Sa ilang oras na pananatili ni Nicky sa loob, isang lalaki ang hindi niya inaasahan ang darating. Ito ang magbibigay sa kaniya ng ibang pakiramdam. Siya 'yung sinasabi ng babae na caretaker ng pasilidad na magiging roommate niya.
Sa pagpasok nito ay hindi siya kaagad napansin ni Nicky dahil nakahiga siya ngayon sa ilalim ng double deck sa likod ng mini chester field.
Saka lang siya nito napansin dahil sa paggalaw ng binata upang salubungin siya at magpakilala.
Bakas sa mukha ng lalaki ang ngiti. Gayunpaman ay pagod dahil sa layo ng biyahe niya. Sa wakas ay nakarating din.
Kaagad na bumangon si Nicky at hinarap ang kararating na bisita. May hawak pa itong book na kanina pa niya binabasa na nagbigay-pansin sa kararating na lalaki.
Sa unang tingin pa lang nito ay mukhang nagkaroon agad ito ng interes.
"Teka, 'yan ba ay Another World ni katrynleonor? Grabe sikat nasikat 'yan."
"Oo, ito nga."
"Wow, isa ka pa lang reader. Parehas tayo ng taste– pagbabasa. Horror ang genre ko. Ikaw, ano?"
"Romance ang sa 'kin."
"Sabagay ma-a-adopt mo 'yan kasi g'wapo ka naman."
"Haha ganu'n ba? Kung gusto mo, may iba pa ako nito roon sa bag. Bale tatlo ang dala ko. Ang sikat na I'll Be (The Greatest Fan of Your Life) ni katrynleonor at isang horror na ang title ay My Blood," alok nito sa lalaki.
"Wow, okay 'yan! Teka, ito pala ang kuwarto natin. Malaki ito at maganda," saad nito habang nagpapagala-gala sa loob.
Matapos noon ay iniwan niya ang mga dala at muling humarap kay Nicky para tuluyang magpakilala.
"Nga pala, ako nga pala si Jay," sabay lahad nito ng mga palad niya. Tanda ng pakikipagkamay at pakikipagkilala na agad din namang tinugunan ni Nicky.
"Nicky."
"Nice to meet you, Nicky."
"Iayos mo muna ang mga gamit mo riyan sa kaliwang cabinet. Diyan ang sa 'yo," saad nito habang nakaturo sa kaniyang tinutukoy.
"Ahh salamat."
Pinasimulan na nitong ayusin ang mga dala niya. Nang matapos ay sandaling nagpahinga sa mini chester field na malapit sa pinto.
Si Nicky naman ay muling bumalik sa pagkakahiga mula kanina.
Hinayaan niya muna si Jay na siyasatin ang apat na sulok ng kuwarto para maging pamilyar siya sa loob.
Hanggang sa pagpaplantsa ng mga uniporme para bukas at pamamahinga.
Mga ilang oras din sila na walang imikan sa isa't isa dahil nga hindi pa sila gano'n ka-close. Nagpapakiramdaman lang.
Mayamaya pa ay lumapit sa kaniya si Jay na may dalang isang plato.
"Ahh bro Nicky gusto mo?" alok nito sa hawak na pagkain para sa kaniya.
Laking gulat ni Nicky sa kaniyang nakita. Isang ampalaya na may asukal. Fresh na fresh pa ito.
"Teka, kinakain mo 'yan nang hilaw?"
"Oo hahah. Masarap naman siya."
"Yuck! Grabe ka hehe," saad ni Nicky na halata ang pandidiri sa mukha.
"Sorry. Ang weird ko, 'no? Hahaha pero ganito talaga ako bago magsimula ang school year. Kumakain ako nito para sa isang ugali ko. Pamahiin ko 'to sa sarili ko. Naniniwala kasi ako na lalakas ang loob ko 'pag kumain ako nito."
"Baka saktan ka ng tiyan d'yan?"
"Hindi. Sanay na ako. Buti ka pa nga, ang relax mo lang. Hindi ka man lang kinakabahan."
"Sanay na rin naman ako sa ganito. Ahh tsk! Nga pala puwede bang Nicky na lang itawag mo sa 'kin?"
"Oks walang problema. Sige tatapusin ko lang 'to tapos magtu-toothbrush na ako," saad nito habang tuloy-tuloy ang pagsubo.
Mga ilang oras lang ay bumalik na muli ito para maghinga na. Ganap na alas siyete na ng gabi kaya nagpaka-busy muna ang dalawa sa kung anoman ang ginagawa nila.
Si Jay nag-si-cellphone. Si Nicky naman ay patuloy lang sa pagbabasa.
Mga ilang oras lang na nakaupo si Jay ay nakaramdam ito ng pagkabagot kaya muli itong lumapit kay Nicky. Na siya namang kanina pang nakahiga habang nagbabasa.
"Ahh Nicky? 'Di ba, ang sabi mo may extra book ka pa?"
"Oo meron pa nga."
"Pahiram naman, pampaantok lang. Isasauli ko na lang bukas?"
"Sure, saglit lang kukunin ko lang sa bag." Nagsimula na itong maghanap sa bag niya. Nagliwag ang mukha nang makita ang pakay. "Ito oh."
"Wow, thanks."
Buong ngiti itong umakyat sa higaan niya. Tinago niya muna ang isa sa ilalim ng kaniyang unan. Ang isa naman ay sinimulan na niyang basahin.
"Alas dyes y medya na siya natapos sa pagbabasa dahil maikli lang ang pahina nito kumpara sa isa na agad niyang sinimulang basahin.
Hanggang alas onse y medya lang ang itinagal niya dahil may pasok pa sila bukas kaya nang dalawin ng antok ay natulog na ito.
Mahimbing na natulog ang dalawa habang bahagyang nakaawang ang bintana na siyang pinapasukan ng malamig na hangin bukod pa sa ceiling fan nila.
BINABASA MO ANG
Room Curse
HorrorThings you do not expect. At first you are just an innocent person and only you know there is a lesson. You don't even care about things that are, scary, paranormal or supernatural scene. All you know about each passing moment is to think about what...