Part 25. End of Curse

21 5 1
                                    

Nicky's POV

Paggising ko ay nasa isang kuwarto ako. Wala akong maaninag kundi puting ilaw mula sa kisame at ang puting comforter na nakabalot sa 'kin.

Hanggang sa mapadako ang tingin ko sa nasa tabi ko. Napagtanto ko na si Lila ang naroon. Halata ang pagod niya sa mukha dahil nakatulog siya sa tabi ko.

Nakangiti na lang ako at hinaplos ko ang ulo niya. Pero dahil doon kaya napukaw ang pagkakaidlip niya kaya nagmulat ang kanyang mga mata. Halata pa ang antok pero pinilit nito na malaman kung sino ang humawak sa kanya.

Nagtama ang aming mga mata. Napagtanto niya na ako ang hinanap niya na humawak sa kanya.

"Nicky, gising ka na. Mabuti naman," sambit niya pero halata pa rin ang antok sa mga mata dahil sa paniningkit nito.

"Sorry. Nagising ba kita?"

"Hindi, okay lang. Kanina pa naman ako nakatulog e."

"Gano'n ba? Teka, bakit nandito ako? Si Jack? Nasaan siya?" Qala talaga akong maalala sa mga oras na iyon.

"Siya ang nagdala sa 'yo rito pagkatapos mong mawalan ng malay." Doon nga ay naalala ko na magkasama kami ni Jack sa school.

Nagbalik din sa mga alaala ko ang pananakit ng mga mata at ulo ko hanggang sa wala na akong maalala mula nang iwan ako ni Jack.
Napahawak na lamang ako sa aking mata dahil doon.

"Okay na, Nicky. Tapos na," wika ni Lila. May gumuhit na ngiti sa labi niya.

"Pero paano?"

"Nakuha ni Jack 'yung dapat na makuha bago ka pa mawala sa sarili," pagkukuwento nito pero nahahalata ko na may hindi siya sinasabi sa 'kin. Hindi kasi siya makatingin nang diretso sa 'kin.

"Yun lang ba talaga?" Lalo pa siyang umiwas ng tingin.

"Uh.. Kasi, doon sa roof top." Hinawakan ko ang kamay niya para kumalma. Hanggang sa ipinagtapat niya lahat. Simula noong mawala ako sa sarili at pagtangkaan ang buhay nilang dalawa.

Hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon ng walang kaalam-alam.

"Pasensiya na Lila." Seryoso ko siyang tinitigan sa mga mata.

"Okay lang. Ang mahalaga e okay ka na at natapos na."

Sa araw ding iyon ay ang pagdalaw ni Jack at ng hindi inaasahang bisita.
Dumating si Jack kasama ang tito niya. Ito na kasi ang gumawa ng paraan para maputol ang sumpa.

Ipinagtapat ni Jack ang lahat ng nangyari. Noong araw na pagtakaan ko ang buhay ni Lila hanggang sa dumating siya para pigilan sa ginagawa ko.

Matapos akong madala sa ospital ay iniwan nila ako kay Lila at umalis. Nalaman nila na kaya hindi pa nawawala ang babae ay may mga alaala pa siya rito. Ang alaalang iyon ay ang naiwang ID sa CR. Sinunog nila iyon hanggang sa hindi na makita. Ganoo din ang ginawa nila sa class picture. Bigla raw humangin nang malakas na tila palayo at pataas.

Lahat pala ng nangyari ay dahil sa ID na iyon sa loob ng CR. Hindi ko inaasahan na mangyayari ang lahat ng iyon ay masasangkot ako. Hanggang sa nangyari na ang hindi ko inaasahan. Ang malaman na ng mga magulang ko ang lahat. Lahat ng iyon sa likod ni Jay. Siya ang nagsabi sa mga magulang ko sa tunay na nangyari tulad ng nais ni Jack.

Naniwala ang mga magulang ko kay Jay. Pero kahit na gano'n, hindi pa rin nagbago ang pasya nila kaya pinili nilang ilipat na ako ng school.

--
Nakaupo ako ngayon sa tabi ni Jay dahil mamaya na ang alis ko papuntang ibang bansa. Nais kong magpaalam sa kanya nang maayos dahil hindi ko na siya masasamahan. Nakakakilos na si Jay pero hindi pa siya makakalabas ng ospital.

Room CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon