Araw ng Lunes
"Alam mo, ang saya ng weekend natin. Una, nakilala ko parents mo. Tapos naggala pa tayo kahapon," pagbabalik-tanaw ni Jay habang nakatalikod kung maglakad.
Kanina pa kasi sila ni Nicky sa school kaya naglakad-lakad muna sila para hindi mabagot. Nakalimutan na rin nila 'yung kahapon dahil para kay Jay ay katulad lang 'yun sa nababasa niya sa Wattpad story.
Naniniwala rin siya na kung pagkukuwentuhan nila ang ganu'ng bagay ay baka marinig lang sila nito at pakitaan.
Kaya balewala sa kanila ang nangyari kahapon. Kasalukuyan silang naglalakad ngayon sa hallway. Himala dahil marami silang kasabay kaya hindi sila nangangamba.
Sa ganoong posisyon ni Jay ng paglalakad ay may nabangga siyang isang lalaki. Nakasalamin ito pero walang grado.
Kung bakit ba kasi lagi na lang siya nakakabangga.
Lahat ng dala ng lalaki ay nagkalat sa sahig dahil ang nabangga nila ay ang taong maghahatid ng copy ng class picture nila. Na-distribute na nito ang iba. Sa section na lang nila hindi.
Kaya mabilis na nagkalat ang mga litrato sa madulas na sahig kung saan nasa tapat sila ng abadonadong CR. Kaya dinadaan-daanan lang sila ng iba.
"Sorry talaga kuya, sorry," tuloy-tuloy na panghihingi ni Jay ng sorry sa nabanggang lalaki.
"Okay lang. Sa susunod, ingat na lang," saad nito habang nagpupulot ng kopya ng mga litrato.
Matapos nila itong pulutin lahat ay umalis na rin ang lalaki dahil halatang nagmamadali rin ito.
"Ang ganda ng kuha ng class picture natin," ngiting sambit ni Nicky.
"Oo nga! Lalo tuloy akong na-excite na makuha 'yun."
"Tara, magdali na tayo. Ilang oras na lang rin at mag-uumpisa na ang klase."
Patakbo na tinungo ng dalawa ang classroom nila. Sa isang tabi ay lumabas doon si Jack. Nakatinging muli ito sa dalawa at sumunod na rin sa paglalakad.
--
Isa-isa na silang tinawag sa harap para sa ID at kopya ng class picture nila. Pero laking pagtataka ng adviser nila dahil kulang ng isa.Tinanong na rin nito sa kaninang lalaki. Pero sinabi nito na kompleto ito ng i-turnover niya sa bawat class room.
Dahil du'n, may isang hindi nakatanggap. At 'yun ay ang babaeng secret admirer ni Nicky. Pero kahit na ganu'n ay nakuha pa nitong ngumiti dahil ayos lang para sa kaniya.
Pinasimulan na ang klase nila sa umagang iyon. Sa labas naman ay nagbabadya na ang masamang panahon. Ang pagpondo ng langit na nangangahulugang uulan.
Kaya lahat ng magaaral ay matamlay. Ang iba ay inaantok. Kaya postpone muna ang klase dahil sa lakas nito. Ang mga patak ng tubig sa bubong ay nagdudulot ng ingay at pagkaabala sa dicussion. Dahil karamihan ay hindi maintindihan ang sinasabi sa harap.
Kaya sinamantala ni Nicky ang pagkakataon na iyong walang klase at ginagawa. Para lapitan ang babae. Tila nahihiya pa ito. Pero nilakasan niya ang loob para sa iisang sadya.
"Hi," kaway nito sa babae habang nakangiti na lagi niyang ginagamit 'pag nagpapakilala sa isang babae.
Nilingon naman siya ng babae. Ang talagang kinikilig ay 'yung katabi ng babae na sadya ni Nicky.
"Pansin ko kanina na hindi ka nabigyan." Inabot ni Nicky ang kanya. "Sa iyo na lang. Hindi ko na rin naman kailangan dahil nasa cellphone ko na 'yan," abot ni Nicky.
Pero nakatingin lang ito sa kaniya. At panay naman ang tudyo ng mga kaibigan nito.
"Ano ba, Lila kunin mo na oh," tulak nito sa kaibigan na kanina pa walang imik.
