Part 8. Guilty

5 3 1
                                    

"Nicky!" pagtawag-pansin ng isang boses ng babae sa naglalakad na si Nicky. Nasa bandang library ang dalawa at nasa taas naman ang babae kung saan naroon ang room nila. Kaya hinanap ng dalawa kung sino ang tumawag.

"Sino 'yun?" sambit ni Jay habang abala sa paglinga-linga sa paligid.

"Ewan ko lang. Pero ang pagkakarinig ko, babae e."

"Oo nga."

Hindi napansin ng dalawa na galing sa taas ang boses. At pababa na palapit na ito sa kanila.

Saka lang nila nakita nang mapansin nila ito mula sa malayo. Patakbo itong lumalapit sa kanila hanggang sa mapagtanto nila ang paparating.

"Teka... Si Lila?" medyo salubong ang kilay ni Nicky dahil malayo pa ito.

"Di ba, siya 'yung sadya mo kahapon?"

"Oo siya nga. Pero bakit tinawag niya ako? Parang kahapon lang, hindi niya ako kinibo," nagkakamot na sabi nito.

"Wow bro. Mukhang nakakahalata ako ah," pambubuyo nito na may mahinang pagsiko sa tagiliran ni Nicky.

Hanggang sa makalapit na sa kanila ang tumawag ng pansin nila - si Lila.

"Sandali," hingal na hingal na sambit ni Lila. Mukhang hindi pa ito makapagsasalita sa sobrang hingal kaya pinakalma muna ito ng dalawa.

"Ano, okay ka na?" alalang sambit ni Nicky.

"Konti pa," pagpapahinga nito dahil sa layo ng tinakbo.

"O sige Nicky, mauna na ako sa room. Mukhang makakaabala ako sa inyo e," tapik ni Jay sa balikat ni Nicky.

Hanggang sa makahinga na nang marahan si Lila.

"Para sa 'yo!" pasigaw nito na inabot kay Nicky ang isang maliit na box na may letter sa ibabaw.

Nagulat naman si Nicky dahil sa biglang reaksiyon ni Lila.

"Ah hehe. Para saan?"

"Pasasalamat ko 'yan dahil ibinigay mo sa 'kin 'yung picture," mahinahon nitong sambit. Pero hindi pa rin ito makatingin nang diretso kay Nicky.

"Nag-abala ka pa. Salamat din para dito. So... nabasa mo na ba?" Hinintay niya itong sumagot habang direktang nakatingin kay Lila.

Samantalang dahil sa tinanong ni Nicky ay nagsimulang maglikot ang mata nito at 'di makatingin nang diretso.

"Ahh. K-Kasi E-Eh O-Oo. Paano mo nga pala nalaman?" utal nitong sabi.

"Nu'ng nabangga ka ni Jay. Nakita ko sa dala mong libro."

"Sabi na nga e tama ako," bulong nito sa isip niya.

"Ahh ganu'n ba? Sorry huh?"

"Hehe sorry? Para saan?"

"Dahil sa mga sulat na ipinadala ko. Nadi-distract ka yata?"

"Okay lang. Sa totoo nga, nagustuhan kong lahat. Nakatabi 'yun ngayon sa isang box. Ikaw lang kasi ang nagbigay ng ganu'n ka-effort sa 'kin."

Nagsimula nang pamulahanan ng mukha si Lila at lalong umiwas sa nakakaakit na mga mata ni Nicky.

"Bakit? May nasabi ba ako?"

"Wala naman. Natutuwa lang ako na nagustuhan mo."

Bahagyang lumapit sa kaniya si Nicky. Hinawakan nito ang baba ng dalaga. Hanggang sa magpadala na lang si Lila sa pag-angat ng mukha niya ni Nicky. Kasalukuyan na silang magkatitigan.

"Teka bakit kanina ka pa riyan nakayuko?" sambit ni Nicky habang hawak parin ang baba ni Lila.

"Ah W-Wala lang kasi-" Lalong namula ang mukha ni Lila nang ngumiti na mismo si Nicky sa harap niya.

Room CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon