Sa pangalawang araw ng dalawang magkaibigan ay naging simple na dahil unti-unti na silang nagkakaroon ng mga kakilala. Lalo na ang binatang si Nicky. Dahil sa tikas at gandang lalaki nito ay 'di waring maraming nahuhumaling sa kaniya.
"Ayos Nicky ang dami mong stalker haha," tudyo ni Jay na may mahinang pagsiko sa tagiliran ng kaibigan.
"Hehe hayaan mo ang mga 'yan. Titigil din 'yan katagalan. Saka sanay na ako. Hindi na 'yun big deal sa 'kin."
"Wow! Kung ganu'n, nangyari na sa 'yo ito dati pa?"
"Oo hehe."
"Ayos! Mukhang sisikat ako sa 'yo."
"Sa akin?"
"Oo dahil lagi mo akong kasama. Hindi na masamang mapansin na rin nila ako," ngiti nito habang nakapatong ang mga palad sa batok.
"Hahaha 'to talaga. Iniisip mo rin pala ang ganiyang bagay. Pero alam mo? Tama ka. Dahil matalino ka rin at masayahin. Kaya marami ring makakakilala sa 'yo."
"Hindi naman sa matalino," pakli nito habang kumaway-kaway pa. Pa-humble pa.
Mayamaya ay bigla na lang tumigil sa paglalakad si Nicky dahil sa sensasyon na nararamdaman nito sa sarili.
"Teka, mauna ka na sa room. Mag-si-cr lang ako sandali."
"Doon ka na sa may malapit sa hallway. May CR din doon, nakita ko kahapon," turo nito sa isang banda na medyo madilim at luma. Pero okay pa naman at maayos.
Sa puntong iyon ay nakatingin si Nicky sa bandang itinuro ng kaibigan– ang shortcut kung tawagin.
"O sige. Sa room ka na lang maghintay."
"Basta bilisan mo. Ilang oras na lang at mag-uumpisa na ang klase."
Itinaas ni Nicky ang kanang kamay niya tanda na sang-ayon siya sa sinabi ng kaibigan.
Lakad-takbo ang ginawa ni Nicky para lang makarating kaagad at hindi ma-late sa unang klase ngayong umaga.
Pagdako nito sa tapat ng nasabing CR ay nagmadali na itong lumapit sa may pintuan.
Ang nasabing silid-palikuran ay tila abandonado. Ito ay itinayo malapit sa mga classroom kaya nagsisilbi itong shortcut. Pero kailangan dumaan sa hallway na ito kung saan nakatayo ang CR.
Akmang hahawakan ni Nicky ang doorknob nang bigla na lang siyang nakaramdam ng malamig na hangin sa mga binti niya.
Nakapantalon siya at rubber shoes, pero ang lamig na nanunuot sa loob ng kaniyang pang-ibabang suot ay kakaiba kung ikukumpara sa natural na hangin. Nararamdaman na niya ito sa buong katawan niya habang tumatagal.
Kaya sa gulat ay napabitaw si Nicky sa pagkakahawak sa doorknob. Saka naka-lock rin ito pero hindi niya alam.
Napalayo siya sa pinto. Takang-taka na nakatingin sa awang ng pinto sa ilalim na sa tingin niya ay may lumalabas na usok mula roon na tanging siya na naroon lang ang nakakita.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya sa takot.
Hanggang sa isang bosses ang narinig niya sa kung saan. Sa hallway na iyon.
"Bakit nandito ka pa?" saad ng isang boses kaya natauhan na si Nicky na nakatulala kani-kanina lang. Boses iyon ng isang lalaki. Nilingon ni Nicky ang nagsalita na siyang nasa kaliwa niya.
Isang lalaki na mestiso. Kasinlaki niya lang ito. Matamang nakatingin ito sa kaniya nang seryoso habang nakasuot ang mga kamay nito sa bulsa ng pantalon.
"Bakit nandito ka pa?"
"Ah mag-si-cr sana ako pe—"
Magsasalita pa sana siya tungkol sa nakita pero sinalungat na kaagad siya nito.
BINABASA MO ANG
Room Curse
HorrorThings you do not expect. At first you are just an innocent person and only you know there is a lesson. You don't even care about things that are, scary, paranormal or supernatural scene. All you know about each passing moment is to think about what...