Sa nalaman ng dalawa ay minabuti nilang manahimik. Nais pa nilang manmanan si Jack kung maari dahil sa mga sinabi nito na kaduda-duda. Hindi maiwasan ng dalawa na mapaisip na may kinalaman ang mga ito sa mga nangyayari.
Kinaumagaahan ay nagkaroon pa rin ng pasok. Napansin ng dalawa na habang tumatagal ay kumokonti na ang mga estudyante na pumapasok. Nakakatakot din naman talaga ang ganoong mga nangyayari.
Naglalakad ang dalawa papasok nang mapansin nilang walang masiyadong pumapasok. Bilang na lang din sa mga daliri ang makikitang papasok at karamihan doon ay mga athlete.
Sa pagpapatuloy ng dalawa, ay hindi nila inaasahan ang maaabutan sa bandang office sa second floor ng building. Nakarinig kasi sila ng ingay at mga sigawan sa taas kaya mabilis na tumakbo ang dalawa.
"Ano na naman kaya 'yun?" anas ni Jay habang nakikipag-unahan siya ng takbo sa kaba. Masyado kasing mabilis ang mga pangyayari. Sa ganoon kaaga ay hindi nila inaasahan ang maririnig nila.
Ganoon din si Nicky dahil magkasama sila. Kaya sila rin ang unang nakarinig dahil paakyat na sila ng hagdan. Nagsipagdatingan na rin 'yung mga estudyante na kaninang nasa loob lang ng kanilang classroom. Tiningala nila ang office mula sa baba.
Pagtapak ng dalawa sa second floor ay tama nga ang hinala nila na may nawawala na naman sa sarili dahil sa naririnig nila ay nasa loob ng office.
Mula sa loob ay rinig ang pagpahaw ng dalawang babae. Sa office nanggagaling ang pagsigaw kaya alam nilang nandoon ang principal. Hanggang sa marinig nila na unti-unting humihina ang pagsigaw hanggang sa mawala ito.
Akmang susugod ang dalawa papasok pero nakakatatlong hakbang pa lamang sila ay gumalaw ang doorknob at biglang nagbukas ang pinto. Mula roon ay iniluwa noon si Clair, ang kaibigan ni Lila. Punong-puno ito ng dugo sa buong katawan at tulala na may hawak ng kutsilyo. Tumutulo pa ang dugo mula sa dulo nito.
Tangkang lalapit si Nicky pero kagya't siyang napigilan ni Jay.
"Sandali, Nicky. 'Wag, delikado. Wala siya sa sarili. At mukhang hindi siya mag-aalangang patayin ka rin."
"Pero si Clair 'yan! "Nagpupumiglas ito sa pagkakahawak ni Jay. "Clair, ano ba? Labanan mo, Clair!" sigaw ni Nicky. Pero hindi siya nito pinapansin.
Hanggang sa magsidatingan na ang iba pang estudyante at mga lalaking guro. Napatigil ang mga ito nang makita si Clair na duguan mula sa likod.
"Huwag kayong lalapit. Galing siya sa loob ng office. Sa tingin namin ay kung sinoman ang nasa loob ay mukhang patay na," ani Jay.
"Teka, si principal ang nandoon at ang first year adviser," sigaw ng isang teacher sa likod.
Ang susunod na pangyayari ay hindi nila inaasahan. Humarap sa kanila si Clair pero tila kakaiba na ang itsura nito. Puti na ang mga mata at puno ng dugo. Pero sa susunod nitong pagkilos ay higit na talagang kagimbal-gimbal.
Ipinuwesto nito ang kutsilyo sa leeg at matamang nakatingin sa kanila.
'Teka, ano'ng gagawin niya?" takang sambit ng isang estudyante sa likod.
"Tingin ko, oras na para mamatay siya," saad ng boses mula sa likod ng marami. Nandoon si Jack kaya napatingin silang lahat dito.
"Jack?" gulat na sambit ng dalawa.
"Hindi na rin siya magtatagal at magagaya na siya sa ibang namatay na napariwara."
"Pero may magagawa pa ba tayo?" alalang saad ni Jay.
"Meron pa. Kung maagaw natin ang kutsilyo sa kamay niya. Pero mukhang malabo."
Walang nagawa ang dalawa kung 'di tingnan na lamang si Clair. Hanggang sa hindi nila inaasahan ay gumalaw ang kamay nito na may hawak na kutsilyo. Dahan-dahang nilaslas ang leeg niya. Sa gulat ng lahat ay napatalikod na lamang sila.
"Clair 'wag!" sigaw ng dalawa pero wala na, huli na sila.
Sumagitsit ang dugo nito mula sa leeg. Nabitiwan ang hawak na kutsilyo at napahawak sa leeg. Siguradong ramdam na nito na hindi na siya makahinga kaya nagpagewang-gewang na ito.
Akmang tutulong ang dalawa pero wala na silang naabutan dahil nagpatihulog na ito sa building. Sa baba na nila ito natagpuan na wala ng buhay.
Mabilis na bumaba si Nicky at naiwan naman si Jay sa taas. Siya ang kasama ng ibang teacher na pumasok sa office. Naabutan nila ang principal at ang adviser nina Jay na wala ng buhay. Duguan na may laslas at mga saksak sa katawan.
Samantalang si Nicky naman ay napahawak na lang sa batok. Sa harapan niya ay ang bangkay ni Clair na naging dahilan ng pagsusuka niya. Tuluya siyang tumawag ng pulis.
Sa puntong iyon, talagang hindi na nila maintindihan pa ang nangyayari. Sunod-sunod ang mga kaawa-awang namatay. Kapansin-pansin din na sa klase nila nagmula ang mga namatay kaya marami sa kanila ay umalis na sa paaralan.
Samantala, mula sa likod ni Nicky ay muling lumabas si Jack.
"Naguguluhan ka na ba sa mga nangyayari? Kahit ako, oo."
Nakatanaw lang si Nicky sa bangkay ni Clair hanggang sa ibaling nito ang tingin kay Jack.
"Ano ba, talaga ang alam mo?!" galit na sigaw ni Nicky.
"Kung gusto mong malaman, makipagkita ka sa akin sa dorm bukas ng gabi. Sasabihin ko sa 'yo ang lahat," paalis na saad ni Jack.
Buong tapang na tumayo si Nicky at hinarap si Jack. "Sige! Pumapayag ako."
"O sige asahan ko 'yan. Ikaw lang." Naglakad na ito pero kaagad na tumigil din. "Ahh nga pala, ilang minuto na lang at darating na ang mga pulis kaya huwag mong gagalawin ang bangkay kung ayaw mong mapagbintangan," saad nito paalis.
Muling bumalik si Nicky sa taas. Mas ikinagulat pa niya na may patay pa sa taas at iyon ang principal at ang kabilang adviser. Nilapitan siya ni Jay na may malungkot na mukha.
"Mukhang pinatay sila ni Clair." Tinapik siya sa balikat ni Jay.
"Kailan ba ito titigil?"
"Walang makakasagot, Nicky. Hindi rin nila alam ang nangyayari. Walang sino na makapagsabi kung ano ang malagim na pangyayaring ito."
Muling sumagi sa utak niya ang sinabi ni Jack.
Bukas ng gabi. Magkita tayo.
Ikaw lang
Ikaw lang
"Ako lang? Bakit kaya ayaw niya na may kasama ako?" bulong ni Nicky sa sarili niya.
BINABASA MO ANG
Room Curse
HorrorThings you do not expect. At first you are just an innocent person and only you know there is a lesson. You don't even care about things that are, scary, paranormal or supernatural scene. All you know about each passing moment is to think about what...