Part 12. Suspense

8 3 3
                                    

Nang sumunod na araw na iyon ay may dalawang babae pa ang namatay pero sa magkaibang pangyayari. 'Yung isa ay nasagasaan at 'yung isa na nagpatiwakal. Sa hindi malamang dahilan.

Hindi lubos maintindihan ng lahat kung ano ba talaga ang nangyayari sa paaralan nila. Pero bukod doon, hindi pumayag ang kaguruan at lalo na ang DepEd na kumalat iyon sa media.

Kaya ginawa nila ang lahat para hindi ito maibalita. Sinabing sakit daw ang dumapo sa mga namatay. Ayon kasi sa pag-aaral ng mga doktor ay naapektuhan daw ang utak ng mga biktima sa sakit na imbento nila. Sa tawag na. Unconditional Memory Fear kung saan matindi ang nadamang takot ng isang tao at humantong sa pagputok ng mga malilit na ugat sa utak nito.

Samantalang sa dorm nila Nicky at Jay ay patuloy sila sa paghahanap ng sagot sa internet. Kung saan binalikan nila 'yung balita nu'ng panahon na may namatay sa school na pinapasukan nila.

Flashback

Matapos ang klase ay kaagad na tinungo ng dalawa ang guard station dahil may gusto pa silang marinig na kwento sa guard na si Kuya June. Iyon kasi ang napagpasiyahan nila kani-kanina lang.

Sakto dahil nakaupo ito ngayon sa harap ng opisina niya dahil mainit ang panahon. Habang umiinom ng malamig na tubig at sa nakasampay na puting towel nito sa balikat.

"Kuya June may ita—"

Hindi pa tapos ay sumingit na ito. Alam niya na kasi ang sadya ng dalawa kaya pinapasok sila nito sa loob. Pinaupo sila at sandaling may hinalungkat sa isang box.

"O 'yan," abot nito sa diyaryo na naglalaman ng balita nu'ng araw na may namatay sa paaralang ito. Pati na rin 'yung mga nakitang gamit doon sa pinangyarihan.

"Ano po ito?" takang tanong ni Jay habang nakatingin sa ibinigay ni Kuya June.

"Baka may mahanap kayong sagot diyan. Alam kong napapaisip din kayo sa mga nangyayari ngayon. Nandiyan na lahat-lahat. Kayo na bahala kung paano n'yo aaralin 'yan."

"Salamat po, kuya June. Sana naman ay may mahanap kami. Baka kasi katulad ito nu'ng pagkamatay nila," seryosong saad ni Nicky. Kanina pa kasi ito tahimik. at walang kibo.

"O sige, mag-iingat kayo."

"Salamat po, kuya June," paalam ng dalawa at tinungo ang pinto palabas.

Pag-uwi ng dalawa ay kaagad na nilapag nila ang bag at naupo sa mini chester field. Matamang binasa ang article tungkol sa news ng pagkamatay ng babae at nag-research sa internet.

Kasalukuyan

Wala pa ring nababasa ang dalawa na puwedeng maihalintulad sa pagkamatay ng mga kaklase nila kaya hindi pa rin sila tumigil.

Laman lang kasi nu'ng mga nasa diyaro at mga picture ay tungkol sa nangyari sa babae, taliwas sa nangyari sa classmates nila. Lumayo pa ang resulta sa internet.

Sinasabi roon na nagpakamatay raw ang babae dahil sa bully. May interview 'yung mga ilang mag-aaral na ngayon ay fourth year na.

Ayon sa kanila ay dati kasing matalino ang babae kaya lagi itong binubully dahil sa malaking salamin nito. Binansagan itong nerd owl dahil sa itsura nito at malaking salamin.

Hanggang ma-depressed daw ang babae at nagpakamatay sa banyo. Nakita ng dalawa sa litrato na basag ang noo nito at nagkalat ang dugo sa may banyo.

Kaya wala pa ring mahanap ang dalawa. Ang tanging nalaman lang nila ay parehong pagkamatay pero magkaiba ng dahilan.

Natahimik ang dalawa na nagbabasa nang pukawin ni Jay ang pansin ni Nicky.

"Nicky, Sandali! Ngayon ko lang 'to sasabihin. Pero kasi e—"

"Ano, Jay?"

"Ang tingin ko kasi kulam ang nangyayari. Kasi pare-parehas sila ng pagkamatay."

"Huh! Kulam?" Napatigil sa pagbabasa si Nicky at nagbigay-pansin kay Jay at sa sinabi nito.

"At alam mo kung sino ang nasa isip ko ngayon?"

Kumunot ang noo ni Nicky na halatang interesado sa sasabihin ni Jay.

"Si Jack."

"Hu? Si Jack?" pasigaw nito na agad din namang natakpan ni Jay ang bibig ni Nicky.

"Shhhh. Huwag kang maingay. Baka may makarinig sa iyo."

"Pero paano?"

"Basta. Siya lang kasi 'yung pinaghihinalaan ko. Hindi ko lang sinabi sa 'yo. Pero kinukutuban ako sa kaniya sa mga kilos niya."

"Ikaw rin pala? Ako rin ganu'n e," ani Nicky.

"Talaga?"

"Oo mukhang ganu'n na nga. Pero hindi ko naisip na mangkukulam siya."

"Ako kasi kahapon ko lang nalaman kaya minanmanan ko siya. Hindi mo lang nahahalata. Pero sa tuwing may mangyayari ay lagi siyang nasa malayo. Tapos hindi siya uma-attend ng mga program."

"Tingin ko nga ganu'n. Pero wala naman siguro siyang ginagawang masama," pagtatanggol ni Nicky na halata pa rin ang concern sa kapwa.

"Tanda mo ba 'yung pangalawang namatay? Tapos nu'ng nakita nating umiiyak 'yung pinsan niya? Di ba bigla akong tumakbo sa pinto?" Tumango-tango lang si Nicky.

"May nakita akong anino noon na nakasilip sa bintana. At ang alam ko si Jack 'yun dahil mahaba ang buhok noon na katulad ng buhok ni Jack," paghihinala ni Jay.

"Talaga ba? Pero bakit naman kaya?"

"Tapos hindi lang 'yun. Kanina sa klase, may napansin pa ako. Nu'ng bandang recess, may kinuha siyang libro sa bag niya. Tapos nakita ko 'yung libro na medyo luma na. Parang book of curse na mula pa noong panahon ng Medieval."

"Ano naman ang kinalaman noon, Jay?"

"Malay mo, 'yun 'yung mga orasyon o pangontra sa kulam niya. Tanda mo nu'ng nahimatay si Mariel? Nahulaan niya 'yun. Kasi lahat ng pumapasok sa pinto noon kasama ka ay tinititigan niya. At nang pumasok si Mariel hanggang sa makaupo ito ay tinitigan siya ni Jack nang malalim."

"Tapos?" tanong ni Nicky na halatang nakikinig ng mga suspetsiya ni Jay.

"Hanggang sa ganoon na nga ang nangyari kay Mariel. Pero habang hawak natin si Mariel ay hindi pa rin naalis ang pansin ko sa kaniya. Nakita kong nagbabasa pa rin siya at walang pakialam," pagkukuwento nito.

"Pero tumulong naman siya di ba, Jay?"

"Oo nga tumulong siya. At 'yun ang ipinagtataka ko. Bakit siya tumulong na nu'ng akmang ilalabas na natin si Mariel? Bakit?"

"Siguro alam niya na talaga ang gagawin. At naghintay na lang siya ng tamang oras."

"Hindi ko lang masiguro, Nicky. Pero bukas hindi ako titigil. At magmamanman pa rin ako."

"Bahala ka. Basta sasamahan lang kita." Tumitig ito sa sahig at halata ang pag-aalala. At ganoon din si Jay. Mga ilang segundo ay muling tumingin si Nicky kay Jay.

"Napapaisip lang ako, Jay. Nagawa mo siyang manmanan ng isang buong araw? At lahat ay nahihinuha mo pa sa isip mo? Grabe ka, kababasa mo 'yan ng mga horror eh," pagbibiro ni Nicky na ang intensyon lang ay mawala ang pagkabahala ni Jay.

"Oo nga. Pero ngayon seryoso na ito."

"Tama ka, Jay."

"Alam na ba ng mama at papa mo?"

"Hindi pa, Jay. Wala pa akong balak. Alam kong ita-transfer nila ako."

"Oo nga 'no? Kahit nga ako hindi ko pa rin sinasabi kay mama. Kasi pauuwiin na ako noon e."

"Sino ba kasing magulang ang hindi mag-aalala sa anak nila?"

"Oo nga naman, Nicky. Pero ayokong mag-alala sila."

"Oo parehas tayo ng desisyon. O sige diyan ka na muna at maliligo lang ako sandali," paalam ni Nicky at tumayo mula sa kinauuupuan at naglakad papasok ng CR.

Naiwan naman si Jay na nakaupo at nakapangalumbaba. Mukhang malalim ang iniisip habang matamang nakatingin sa litrato ng babaeng namatay isang taon na ang nakalilipas.

Room CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon