Part 9. Jack

5 2 0
                                    

Nicky's POV.

Nakakakaba ang pangyayari kahapon. Umalingawngaw sa buong campus na magpahanggang ngayon ay wala pa ring ideya ang mga pulis. Hindi rin sila naniwala sa mga kuwento ng nakasaksi. Na kahit si Jay ay hindi pa rin matanggap ang nangyari kahapon. Sinisisi pa rin niya ang sarili niya dahil wala siyang nagawa sa mga oras na iyon.

Sabi rin ng mga kaguruan, wala naman daw sakit 'yung classmate naming babae. Pero doon sa mga kwento ni Jay, mukhang isa nga itong misteryosong pangyayari na hindi kayang sagutin ng mga kapulisan.

Pero bukod doon, tuloy pa rin ang pasok namin. Ako lang ang pumasok. At naiwan naman si Jay sa dorm. Naalala ko pa kagabi na ang taas ng lagnat niya. Pero ngayon ok na siya, pero hindi pa niya kaya.

Kaya nagpadala na siya ng sulat sa adviser namin. Gusto ko nga sana na hindi na rin pumasok. Pero sinabi niya na pumasok ako. Dahil mami-miss niya ang mga lesson. At gusto niya na i-discuss sa kaniya ang lahat pag-uwi ko ng dorm. Kaya napilitan ako na pumasok kahit na ganu'n ang kalagayan niya. Hindi ko rin pinaalam kina mama at papa ang nangyaring iyon sa school dahil alam kong magaalala sila. At ang kinatatakutan ko, ang i-transfer muli ako ng ibang school.

Oo ganoon nila ako pahalagahan. Na kung maaari ay i-transfer nila ako nang mas maaga.

Alas syete y medya. Papaalis na ako ng dorm. Paglabas ko sa pinto ay may nakasabay akong lumabas at nagsarado ng pinto. Iisang diretso lang naman ang dorm namin at sa iba. Pero ang hindi ko inaasahan ay 'yung lumabas.

Si Jack.

'Yung misteryosong lalaki na lagi ko lang nakikita kapag may nakakakabang pangyayari. Nagkasabay kami at nagkatitigan. Pero kaagad din siyang umiwas at umalis. Hindi naman kami close kaya bakit ako sasabay. Saka nauna siya sa 'kin dahil tinawag ako ni Jay. Dahil nakalimutan ko 'yung ID ko.

Pag-alis ko ng dorm ay mag-isa na lang akong naglalakad. Talagang napakalaki ng pagkakaiba kapag kasama si Jay. Ngayon ang tahimik. Pero ok lang, masasanay rin ako dahil sa susunod na taon ay lilipat muli ako.

"Haaayy.. Buhay nomad nga naman?" nasambit ko na lang habang naalala ang mga posibilidad na mangyayari.

Sa paglalakad ko, hindi ko inaasahan kung sino ang nakita ko. Galing siya sa may isang kanto. Kaya naisip ko na doon ang bahay niya sa papasok na iyon. Kaya patakbo akong lumapit sa kaniya.

"Lila!" pagtawag ko sa kaniya habang kumakaway. Alam kong lilingon siya. At first time ko na may makasabay na isang babae. At si Lila pa.

Pero pansin ko rin na ang bilis ng takbo ko. Pero tila ang bilis rin ng paglalakad niya. Kaya napatigil ako sa pagtakbo.

"Teka galit kaya siya dahil bigla ko na lang siyang iniwan?" 'Yung isip ko na binabalikan 'yung kahapon. Nawala siya sa tabi ko nang makipagsiksikan sa maraming estudyante kahapon.

Pero iniling ko ang aking ulo at iwinaksi ang tungkol sa kahapon. Muli ko siyang hinabol.

"Lila wait!" muling tawag ko sa kaniya. Sa wakas ay nahabol ko rin siya. "Grabe, ang bilis mong maglakad." 'Yung hingal ko, hindi ko mapigil. Nakakapagod din.

"Pasensya na, Nicky. Kailangan daw kasi pumasok nang maaga kasi may magaganap na program ngayon." Nakatuon pa rin ito sa paglalakad nang mabilis.

"Ganu'n? Bakit hindi ko yata alam?"

"Ang totoo, ka-a-announce lang ngayon-ngayon lang. I-check mo sa gc?"

Kinuha ko 'yung cp ko sa bulsa para mag-open ng gc. Tama nga siya. Dahil mula nang umalis ako ay hindi ako nag-check ng gc.

"Oo nga. Ngayon ko lang din nalaman."

Minadali na namin ang paglalakad para hindi kami mahuli.

Room CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon