lolo at Lola mo, kasama din ang Tito MJ mo," aniya.

"Okay Daddy goodnight po! I love you!" masiglang wika ko.

Nagtungo na kami sa kanyang kanya naming kwarto. Pagpasok ko sa loob akala ko gugulatin ako ni GM. Pero walang GM na bumungad sa akin.

"Hays GM! Asan ka nanaman kasi eh! Magbibirthday na ako bukas oh? Tapos wala ka pa? Pagbalik mo dapat may regalo ka sa akin hmmp!" pagmamaktol ko.

Tumunog ang cellphone ko at nakita ko may nagvivideo call sa messenger ko.

Ringing
Bestfriends Forever❤️❤️❤️......

Agad sinagot ko naman ito at ang una kong nakita sa video call ay si Luke.

"Hey Athena! Birthday muna bukas ah? Anong atin bhe! Hehehe," masiglang wika niya.

"Hahaha wala gaya pa rin ng dati Luke! Still maganda at cute pa rin ako!" pagyayabang ko.

Maya pa sumulpot sa video call si Ivan.

"Yow! To my boyish friend! Birthday muna ano tagay tayo nuh? Hahaha happy happy happy birthday! Sayo ang inumin! Sayo ang pulutan! Happy happy happy Birthday! Whooo!" pagkakanta ni Ivan sa akin.

"Hahaha sira! Gago to! Bawal pa ako uminom, pagagalitan ako ni Daddy nuh!" natatawa kong wika.

"Hahaha ay ganon sabagay kahit juice lang naman eh heheheh," ngiting wika ni Luke. Maya pa ay sumulpot si Hero sa video call namin.

Nakita ko si Hero na nakabathrobe ito, marahil kakatapos palang  niya maligo.

"Yow! Hero! Sana all fresh!" masiglang wika nila Luke at Ivan.

"Hehehe ininitan ako eh, by the way advance happy birthday Athena! Bukas mag eenjoy tayo ah, bawal ang malungkot okay?" masayang wika niya sa akin.

Napangiti naman ako sa tatlong ito kahit papano hindi nila ako nakakalimutan. Ang swerte ko magkaroon ng mga kaibigan kagaya nila.

"Maraming salamat guys ah, mahal na mahal ko kayo," masayang kong wika sa kanila napapaiyak tuloy ako sa kanila.

"Nako nako iyakin nanaman ang kaibigan namin! Yieeee huwag kana umiiyak mahal ka nun! Hahahah," pang-aasar ni Luke.

My Guardian Matcher (New Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon