Nicky's POV
Sapat na ang mga nasaksihan ko para ipagpatuloy ko ang paglutas ng misteryong ito. Hindi ko maatim na titigan si Jay na nakaratay sa higaaan at makitang gabi-gabing umiiyak ang mama niya.
Hindi ko magawang lumapit sa kaniya lalo na't wala akong nagawa para iligtas siya. Bakit ko kasi siya iniwan? Kaya hanggang sa likuran lamang ako at tinitigan siya. Lagi rin ako sa chapel at ipinagdarasal na sana ay maging maayos na siya.
Dumalaw na rin si Lila sa ospital nang malaman niya ang nangyari. Nakipaghalinhinan siya sa mama ni Jay. Ginawa niya iyon dahil naging mabuti rin ito sa kanya. Nangako siya sa akin na babantayan niya si Jay habang wala ako.
'Yun ang huling araw na inilagi ko sa ospital bago ako magpaalam sa mama ni Jay. Sinabi kong siya na ang bahalang magbantay sa anak kaya magkasama kami ni Jack na umuwi. Bumalik siya sa dorm niya samantalang gano'n din ang ginawa ko.
Nilinis ko na rin ang buong kwarto. Mga nagkalat na dugo sa pader at maging sa sahig. Nilinis at pinunasan kong lahat iyon at ibinuhos ko sa bowl para hindi mangamoy. Mula sa kwartong mukhang binaboy ay muling bumalik sa dati nitong ayos.
Iniligpit ko na rin ang mga gamit na naiwan ni Jay at naghanda ng aking sarili. Minarkahan ko ang kalendaryo sa araw ng nangyari kay Jay at itinala ang mga araw bago kami ni Jack. May dalawang tao na lang. Walo lang kaming lalaki sa picture at apat na sa kanila ang nabiktima.
Matapos ng lahat ng iyon ay nakipagkita ako kay Jack. Muli kaming nagtungo sa dorm niya. Pinagplanuhan namin ang dapat na gawin.
"Ano, Nicky? Handa ka na ba?" tanong nito sa akin. Buong-buo na ang desisyon ko na gagawin ko ito.
"Oo, handa na."
"O sige ganito ang plano natin. Pagpaplanuhan natin ang pagpasok sa school mamayang gabi," saad nito. Mukhang alam niya ang gagawin dahil siguro ay nasanay siyang maging kalmado sa lahat ng oras.
"Sige, ako na ang bahala kay Kuya June." Inaasahan niya na malalaman namin ang sagot. Kaya pinapayagan niya kami. Alam kong mahirap mahanap ang hindi nakikita pero kailan gawin namin.
"Okay 'yan. Makakagalaw tayo sa tulong niya." May inabot ito sa aking isang thermal camera.
"Para saan 'to? Saka bakit may mga ganito ka?"
"Wala ng oras para magpaliwanag."
"O sige hahawakan ko ito."
"Magagamit natin 'yan para sa mga buhay doon. Tutunog 'yan kapag may na-detect." Pinagmasdan ko ang thermal camera. Halatang luma na at laging ginagamit.
Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ang dami niyang alam sa mga ganitong bagay. Alam na alam niya rin kung paano kumilos.
"Sige ganito ang plano. Pupunta ka sa guard station para magpaalam at sabihin mo dalawa lang tayo. Ako na ang bahala sa sarili ko," utos nito kaya tango lang ako sa lahat ng sinabi niya.
Gabi na nang kami ay umalis. Tulad ng plano ay nagtungo ako sa guard station. Ipinaalam ko ang pagpasok namin at pumayag naman ito.
Kabang-kaba ako habang naglalakad papasok. Napakadilim at tanging maliit na flashlight lang ang dala ko saka 'yung thermal camera na ibinigay ni Jay. Tanging mga insekto at maliliit na hayop ang nakikita ko.
Medyo may panginginig ang tuhod ko dahil first time kong gawin ito. Pero kasama ko si Jack. Ang problema ko ay hindi ko pa siya nakikita mula nang maghiwalay kami. Bakit kasi gabi niya napiling pumasok. Samantalang puwede namang umaga.
