Kinabukasan, araw ng Huwebes
Umalis sina Nicky at Jay sa dorm nang magkasama. Magaling na siya kaya makakapasok na ito. Bumalik na rin ang dati nitong lakas at pagiging madaldal.
Kaya sa daan pa lang ay panay na ito sa pagkuwento ng kung ano-ano. Napakarami niyang kuwento. Halos parang hindi siya nauubusan ng salita.
Pero ang inaasahan ni Nicky na muling daraan doon ay wala. Hindi niya ito nakita na lumalabas ng kanto. Pero para sa kaniya, pagkakataon lang ang gumawa n'un para makasabay niya si Lila. At iba na ang araw na ito.
Sa paglalakad ng dalawa ay kapansin-pansin ang pagiging madalang ng mga estudyante na pumapasok. Wala ring masiyadong sasakyan na pumapasok at tumitigil sa tapat ng gate. Inaasahan na rin kasi ng iba na wala na namang gagawin.
Nakapasok na ang dalawa sa gate at tumuloy sila sa classroom nila. Mga nasa sampu lang ang naabutan nila. Pero bukod du'n, marami rin namang nasa school. Katulad ng club officers and members, mga varsity at athlete. Kaya hindi na rin masama na tuloy pa rin ang klase para sa umagang ito.
Naroon din si Jack. Hindi ito nawawala sa klase. Dahil tiningnan pa ito ng dalawa pagpasok sa pinto.
Flashback
Nakatayo lamang ang dalawa habang nakatalikod sa nagsalita. Hindi gumalaw ang dalawa dahil akala nila ay kung sino na pagagalitan sila.
"Ano'ng ginagawa n'yo sa harap ng dorm ko?" muli nitong banggit sa dalawa. Kaya dahan-dahan sila lumingon sa kung sino mang tao na nasa likuran nila.
Pagharap ng dalawa ay nagkatinginan ang mga ito.
"Hi Jack hehe?" kaway ni Jay. Pero hindi maintindihan ang pagngiti nito. Kung masaya ba siya na makita si Jack o kinabahan siya.
"Ano'ng sadya niyo?" seryoso nitong tanong dalawa.
"Ahh wala. Nakita kasi kita kanina. Dito ka rin pala nanunuluyan?" si Nicky ang nagsalita. Mula sa likuran ni Jay. At pasimpleng sinipa nito paloob ang bond paper na hawak ni Jay kanina. Lumabas kasi ito ng kaunti.
"Oo dito nga. Naglakad ito sa gitna ng dalawa para buksan ang pinto. "At matagal ko na ring alam na nandito rin kayo."
"Talaga? Ako kasi, kung 'di sinabi ni Nicky kanina e hindi ko malalaman," ani Jay.
Nang makapasok na si Jack ay bahagyang isinara nito ang pinto. Tangkang aalis naman ang dalawa nang muling sumilip si Jack sa pinto. Naglinis lang pala ito ng kuwarto.
"Hindi ba kayo papasok?" pagtawag nito ng pansin sa dalawa. Dahilan para matigilan ang dalawa sa paghakbang.
At sabay na humarap kay Jack. Pumasok sila dahil sa permiso nito. Doon nila nakita ang buong kuwarto nito. Simple lang para sa nag-iisang tao. Doon ni Nicky na napagtanto na isa lang itong simpleng mag-aaral. Walang masyadong gamit sa loob. Nakita rin nila 'yung sulat na ginawa ni Jay sa mesa.
"Maupo muna kayo riyan. Ikukuha ko lang kayo ng maiinom," saad nito. Tatanggi sana ang dalawa pero wala na silang nagawa.
Nagtimpla ito ng juice at naglabas ng isang supot na chips at nilapag nito sa harap ng dalawa.
Nakipagkuwentuhan sila rito nang ilang oras dahil nga sa gusto ng dalawa na makilala ito.
Pagkaalis ng dalawa ay bumuntong hininga nang malalim si Jack at nilingon ang noo'y nasa likod ng kurtina.
Kasalukuyan
Naupo na ang dalawa sa kani-kanilang upuan. Sa mga oras na iyon ay naghihintay na lang sila ng klase nila na nagsimula rin kaagad.
BINABASA MO ANG
Room Curse
TerrorThings you do not expect. At first you are just an innocent person and only you know there is a lesson. You don't even care about things that are, scary, paranormal or supernatural scene. All you know about each passing moment is to think about what...