Athena Jane's POV
"Mom? Bakit po hindi niyo sinabi sa akin noon na kayo pala ang mommy ko. Bakit po nagtago ka pa sa tauhan ni GM," sunod sunod kong tanong kay GM.
Heto kami ngayon sa beach dito namin naisipan tumambay muna. Samantala sina Luke, Hero at Ivan dumistansya sa amin, para meron kaming privacy ni GM.
"Hmmmm Athena anak, pasensya na ah kung bakit di ko sinabi sayo kaagad. Kasi alam ko naman eh, alam ko naman na sa umpisa hinahanap mo na ako. Naisipan ko magpangap bilang guardian matcher mo, kung sasabihin ko sayo na ako ang mommy mo, baka hanap-hanapin niyo ako ng daddy mo," aniya.
"Hmmmm mommy, hindi po ako makapaniwala eh, na bumalik kayo. Sa mahabang panahon na di ko kayo nakita. Nagpakita talaga kayo sa amin ni Daddy," ani ko.
"Baby kasi nakikita ko na kelangan niyo ng tulong eh, napapansin ko ang daddy mo still hindi makamove on sa akin. Alam ko na mahal na mahal pa rin niya ako. At ikaw naman longing ka sa pagmamahal ng isang ina. Kaya naisipan ko bumaba dito, para sa isang mission. Ang hanapan kayo ng isang ilaw ng tahanan. At si Arriane iyon, naniniwala ako sa kanya na maging mabuti siyang ina at asawa sainyo," malahad na wika niya.
"Mo-mommy napakabuti mo pong tao, kahit hindi ko kayo nakasamang matagal, sa mga kwento palang nila Daddy at Ninang sa akin tungkol sayo noon. Nakakahanga po kayo," masaya kong wika agad niyakap ko siya.
"Hmmm ganon ko kayo kamahal eh, kaso ang malas ko nawala ako sainyo. Siguro kung hindi umepal ang pumatay sa akin, masaya sana tayo ngayon," seryosong wika niya.
"Mom? Sino po ba ang pumatay sainyo? Kelangan niya panagutan ito tsk, hindi ako makakapayag na hindi makuha ang hustisya sayo," ani ko.
"Hmmm anak malapit ko na siya mahanap, may suspect na ako. Pero di ko pa siya tinitira. Naghahanap pa ako ng tempo," aniya.
"And one more thing baby kaya ako nawala kasi nakipaglaban ako eh," malungkot na wika niya.
"Ah ano oh? Sino kalaban mo?" pagtataka ko. "Yung spirit hunter? Mahirap iexplain pero, kinalaban ko muna siya, siya ang kalaban namin dito sa mundo, kinukuha niya kaming mga ligaw na kaluluwa at dinadala sa kuta niya para maging alipin, mabuti nalang napagtagumpayan ko ito. Kelangan ko kasi siya kalabanin, para di siya makagambala ng ibang kaluluwa," aniya.
"Grabe pala ang hirap na pinagdadaanan niyo ngayon, sana natutulungan ka namin ni Daddy ngayon," malungkot kong wika.
"Hmmm okay lang ako baby ko ang mahalaga tapos na okay?!" masiglang wika niya.
"Mom can you stay for us? Gusto ko na magbonding naman tayo ni Daddy, kahit sa huling sandali mo dito sa mundo please Mom?" pagsusumamo ko.
"Andito lang ako baby ko sayo, pero hindi ko sure kung makakapagstay pa ako ng matagal eh," malungkot na wika niya. "Hmmm bakit naman oh? Please Mom I'm begging you po," pagmamakaawa ko.
"Sige na po Tita Harieth, payagan muna po si Athena, kahit ngayon lang. Alam ko kapag naubos na ang oras mo dito sa mundo, hindi na po kayo makakabalik," pagsasabat naman ni Hero.
"Hmmm sige guy's maraming salamat pala sa pagbabantay at pagmamahal niyo sa baby ko ah? Kung hindi dahil sainyo baka mapahamak siya," sabi ni GM kina Hero.
"Wala po iyon anuman GM ay este Tita Harieth pala hehehe, nako nasanay na kasi kami GM tawag namin sayo eh," nahihiyang wika ni Luke.
"Okay lang yan kahit ano pa itawag niyo sa akin, kung saan kayo sanay," masiglang wika ni GM sa amin.
"So paano ba iyan guy's aalis muna ako ah?" aniya. "Teka saan ka nanaman pupunta? pagtataka ko.
"Hmmm may pupuntahan lang ako basta mamaya babalik ako okay?!" masiglang wika niya.
BINABASA MO ANG
My Guardian Matcher (New Version)
FantasíaAthena Jane a sixteen year old girl longing for a mother's love although it is difficult to ask her mother to come back because she is dead. She decided to find a perfect match for her Dad. Because of a magical ball given to her by the old woman...