Athena Jane's POV
Maaga palang nagising na ako para maghanda sa pagpasok sa school. Agad bumaba ako sa ibaba para hanapin si Dad.
Nakita ko si Daddy na dining area na. Nagkakape ito habang nakatutok sa laptop niya.
"Hmm goodmorning Dad!" masigla kong wika sa kanya. "Good morning too my dear princess, bakit ang aga mo naman nagising five-thirty palang ah?" pagtataka niya.
"Hmmm wala lang po Dad gusto ko lang kasi maaga ngayon, Dad mamaya po after ng school pwede pasyal ako sa kompanya niyo?" pagtatanong ko binaling niya ang attention sa akin.
"Ah eh pwede naman pero ano gagawin mo doon dear?" pagtataka niya.
"Hmmm gusto ko po na sabay tayo umuwi Dad," ani ko.
"Ah ganon ba pwede naman anak kaso di ko sure kung anong oras ako uuwi eh , baka gagabihin nanaman ako kaya much better mauna ka na dito sa mansion," aniya.
Napansin ko bakit palagi nalang si Dad na gagabihin na umuwi.
"Dad sino po ba nakakasama mo sa office pag uwian na," pagtatanong ko.
"Hmmm mga katrabaho ko natural teka dear, napapansin ko ang dami mong tanong bakit ba? May problema ka ba?" pagdududa ni Dad sa akin.
"Nako Dad wala oh! I'm just want to sure po na okay ka sa nakakasama mo hehehe," ngumiti lang ako sa kanya.
"Hmmm okay, sige anak I'm gonna shower na muna. Magpreprepare na rin ako for office kumain ka na," aniya agad isinara na niya ang laptop.
Nagtungo na si Dad sa itaas ng kwarto niya. Bumuntong hininga nalang ako, di ako nakakaisip na paraan para manmanan si Daddy.
"Hmm maaga pa para sumuko my dear," natigilan ako ng may nagsalita. Nakita ko si GM na nakaupo na pala ito sa katabi ko.
"Nyek! Ano ba bakit nangugulat ka GM! Para ka naman multo!" naiinis kong wika. "Hahaha multo naman talaga ako dear," natatawang wika niya inismiran ko nalang ito.
"Ewan ko sayo! Makakain na nga!" agad kumuha ako rice at hotdog sa pinggan ko. Kumain na ako ng marami dahil alam ko magsusunog ako ng kilay ngayon sa school.
"Hmmm kain pala GM, kumakain ka ba?" ani ko tinignan ko lang siya.
Napansin ko na takam na takam siya sa adobo sa asin na nasa pinggan ng table.
"Hmmm parang ang sarap niyan ah?" natatakam na wika niya. "Ah oo masarap iyan paborito yan ng daddy ko. Gusto mo?" pag aalok ko.
"Hehe hindi naman kami kumakain na mga multo eh, pero namiss ko din iyan chaar," aniya. "Hmm talaga paborito mo rin ba?" ani ko.
"Oh yes that's my favorite!" masiglang wika niya. Pinagpatuloy ko ang pagkain ko maya pa ay bumaba na si Daddy.
Nakapambihis na ito ng pang opisina. Ang gwapo talaga ni Dad kung tignan naamoy ko din ang kanyang pabango sa katawan.
"Dear, aalis na ang daddy ah? Magpasundo ka nalang kay Manong mamaya pag uwian niyo," sabi ni Daddy sa akin.
"Okay po Dad ingat ka din po ah?" ani ko lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo.
Umalis na si Dad at iniwan na ako mag isa sa hapag-kainan.
"Ang gwapo talaga ng Daddy mo hehehe," kinikilig na wika ni GM.
"Hmmm gwapo talaga! Dami nga mga babae nagkakadamparata sa kanya eh, pero sorry sila si Mommy love niya," ani ko.
"Ah ganon? Hearthrob pala siya ng kapanahunan niya hehehe," kinikilig na wika niya.
BINABASA MO ANG
My Guardian Matcher (New Version)
FantasyAthena Jane a sixteen year old girl longing for a mother's love although it is difficult to ask her mother to come back because she is dead. She decided to find a perfect match for her Dad. Because of a magical ball given to her by the old woman...