Chapter 23 Weekends

36 14 20
                                    

Athena Jane's POV

"Weekends nanaman! Yes! Walang pasok, at wala din trabaho sina Daddy at Ninang Arriane!" masiglang wika ko heto kami ngayon ni GM sa kwarto ko.

Natapos na din ang welcome party ng kompanya halos maghapon kami nakabantay sa event. Naging successful din ang party at nagustuhan ng mga bisita ni Daddy ang pagkakaorganize ng event.

"Happy ka na nuh?" sabi sa akin ni GM.

"Oo naman happy na happy ako lalo na nakikita ko na nagiging close na sina Ninang Arriane at Daddy," masaya kong wika.

"Good to know my dear! Natutuwa naman ako na masaya ka ngayon," masayang wika niya sa akin habang nakahiga ito sa kama ko.

"Oo nga eh, teka pwede magtanong hmmm may kinalaman ka ba sa nangyari kay Precious nung party? Bakit takot na takot ang bruha?" sunod sunod kong tanong sa kanya ngunit tumawa ito ng malakas.

"HAHAHAHAHAHAHAHAAH," mahalakhak na wika niya sabay hawak sa tiyan niya.

"Hmmmp ano nga GM sabihin mo na kasi eh! Ikaw lang ang happy sa ginawa mo? Share mo naman oh?" ani ko.

"Hahaha eh paano kasi ang tanga tanga niya, oh yes tama ka Athena. Ako nga tumakot sa kanya hahahha! Ginawa ko lang iyon gusto ko lang gumanti. She's getting on my nerves duh?" mataray na wika niya sa akin.

"Hmmm anong ginawa mo?" pagtataka ko. "Nagpakita lang naman ako sa kanya with a scary face. Para ako si sadako that time hahahha, nagchange outfit din ako eh. Nakita ko pagmumukha niya halos maluwa na ang mga mata niya sa takot! Hahahaha," natatawang wika niya.

"Hahaha ganon? Tapos ano pa nangyari GM tell me more!" natatawang wika ko.

Halos kinukwento pa niya ang mga ginawa niya kay Precious. Habang nagkwekwento siya natatawa naman ako sa mga pinagkwekwento niya sa akin.

"Hahaha GM tama na ang sa-sakit na- ng ti-tiyan ko eh kakatawa hahahaha," mahalakhak na wika ko.

"Hahaha yun nga eh tapos alam mo ba parang gago ang bruha, ginawa niya pa na holy water yung tubig sa CR gamit ang kamay niya tapos sabay wisik sa akin."

"Ang sabi niya pa stay away from me ghost! Argh!! Hahaha ganon! Nawawala na siya sa kanyang isipan kaya di na niya naiisip ang mga pinaggagawa niya sa akin hahahaha," natatawang wika niya.

"Hahaha shit?! What the fuck? Pati yung tubig sa CR ginawa niyang holy water? Nababaliw na talaga siya hahaha," natatawang wika ko.

"Hahaha naawa naman ako baka matuluyan maging baliw kaya pinakawalan ko na," natatawang wika niya sa akin.

Natigilan kami ng biglang may kumatok sa pintuan ko.

"Athena anak gising ka pa?" pagtatanong ni Daddy sa akin agad pinagbuksan ko naman ito ng pintuan.

"Dad? Oh bakit po?" pagtataka ko.

"May kausap ka ba dito sa loob?" pagtataka niya. "Ah eh wala oh Daddy, kanina po nanonood lang ako ng TV,kaya maingay po hehehe," pagdadahilan ko.

"Hmmm okay anak pwede favor? Magpapahilot sana ako sa likudan eh. Masakit na kasi ang likudan ko, due to my works," aniya.

"Ah eh sige po pero Dad ah huwag kayo mag-eexpect na magaling ako magmasahe ah," ani ko.

"Okay lang baby turuan kita gusto mo?" aniya. "Sige po Dad hehehe," agad nagtungo kami ni Daddy sa kwarto niya.

Pagbukas namin ng pintuan ng kwarto nagulat ako ng nakita ko si GM na nakasitting pretty na ito sa kama ni Daddy.

Ano nanaman kaya ginagawa ng babaeng ito dito? Di ba siya nakakaisip na privacy naman sa amin ni Dad tsk!

"Masakit talaga likudan ko eh kaya magpapahilot ako sayo anak ah okay lang?" pagtatanong niya.

My Guardian Matcher (New Version) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon