Part 21. Prepared

10 3 3
                                    

Pasado alas sais y medya ay inihanda nila ang mga kakailanganin para kay Jack. Iyon lang kasi ang naisip niyang paraan para hindi siya mamatay. At ang naisip niyang iyon ay ang itali siya buong maghapon sa loob ng dorm ni Jack.

Tumawag kasi 'yung tito ni Jack na lalo silang mag-ingat dahil hindi na biro ang mawala sa sarili. Katulad ni Clair at Kuya June ay pumapatay na ang mawala sa sarili at namumuti ang mata.

"Sigurado ka ba rito, Jack?" Itinatali nito ang kadena sa katawan ni Jack at itinali sa taas. Naglagay rin sila ng papatungan ni Jack. at nilagyan nila ng sira ang paa ng upuan. Sakaling gumalaw si Jack sa ibabaw ng upuan ay babagsak ito. Masasabit siya mula sa pagkakatali at hindi makakaalis. Sapat na ang paraan na 'yun para maging ligtas si Jack.

Maghapong itinali ni Nicky si Jack. Maghapon siyang nakatayo sa sirang upuan. Pinilit na hindi makatulog at hindi gumalaw sa ibabaw.

Samantalang si Nicky ay nakaupo lang sa harap ni Jack. Binabantayan niya ito dahil kahit anomang oras ay puwede itong mawala sa sarili.

Laganap ang katahimikan sa loob. Habang abala si Nicky sa cellphone niya, hindi niya alam na kanina pa wala si Jack sa sarili. Tahimik lang ito at nakatungo.

Nagulat na lang si Nicky nang bumagsak ang upuan na pinapatungan ni Jack at nagpasabit-sabit lang. Naagaw ang pansin ni Nicky at biglang napatayo.

"Jack! Jack!" pagtawag nito. Pero wala na ito sa sarili. Pilit na kumakawala sa pagkakatali ng mga kadena sa kaniya.

Mukhang alam ni Jack ang gagawin. Dahil umepekto ang plano nila. Walang nagawa ang pagpalag ni Jack. Ang mas kagulat-gulat pa ay puti na ang mata nito.

Tinanggap na lang ni Nicky na gano'n ang kalagayan ni Jack. Hinintay niya na mawala ang sumpa sa kaibigan.

Mga ilang oras rin si Jack na nakasabit habang nakapulupot ang mga kadena sa katawan. Si Nicky naman ay hindi mapakali. Hindi niya kasi maisip kung ano'ng kasunod noon dahil karamihan sa mga nakapitan ng sumpa at puting ang mata ay nagpakamatay. Kaya gano'n din ang nasa isip ni Nicky.

Ilang oras lang na paghihintay ay sumisigaw na si Jack dahil mas umeepekto na ang sumpa sa buong pagkatao nito. Kaya isang alala ang sumagi sa isip ni Nicky.

"Kapag nangyari na ang dapat mangyari Nicky, buhusan mo ako ng malamig na tubig."

Kaya dali-daling kumuha ng tubig si Nicky habang matamang nakatingin kay Jack. Naaawa siya sa kalagayan nito lero wala siyang magawa kundi gawin ang pinagagawa ni Jack.

Binuhat niya ang timba na may malamig na tubig at walang alinlangan na ibinuhos kay Jack. Kumalma ito. Biglang nawalan ng malay ang lalake kaya nakahinga nang maluwag si Nicky.

Pero hindi pa rin niya pinakawalan si Jack at pinabayaan lang na nakasabit-sabit. Inutos rin kasi ni Jack na kapag nawalan siya ng malay ay pabayaan lamang siya hanggang sa magising ito.

Pero anong oras na ay hindi pa nagigising si Jack. Inaabot na sila ng gabi pero wala pa ring pagmulat sa mga mata ni Jack. Nag-aalala na si Nicky na baka hindi na magising ito kaya nataranta siya at nagpalakad-lakad. Hindi niya kasi alam ang gagawin dahil wala na iyon sa usapan nila ni Jack.

