Athena Jane's POV
Andito kami ngayon sa kompanya , mag-aalas kwatro ng madaling araw na. Maaga talaga kami napunta dito nila Ninang Arriane at Daddy para sa pag-aayos ng decoration for event.
Kasama din namin sina Hero, Ivan at Luke para may assistant kami sa pag-aayos. Hindi kasi kakayanin ng mga katulong ni Ninang kung walang lalake sa grupo.
Nagsimula na kami magdecorate sa lugar kung saan ang venue area dito sa loob ng kompanya. Floral theme daw ang gusto concept ni Daddy kaya naisipan ni Ninang na maglagay ng mga special decorations sa wall ng room at sa table nila.
Medyo malawak ang area ng kompanya namin kaya medyo mahirap magdecorate. Habang tumutulong ako sa pag-aayos ng table ay samantala si Ninang ang nag-uutos kina Luke, Ivan at Hero sa pagkakabit ng decors sa wall.
"Tita Arriane okay na po ba yung pagkakabit ng mga letters sa wall baka hindi oh pantay?" pagtatanong ni Hero habang nagdidikit ito ng letters sa wall.
"Okay na Hero pantay na, Luke pakilagyan mo din ng flower sa magkabilaang gilid ng WELCOME PARTY para maganda tignan," tugon na wika ni Ninang Arriane kay Luke.
"Okay Tita!" masiglang wika ni Luke habang busy kami lahat sa pag-aayos nakita ko si Daddy na may dala ito coffee at donuts para sa amin.
"Guy's magcoffee muna kayo oh baka kasi inaantok pa kayo ngayon," sabi ni Daddy sa amin. Agad lumapit naman kami sa kanya habang nilapag niya ang kanyang mga dala sa table.
"Yow Tito! Salamat kelangan ko nga ito, inaantok pa kasi ako eh," naantok na wika ni Luke sabay hikab.
"Thanks Daddy!"masiglang wika ko agad kumuha ako ng coffee.
"Wow ah ang ganda na ng venue place ah? Ang galing ng coordinator ng nagdesign ah?" manghang wika ni Daddy sa amin.
"Hmmm siyempre pinaganda ko talaga yan, alam mo naman ako kapag ako nagtrabaho gusto ko maganda at organize ang lahat," confident na wika ni Ninang Arriane sa amin.
"Oo nga eh alam ko naman na ganon ka magplano. Kaya nga ikaw ang kinuha ko kesa sa iba," malumanay na wika ni Daddy kay Ninang.
"Oo na alam ko naman na ako lang ang kukunin mo at hindi ang iba," wika naman ni Ninang.
"Ang ganda talaga pati ang mga table and chairs ang ganda ng pagkakalagay ng mga mantles, kasing ganda mo," malambing na wika ni Daddy kay Ninang.
Awit! Kinilig ako doon ah sa sinabi ni Dad.
"Ehem! Ehem! Hahahah ayieee Tito Benedict ah?" kinikilig na wika nila Ivan at Luke.
"Oh bakit totoo naman ah, na kasing ganda ng Tita Arriane mo ang gawa niya," sabi naman ni Dad napansin ko nagblush si Ninang Arriane.
"Hmmmp hay nako bolero! Ewan ko sayo Benedict, tumigil ka sa pagiging bolero mo tsk," asik naman ni Ninang ngunit nagsitawanan kami.
"Hahaha hindi ah my words are true, Arriane, minsan lang ako magsabi ng maganda kung ano nakikita ko," sabi ni Daddy sa kanya.
Hindi ko tuloy maiwasan matuwa habang tumatagal ay nagiging malapit na ang dalawa sa isa't isa. Habang nag-uusap sila dumistansya naman ako para ipagpatuloy ang ginagawa ko.
Inayos ko ang pagkakalagay ng mga mantle sa table at chairs.
"Ehem! My words are true daw!" nagulat ako ng biglang sumulpot si GM sa tabi ko. Napahawak naman ako sa dibdiban ko dahil doon.
"GM! Tsk ano ba aatakihin naman ako sa puso, bakit ka ba nangwawarshock ah?" mahina kong wika napansin ko nakasuot ito ng pangtulog.
Change outfit naman ang ateng niyo!
BINABASA MO ANG
My Guardian Matcher (New Version)
FantasyAthena Jane a sixteen year old girl longing for a mother's love although it is difficult to ask her mother to come back because she is dead. She decided to find a perfect match for her Dad. Because of a magical ball given to her by the old woman...