Sa tagal nitong kunin ay nakaramdam ng pangangalay si Nicky. At inilapag niya ito sa harap ng babae.
Naging mabagal ang bawat pangyayari para kay Lila. Dahil napagmasdan niya ito simula ng ilapag nito ang picture. At bigyan siya ng isang titig. Nanlaki ang mata ni Lila sa kaniyang nasaksihan. Ang kaniyang hinahangaan ngayon ay nasa harap na niya.
"Sige Lila tama? Balik na ako sa upuan." paalam ni Nicky sabay talikod.
Hindi pa nakakalayo si Nicky ay nagsimula nang magwala ang mga kaibigan ni Lila.
"Iiiiiih! Grabe ka, Lila. Pakipot ka pa," tudyo nito habang niyuyugyog ang balikat ng kaibigan.
Hindi rin naman nakaligtas sa pandinig ni Nicky ang sinabing iyon ng mga kaibigan ni Lila.
Nasa harap na rin naman niya ang picture. Kaya kinuha na niya ito. At mas ikinagulat niya ang nakasulat doon.
"Thanks sa letters."
Pinanlakihan ng mga mata si Lila na nakatitig sa sulat. Napansin naman ito ng mga kaibigan niyang inggrata.
"Ano yan, Lila?" Akmang dadamputin nito ang picture pero naiiwas niya rin.
"Wala, hindi lang ako makapaniwala na ibibigay niya ito," palusot nito para tigilan na siya ng mga kaibigan.
Hindi siya makapaniwala kung paano nalaman ni Nicky ang tungkol sa letters kaya napalingon siya sa binata. Kitang-kita niya kung paano ito tumawa. Sa kabila ng ginawa nitong sulat, lalo lang siyang nahuhulog dito.
Kaya medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil hindi na niya kailangang itago dahil ito na mismo ang nakaalam.
Hanggang sa nag-flash sa kaniya ang nangyari nu'ng nabangga siya ni Jay. Napansin nu'n ni Lila na si Nicky ang nakapulot ng libro kung saan nakaipit 'yung mga letter.
Natawa na lamang siya sa sarili niya.
"Tanga," bulong nito sa sarili.
--
Sa pagbalik ni Nicky sa upuan ay napansin pala siya ni Jay na tumayo mula kanina."Kilala mo ba 'yun?" tanong ni Jay. Pero 'yung focus niya ay nasa cellphone niya.
"Hindi naman. May tinanong lang?"
"Ayos ah? Ngayon ko lang nalaman na gentleman ka pala."
"Huh?"
"Oo. Kung ako 'yun, aabangan ko lang siya sa labas mamaya."
"Haha grabe ka. Ang brutal mo. Saka ako naman ang may kailangan kaya ako na lumapit."
Humarap ito kay Nicky at tinapik-tapik ang balikat ng kaibigan.
"Ikaw na talaga," natatawa nitong saad.
"Ang weirdo mo talaga. Akala ko kung ano na naman ang ibig sabihin, ganu'n lang pala?" tawang sambit ni Nicky na binigyan ng mahinang suntok sa braso ang kaibigan.
--
Sa dorm, halata ang pananahimik ni Nicky. Hindi niya mawari'y kung tama ba ang ginawa niya na sabihin kaagad sa ganoong paraan.
"Nicky?"
Boses iyon ni Jay. Napansin na lang niya ito sa tabi niya. May malaking ngiti ito sa mga labi.
"Tingnan mo. Ngayon ko lang napansin na napakalinaw ng kuha sa class picture natin oh."
"Oo nga. Sayang ang layo mo. Panlima ka sa kanan. Hindi na masama na mas malaki ka sa kanila," pang-aasar ni Nicky habang nakapangalumbaba. Wala itong balak na makipag eye-to-eye contact kay Jay para hindi siya mahalata na nagbibiro ito.
"Aww, ikaw na matangkad," simangot nito sa kaibigan.
Muling sumulyap si Nicky sa picture na hawak ni Jay. Napadako ang mata niya sa isang babae na nakaupo. Sa harap ni Jay.
Si Lila.
BINABASA MO ANG
Room Curse
HorrorThings you do not expect. At first you are just an innocent person and only you know there is a lesson. You don't even care about things that are, scary, paranormal or supernatural scene. All you know about each passing moment is to think about what...