Muli itong umungol na parang isang aso hanggang muling nagwala. Natakot si Nicky at napaupo. Mas kakaiba na kasi iyon kaysa sa una. Parang gusto na niyang kainin si Nicky sa mga titig niyang iyon. Pero walang magawa si Nicky kundi titigan ito at maawa sa bawat pagwawala ni Jack.

Pero hindi pa roon natatapos ang lahat. Habang tumatagal ay lalong lumalakas ito. Ang mga kadenang nakatali rito ay naglalangitngitan at pawang malalagot kaya pinanlakihan ng mga mata si Nicky.

"Hindi.. Hindi maaari ito." Lumapit ito kay Jack. Pero huli na dahil nalagot na nito ang mga kadena at kasalukuyang nakatayo sa harap niya. Mga matatalim na titig nito na kanina pa nito ginagawa.

Takot na takot si Nicky sa mga oras na nasa harap na niya ang kanyang kamatayan. Pero hindi pa huli ang lahat dahil puwede pa siyang lumaban. Nang akmang sasakalin siya ni Jack ay hinawi nito ang kamay ng lalaki at tumakbo.

Nagpunta siya sa likod nito. Ayaw man niyang gawin ay wala siyang magagawa. Kaya inunatan niya ito ng suntok sa mukha dahilan para mapatulog niya ito. Sa lakas noon ay hindi sigurado si Nicky. Akala niya ay napatay niya ito kaya hinila niya ito at inihiga sa higaan nito.

--

Pasadong alas otso y medya nang magising ito. Naghihilot ito sa mukha. Halata ang maitim na kulay sa mukha. Nagkaroon ito ng pasa dahil sa ginawa ni Nicky.

"Mhh.. Ang sakit ng mukha ko," daing nito habang hinihimas ang kaliwang pisngi.

"Jack, gising ka na pala?"

"Oo. Ang sakit ng mukha ko. Alam mo ba kung ano ang nangyari?" takang tanong nito. Pero hindi pa rin nito maiwasang maghilot sa mukha. Gulo-gulo ang buhok at gusgusin pa ang damit mula kanina.

"Eh kasi nagwala ka kanina noong naputol mo 'yung kadena kaya wala na akong pagpipilian kundi suntukin ka," kamot nito sa ulo niya. Inabutan nito si Jack ng salamin at nakita ang pasa sa kaliwang pisngi.

"Uh shet ang sakit," inda nito habang tinitingnan ang mukha sa salamin. "Ano, naputol ko 'yung kadena?" Inabutan siya ni Nicky ng kapiraso ng kadena.

"Yan 'yung kadena."

"Oo nga no. Wow," manghang saad nito.

"Sandali lang. Kukuha ako ng first aid." Lumabas ito at nagtungo sa dorm nila. Bumalik ito ng dorm ni Jack dala ang panggamot kay Jack. "Ito na Jack," abot nito.

"Salamat. Uh Nicky pasensiya na kung muntik na kitang patayin."

"Okay lang. First time ko rin namang makasuntok e," biro nito.

"Pero salamat pa rin kasi hindi ka nag-alinlangang gawin iyon para lang maging maayos ako."

"Wala 'yun. Magkasama tayo rito kaya sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang naman 'di ba?"

"Tama ka. Kaya lang susunod ka na. Hayaan mo, hindi rin kita pababayaan," tapik nito sa balikat ni Nicky.

"Ayusin mo 'yung sapak mo huh, baka gumanti ka," biro nito. Kaya natawa na lang rin ito.

"Oo naman," suntok nito sa braso ni Nicky.

"Jack. Bukas gusto ko sanang dalawin si Jay bago natin gawin ang huling plano," paalam nito na may pagaralgal ang boses.

Natatakot din kasi ito dahil siya na ang kasunod. Maaaring bukas o sa mga susunod ay siya na kaya hindi niya maiwasang mag-alala. Kaya bilang pamamaalam ni Nicky ay may ginawa na itong sulat para sa mga magulang at inihanda ang sarili sa pagdalaw kay Jay.

Room CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon