Benedict's POV (Father of Athena Jane)Naalala ko ang mga araw na kasama ko pa ang aking asawa nung nabubuhay pa siya. Simula na kinasal kami iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko.
Flashback. . .
"Hey kaya mo pa ba akong buhatin?" pagtatanong niya sa akin habang buhat na buhat ko siya papasok ng kwarto namin.
"Oo naman kayang kaya ko pa, kahit tumanda na tayo bubuhatin kita," masayang wika ko sa kanya. Agad iniupo ko siya sa kama namin. Nakasuot pa ito ng wedding dress niya.
"Wow ah? Nakaready na talaga ang kwarto natin ah? Mukhang excited ka na ah?" manghang wika ni Jane sa akin noon habang pinagmamasdan ang kwarto namin. Tumayo ito at nagtungo sa bintana, habang nakatalikod ito naisipan ko na yakapin siya palikod.
"Hmmm masaya ka ba ngayong gabi?Love," pagtatanong ko sa kanya habang niyayakap ko siya. "Oo naman masaya ako ngayon dahil finally asawa na kita Benedict. Sa dinarami nating pag-subok sa buhay na napagtagumpayan natin ito," masayang wika niya sa akin.
Hinalikan ko ito sa leeg niya na kinakiliti ng systema niya.
"Hey haha ano ka ba? Masyado kang excited, hindi pa ako nagbibihis eh," nahihiyang wika niya. "Okay lang yan huwag mo sabihin nahihiya ka pa sa akin, asawa ko na ako nuh," ani ko ngunit natawa lang ito sa akin.
"Hahaha bakit ako mahihiya? Baka ikaw nga diyan eh," aniya iniharap ko siya sa harapan ko at pinagmasdan ko ito.
"Hmmm ang ganda talaga ng asawa ko, ahmm excited ka na ba?" malambing na wika ko sa kanya. "Hmm na ano?" pagtatanong niya mas lalo tuloy ako natawa sa kanya.
Napakainosente niya magtanong, at iyon ang nagustuhan ko sa kanya.
"Hahaha lowgets naman to!" natatawa kong wika ngunit sumingamot ito sa akin. "Eh sa hindi ko alam ewan ko sayo bahala ka nga," naiinis na wika niya magwawalk out na sana siya pero pinigilan ko ito.
"Hey heto naman di na mabiro," niyakap ko ito sa likudan niya habang sinusuyo. "Hmmm ikaw kasi eh inaasar mo ako," pagtatampo niya.
"Jane pagsaluhan natin ang gabing ito bilang mag-asawa, gusto ko na bumuo tayo ng baby, excited na ako maging ama ng mga anak mo," ani ko sa kanya.
"Hmmm ako din gusto ko na rin magkaroon tayo ng pamilya," malambing na wika niya ngumiti lang ito sa akin.
"Hmmmm I love you?" malambing na wika ko sa kanya.
"Uhmm I love you too Benedict," malumanay na wika niya humarap ito sa akin at hinalikan niya ako sa labi. I kissed her back too with a passionate kiss. Hanggang sa lumalim ang pagkakahalik ko sa kanya. Inihiga ko siya sa kama namin and that was our first night together as a couple......
Simula na naging mag-asawa kami naging masaya kami ni Jane. Araw araw namin pinapakita na mahal na mahal namin ang isa't isa. I worked hard para lang mabigyan siya ng mabuting buhay.
Kahit busy ako sa kompanya namin inaasikaso niya ako bilang asawa niya.
"Love, hmmm mamaya anong oras ka umuwi?" pagtatanong niya habang inaasikaso ang mga gamit ko sa opisina.
"Ahmm maaga naman Love siyempre uuwi ako ng maaga para sayo, ayoko naman iparanas sayo na kahit busy ako sa trabaho, wala na ako sa tabi mo," malumanay na wika ko sa kanya.
"Ayieee talaga? Ang sweet naman ng asawa ko ah?" kinikilig wika niya agad lumapit ako sa kanya at niyakap ito. "Siyempre sayo lang ako sweet," malambing na wika ko sabay halik sa kanya sa noo.
"Hmmm umuwi ka ng maaga ah? I have a surprise for you," malambing na wika niya. "Wow ah? Ikaw nanaman ngayon nagsusurprise sa akin ah? Ano naman kaya iyan, nako mukhang maaga talaga ako uuwi nito ah?" nananabik kong wika.
BINABASA MO ANG
My Guardian Matcher (New Version)
FantasyAthena Jane a sixteen year old girl longing for a mother's love although it is difficult to ask her mother to come back because she is dead. She decided to find a perfect match for her Dad. Because of a magical ball given to her by the old woman...