Mag-isa kong inakyat ang hagdan. Pinakikiramdaman ang paligid. Ang likot din ng mga mata ko. Baka kasi may multo. Lalo na't school ito. Hindi ako naniniwala sa multo dahil hindi pa ako nakakakita. Pero alam ko na ang school ay tirahan din ng mga espiritu kaya gano'n.
Ang usapan ay magkikita kami sa classroom. Nasa tapat na ako ng abandonadong CR. Ang tahimik na paligid ay binulabog ng isang tunog mula sa loob roon. Nagulat ako at napatigil sa paglalakad. Dahan-dahan kong nilingon ang CR at tinutukan ng flashlight. Doon kasi sa loob ko narinig. Itinutok ko rin ang thermal camera sa may pinto ngunit walang nasa loob.
"Jack... Jack," pagtawag ko sa kanya ngunit walang sumasagot kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad. Nakarating na ako sa classroom namin. Para na siya talagang hunted dahil ang gulo na ng bawat classroom.
Nakita ko si Jack sa room namin. Naghahanap siya ng clue sa mga bakas doon.
"Ang tagal mo. Kanina pa kita hinihintay," tutok nito sa mukha ko ng flashlight na hawak niya.
"Sorry. Nakakatakot kasi sa dinaanan ko e," kamot ko sa ulo.
"Sige, maghanap ka na."
"Teka lang, Jack. Bakit gabi mo pa piniling maghanap e puwede namang umaga 'di ba?"
"Oo tama ka. Pero maraming makakapansin sa atin kaya papasukin nila ito. Nakita mo namang binalak itong sunugin 'di ba?"
"Oo nga 'no? 'Nga pala, may narinig pa ako sa CR doon sa hallway." Sandali siyang natigilan sa sinabi ko.
"Sa CR?"
"Oo. Akala ko nga ikaw e."
"Sige sa may office naman tayo," akit nito. Nauna siya sa 'king lumabas. Nakasunod lang ako sa likuran niya.
Pagpasok pa lang namin sa pinto ay naamoy na namin ang pagkalansa ng dugo. Hindi pala nila nilinis at hinayaan na lang 'yung mga dugong iniipis na. Sa lamesa, upuan, pader at sa kisame ay andaming dugo.
"Sige, maghanap ka ng mga puwedeng magamit. Kuhanan mo rin ng litrato 'yung mga bakas ng dugo," utos nito.
"Huh? Pati ito?"
"Oo. Baka may clue sa mga dugo."
Sinunod ko na lamang ang iniutos niya. Kinuhanan ng litrato ang mga bakas ng dugo. Pagkatapos ay sa may CR naman kami sa baba kung saan namatay 'yung pangalawang biktima.
Tulad sa office 'yung dugo sa pader na halatang pinag-untugan ng ulo ay parehas. Mukhang inuuntog nga nila ang ulo nila kapag nawalan sila ng malay. Sunod naman ay sa pinaglaglagan ni Clair. Wala kaming nakuha. Tanging mga bakas lang ng dugo ang nakuhanan namin.
Pero si Jack ay kanina pa nakatitig sa mga dugo. Halatang may iniisip. Hanggang sa magsalita ito. Sa mga sinabi niyang iyon ay mas ikinagulat ko pa.
"Hindi gawa ng tao ang mga pagpatay. May nangyayari na hindi buhay ang gumagawa," saad nito at unti-unti akong kinilabutan at nanlamig. Nagtaasan din isa-isa ang mga balahibo ko sa braso.
"Sigurado ka ba?"
"Oo, Nicky. Kung babalikan mo lahat ng pangyayari ay wala silang lahat sa sarili. Kung kulam man 'yun na sabi ni Jay ay hindi magiging ganito kalala."
"Oo nga 'no? Kung gano'n, ano ang gumawa?"
"Isang ma-" Bigla kaming natigilan nang biglang may marinig kaming ingay. Mukhang papalapit ito sa amin. Wala namang ilaw kaya pinanlakihan ako ng mata. Nakatitig lamang kami ni Jack sa kinaroroonan ng mga yapak.
Patakbo na sana ako nang pigilan ako ni Jack. Hinila ako bigla dahil nagtago ito sa pader.
BINABASA MO ANG
Room Curse
HorrorThings you do not expect. At first you are just an innocent person and only you know there is a lesson. You don't even care about things that are, scary, paranormal or supernatural scene. All you know about each passing moment is to think about what...