Habang tumatagal ay nagkakaroon ng ideya sina Jack at Nicky. Unti-unti nilang napagtutugma-tugma ang bawat pangyayari. Sa karanasan ng dalawa ay tila magkapareho kaya nagkaroon sila ng pagkakataon na kumilos.
"Bukod sa lahat ng ikinuwento mo, Nicky. May iba pa bang nangyari sa iyo malapit sa abandonadong CR na 'yun?" saad nito habang naghahanda sa pagbalik nila sa school.
"Uh bukod sa naramdaman ko e..." Naalala nito 'yung nangyari nu'ng umaga na may nabangga si Jay. "Oo, meron pa. No'ng nabangga ni Jay 'yung photographer na may dala ng mga picture."
"Tapos ano?" pagdadagdag pa nito ng tanong.
Pilit na inalala ni Nicky lahat simula ng mga oras na iyon.
"Meron, nu'ng nagkalat 'yung pictures, tingin ko dahil doon kaya nagkulang 'yung kopya."
"Kung nagkulang sa tingin mo, Nicky. Paano kung 'yung isa ay pumasok sa—" Natigilan si Jack nang sabatin siya ni Nicky.
"Tama, kasi nu'ng nagkakalaglagan 'yung pictures, iba 'yung bagsak nito na nagpadulas sa semento. Wala naman akong napansing pumasok doon."
"Sige. Doon ang sadya natin mamaya," ngiti nito kay Nicky.
Kaya nang matapos maghanda ang dalawa ay lumakad na sila. Alas singko sila umalis. Hinintay nilang dumilim bago pumasok. Pinaalam din nila kay Kuya June ang tungkol sa pagpasok nila sa abandonadong CR kaya binigyan sila nito ng duplicate ng susi.
Pasadong alas siyete ng gabi ay pumasok na ang dalawa. Sila lamang ang makikitang nagtatanglaw sa loob ng school. Walang ibang pumasok kundi sila lamang. Paakyat na sila ng hagdan nang may marinig silang ingay mula sa taas. Nagmumula ang ingay sa loob ng abandinadong CR. Dahan-dahang umakyat ang dalawa.
Mas nakakatakot ang tunog noon dahil parang itong ulo na inuuntog sa pader. Napatigil si Jack sa paglalakad nang pigilan siya ni Nicky.
"Teka Jack, itutuloy pa ba natin ito?" pag-aalalang saad ni Nicky. Nakahawak ito sa dibdib na tila kinakabahan.
"Hindi natin malalaman kung hindi natin titingnan."
"Per—" Tinakpan ni Jack ang bibig niya kaya hindi na naituloy ni Nicky ang sasabihin niya.
" Nicky kalma. Kaya natin 'to." saad nito para pakalmahin si Nicky.
Ipinagpatuloy na ng dalawa ang paglalakad pataas. Sa wakas ay narating na nila ang kinaroroonan ng abandonadomg CR. Tama nga ang hinala ng dalawa na doon nga nagmumula ang ingay. Nagkatinginan ang dalawa na parang tama sila. Biglang tumango si Jack para ipaalam kay Nicky na lapitan nila ang pinto at buksan.
Pero umiling si Nicky dahil sa pinangungunahan siya ng takot. Kaya nauna na si Jack at sumunod si Nicky sa likod. Dahan-dahan silang lumapit. Ilang distansiya ang pagitan nilang dalawa dahil nga ayaw ni Nicky na lumapit. Kaya si Jack na ang humarap sa pinto para buksan ito.
Kaya lang, biglang natigilan si Nicky at napatulala. Abala si Jack sa pagbukas ng pinto nang mapansin nito na may nakatayong tao sa gilid ni Jack. Ilang layo din ang pagitan.
"Ahhh J-Jack? S-Sino 'yang n-nasa t-tabi m-mo?" utal na saad ni Nicky. Hindi na niya nagawang itutok ang flashlight kay Jack dahil hindi na siya makapag-focus sa flashlight at nanginginig sa takot.
"Huh? May sinasabi ka ba, Nicky?" Wala ng narinig na imik si Jack dahil biglang napaupo ang kasama at nabitiwan ang flashlight.
"J-Jack sa t-tabi mo!" garalgal na boses ni Nicky.
Dahan-dahang lumingon si Jack. Sa tabi niya ay isang nakatayong tao. Hindi siya multo kundi totoong tao. Mula paa ay tinanglawan ni Jack hanggang ulo. Pero laking gulat niya nang makita ang mga mata ni Kuya June. Puti na lamang ito habang may hawak na kahoy.
Walang alinlangang tumakbo si Jack at hinila si Nicky.
"Takbo, Nicky!" sigaw nito.
Tumakbo na lang rin si Nicky. Nauuna siya kay Jack. Mabilis nilang binaba ang building.
"Sino 'yun?" takang saad ni Nicky habang hingal na bumababa ng hagdan.
"Si Kuya June."
"Pero bakit ka tumakbo?" tarantang saad ni Nicky. Wala na rin kasi siyang nagawa kundi tumakbo.
"Wala rin siya sa sarili, Nicky. Katulad ni Clair puti na 'yung mga mata niya." Sandaling natigilan ang dalawa. Napag-alaman nilang nasa baba na sila. Hanggang sa may nalaglag sa harap nila. Si Kuya June.
Sa gulat ng dalawa ay napaupo sila. Puro dugo na ito nang malaglag sa harap nila. Hindi makapaniwala si Nicky sa kaniyang nakita. Na pati si Kuya June ay madadamay. Mabilis na lumabas ang dalawa sa gate at doon ay hinintay nila ang mga pulis na kanina pa tinawagan ni Jack.
Hindi nila iniwan ang bangkay ni Kuya June para hindi sila paghinalaan. Kinuhanan sila ng statement ng mga pulis tungkol sa nangyari. Nagpakilalang paranormal hunter si Jack para hindi sila pagbintangan. Hindi na bago sa mga pulis ang ganoong pangyayari dahil sa sunod-sunod na itinatawag sa kanila. Pare-parehas ang mga ito ng kwento.
Sa pagbalik ng dalawa ay ipinaskil ni Jack sa listahan si Kuya June. Hindi pa rin sila makapaniwala na mangyayari iyon.
Si Nicky ay sa sobrang kaba kanina ay nanghina. Ibinagsak ang sarili sa upuan. Bakas pa rin dito ang matinding takot sa mukha dahil namumutla ito.
"Okay ka lang, Nicky?" alalang saad ni Jack.
"Hindi ko lang alam kung magiging okay pa ako. Ganito pala ang pakiramdam na naramdaman ni Jay noong hindi niya nailigtas 'yung unang biktima. Nakakapanghina." Tumakbo ito sa CR at nagsuka. Napailing na lang si Jack.
Mayamaya ay bumalik na ito sa upuan niya.
"Ano, Nicky? Sasama ka pa ba?"
"Oo. Itutuloy ko pa rin," pero nakadukdok parin ito.
"Kung gano'n, kailangan mong kumalma."
"Paano ako kakalma kung wala tayong nagagawa para iligtas ang dapat iligtas?" sigaw nito. Balisa parin ito at naiintindihan naman siya ni Jack.
"Hindi ka puwedeng sumuko. Tandaan mo, tayong dalawa na lang ang natitira at susunod na ako," sagot nito na parang hindi niya gusto na mamatay. Natigilan naman si Nicky at napatingin kay Jack.
"Ano'ng sabi mo, Jack?" Seryoso itong nakatingin kay Jack. Tumungo ito at umupo sa tabi ni Nicky.
"Oo. Alam kong ako na ang susunod. Alam mo naman siguro Nicky dahil ikaw ang huli. Anumang oras ay puwedeng ako na ang susunod pero sinusubukan kong kumalma dahil alam kong matatapos din ito. Kahit mamatay man ko ay handa ako," malungkot nitong saad.
Hindi makapaniwala si Nicky sa mga ipinagtapat ni Jack. 'Yun ang nagtulak sa kaniya para ipagpatuloy ang paglutas sa misteryong ito.
BINABASA MO ANG
Room Curse
HororThings you do not expect. At first you are just an innocent person and only you know there is a lesson. You don't even care about things that are, scary, paranormal or supernatural scene. All you know about each passing moment is to think about what...