Athena Jane's POV
Bukas na ang examination namin! Nakakainis bakit kasi ang bilis naman, ang sabi nextweek pa pero nagmove sila ng schedule. Heto ako ngayon sa kwarto ko nagsusunog ako ng kilay sa kakaaral.
Namimiss ko na din si GM pangalawang araw na niya ngayon na naging tao siya. At bukas last day na niya at bukas naman balik na siya sa pagiging invisible niya.
Hays! Bakit kasi hindi ko siya pwede kausapin kapag naging tao siya! Tapos kapag may lesson kami nanadya ba siya sa akin?
Palagi nalang ako tinatawag sa graded recitation, asan ang hustisya GM! Akala ko pa naman tutulungan ako ng taong ito mas lalo pa tuloy ako pinalala.
Hindi pa naman ako sanay na tawagin palagi. Lutang na din ang aking isipan ngayon. Natigilan ako ng tinawag ako ni Daddy sa bukana ng pintuan ko.
"Athena anak busy ka ba?" pagtatanong niya. "Po? Opo nag-aaral po bukas kasi ano exam na namin Dad," ani ko.
Pumasok ito sa loob ng kwarto ko at naupo sa may kama ko.
"Hmmm ganon ba may tanong ako sayo, kilala mo ba si Irene Silvestre?" pagtatanong niya natigilan ako sa sinabi niya.
Teka bakit kilala niya si GM, huwag niyang sabihin na kabatch mate niya si GM.
"Ah eh Dad substitute teacher ko po iyon sa PE bakit oh? Do you know her?" pagtatanong ko tinignan ko si Daddy.
Para kasing may something sa kanya.
"Ah eh anak wala kasi kanina habang naglalakad ako papuntang building, nabanga ko kasi siya. Tapos natapunan ko pa siya sa dibdiban niya na iniinom ko, nagalit sa akin eh, gusto ko sana magsorry," aniya.
Ano daw? Si GM nagalit kay Daddy? Ay aba ah grabe naman siya porket naging tao lang nagtataray na.
"Ah eh ganon oh ba sige oh Dad, kayo bahala kung gusto niyo kausapin," ani ko pero nakapagtataka naman.
Impossible magalit si GM sa iba alam ko ang bait na nilalang na iyon. Umalis na siya sa loob ng kwarto ko. Nagpatuloy ako sa pag-aaral ko ng mga subjects ko.
Makalipas ng isang oras ay naisipan ko na matulog. Para bukas may lakas na ako sa mga exams namin.
Kinabukasan maaga ako nagising dahil exam na namin. Agad naghanda na ako ng mga gamit ko para sa school. Nang nakatapos na ako ay bumaba na kaagad ako sa ibaba para kumain.
Nakita ko si Daddy nasa hapag-kainan na kumakain.
"Dad goodmorning po! Kakain na po ako ng mabilis kelangan ko na kaagad magtungo sa school, may exams po kami," ani ko habang kumukuha ng pagkain sa mesa.
"Hmmm sige anak hatid na kita," aniya. "Ah eh baka po may work kayo maaga eh, sabi mo sa akin nowadays maaga kayo aalis," ani ko.
"Ah wala yun huwag mo isipin iyon, mahalaga nahahatid kita sa school," malumanay na wika niya.
Isang malaking himala talaga! Simula na nagkakamabutihan sila ni Ninang Arriane ang daming nagbago kay Daddy. Sana nalalaman ito ni GM, kaso wala siya ngayon sa tabi ko.
Nang nakatapos na kami ay agad nagtungo na kami sa sasakyan. Habang nasa biyahe ay panay saulo ko ng mga pinag-aralan ko kagabi.
Napansin ko si Daddy panay ang tingin sa cellphone niya, bakit kaya?
Nakaabot na kami ng school agad nagpaalam na ako kay Daddy. Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko si GM na may bibit na makapal na test papers.
Naisipan ko na tulungan siya wala naman siguro masama na tulungan siya. Estudyante ako at guro ko naman siya, wala naman siguro masama kung ganon.
BINABASA MO ANG
My Guardian Matcher (New Version)
FantasíaAthena Jane a sixteen year old girl longing for a mother's love although it is difficult to ask her mother to come back because she is dead. She decided to find a perfect match for her Dad. Because of a magical ball given to her by the old woman...