Mabilis ang pagtakbo ni Jack palabas ng school gate. Walang nakapigil dito sa gusto niyang gawi kaya pinabayaan na lamang. Hawak nito ang bag sa kaliwang kamay at cellphone naman sa kanan.
Umuwi ito ng dorm at nag-lock na ng pinto. Hindi naman siya nasaktan sa mga sinabi ni Jay. Pero ang sa kaniya lang ay huwag siyang madiin sa mga nangyayari dahil walang may kasalanan noon. Hindi niya ginusto na mangyari iyon sa mga kaklase niya.
Flashback
Sa pagpasok ni Jack sa room ay sa kaniya na agad ang atensiyon ng lahat dahil huli siyang pumasok.
At isa na roon si Jay. Nakakuyom ang kamay nito at masama ang titig sa kanya. Mga ilang segundo lang ay tumayo na ito at akmang susugod kay Jack. Mabuti na lamang at napigilan siya ni Nicky.
"Umamin ka! May kinalaman ka sa lahat ng ito! Umamin ka!" sigaw ni Jay na gigil na gigil. Pero todo pigil pa rin sa kaniya si Nicky.
Nagulat na lang si Jack dahil inakusahan siya kaagad ni Jay.
"Jay ano ba? Tama na!" pambabawal ni Nicky.
"Hindi, Nicky. Nakita mo naman 'di ba na nandoon siya kanina? Hindi rin siya pumasok ng room. Saktong nawala si Lila. Hindi ba, Nicky?" sigaw nito. Pumalag ito sa pagkakahawak sa kaniya ni Nicky at hinarap ang kaibigan.
"Ano, Nicky? Sabihin mo sa kanila na tama ako!" Muling humarap ito kay Jack at dinuro-duro ito. "Na 'yang Jack na 'yan ay mangkukulam," pagbubunyag ni Jay sa lahat.
Dahil doon ay nagulat ang lahat. Kanya-kaniyang bulong ang nangibabaw sa room.
"Jay, ano ba?! Wala ka namang karapatan na pagbintangan siya." Lumapit si Nicky kay Jack para humingi ng tawad dito. "Pasensya na, Jack. Nabigla lang siya kanina."
Hinawi lang ni Jack ang kamay ni Nicky.
"Hindi! Tama na! Wala akong dapat aminin. Pero ikaw!" turo nito sa kaibigan ni Lila na si Clair. "Susunod ka na. Tandaan n'yo 'yan," pagbabanta ni Jack. Pagkatapos noon ay tumakbo ito palabas.
Dahil sa sinabi ni Jack ay pinanghinaan ng loob ang kaibigan ni Lila na si Clair.
"Hindi.. hindi," saad nito habang nalalaglag ang mga luha.
Sinubukan naman siyang pakalmahin ng classmates niya pero hindi nito matanggap.
Si Jay naman ay napaupo na lang sa upuan at napatulala. Dahil sa mga naganap na sagutan ay napailing na lang si Nicky dahil mukhang lumala na ang lahat. Nagbanta na rin si Jack. Walang kasiguraduhan pero pakiramdam ni Nicky ay posibleng mangyari na tama si Jack.
FASTFORWARD
Kasalukuyan
Sa dorm.
Kanina pa palakad-lakad si Nicky sa harap ni Jay. Habang nakadukdok naman ang kaibigan niya.
"Hindi ko pa rin maisip na ginawa mo 'yun."
"Dapat lang 'yun. Dahil kung hindi talaga siya ay hindi dapat siya nagbanta ng ganoon."
"Pero mali pa rin 'yung ginawa mo. Na sa harap ng lahat ay pagbintangan mo siya. Siyempre masasaktan din 'yun."
"O sige. Kung hindi ko ginawa 'yun, sa tingin mo malalaman natin kung sino ang susunod? Malay mo tama si Jack. At si Clair nga ang susunod. Ginawa ko 'yun dahil mukha siyang maraming nalalaman, hindi para pagbintangan siya."
"Pero sobra 'yung ginawa mo. Kahit naman ako ay masasaktan sa mga sinabi mo."
"Oo na! Basta ako, walang pinagsisihan sa ginawa ko." Padabog itong lumabas ng dorm. Naiwang mag-isa si Nicky. Napailing na lang ito sa inasta ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Room Curse
HorrorThings you do not expect. At first you are just an innocent person and only you know there is a lesson. You don't even care about things that are, scary, paranormal or supernatural scene. All you know about each passing moment is to think about what...