Part 5. Class Picture

9 3 0
                                    

Nicky's POV

Nang mga sumunod na araw pa ay unti-unti ko na ring nakalimutan ang nangyari. Naniniwala ako na guniguni ko lang lahat ng iyon.

Saka isang araw na rin ang dumaan. Hindi ko na rin naramdaman pa iyon. Kahit na muli akong dumaraan sa hallway na iyon at sa CR na 'yun ay balewala. Guni-guni ko lang pala talaga yun.

Nawala nga ang pakiramdam ko pero may secret admirer naman ako. Dahil tuwing umaga ay laging may sulat sa upuan ko. Halata namang babae. Dahil sa design ng bond paper na sinulatan. Napaka-artistic.

Lagi tuloy akong binubuyo ni Jay. Nakakaasar pa naman ang lalaki na 'yun.

Sa tuwing sabay kaming papasok ni Jay, may isang babaeng lalapit para lang may ibigay pero wala namang pangalan o palatandaan kung kanino galing.

Kaya hinayaan ko na lang at nag-focus sa mga aralin namin.

Pero hindi pala ako handa sa mga susunod na mangyayari dahil hindi ko inaasahan ang makikilala ko sa mga oras na iyon.

Galing kaming library ni Jay. Nang may mabangga siyang isang babae. Kaya nagkalat lahat ng dala niyang libro.

"Pasensya na, miss," panghihingi ko kaagad ng tawad sa babae. Kaagad na tinulungan siyang pulutin lahat ng gamit niya sa baba. Kung bakit kasi kababae niyang tao e ganu'n kalalaking libro ang dala-dala niya.

Ganu'n din naman si Jay na agad ring tumulong. Tuloy-tuloy ang panghihingi ng sorry sa babae.

Isa sa mga libro na pinulot ko ang may mga nakaipit. Tulad ng araw-araw kong nakukuhang sulat ay katulad din ng mga sulat na mayroon siya.

Hindi ko pinahalata na napansin ko iyon at nang matapos ay nagmadali na itong naglakad palayo sa amin.

Hindi ko na pinaalam kay Jay ang tungkol sa nalaman ko. Kilala ko naman siya kung gaano siya kadaldal.

Matapos ng pangyayaring iyon ay naging madalas na ang pagpapadala niya ng sulat. Nalaman ko rin na magka-section kami.

Pero napaka-effort niya sa lahat ng sulat niya. Wala akong nabasang printed. Lahat ay sulat-kamay at napakagaan ng mga letrang nakapaloob doon. Napakaganda ng sulat niya.
Pero gaya ng nababasa ko at napapanood, hindi siya nagpapadala ng kung ano-ano na magbibigay sa akin ng hinala na may gusto siya.

Lahat ng sulat niya ay tungkol sa mga aralin namin. At mga tula. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito– ang humanga sa isang babae kahit na simple.

Wala namang masama kung hangaan ko rin siya. Saka classmate ko naman siya. Kaya mas mabuti na ilihim ko na lang muna na alam ko na siya ang nagpapadala ng mga sulat.

Iniiwasan ko rin na tingnan siya sa mga mata niya para hindi niya ako paghinalaan. Kahit ang kaibigan kong si ay walang alam sa balak ko.

Matapos ang huling klase namin, napagpasiyahan namin ni Jay na dumaan sa isang book shop. May nakita kaming bagong labas na book doon noong isang araw.

Dahil bago ay mura pa ito. Matapos naming bilhin ay kumain muna kami sa may Japanese food restaurant na sakto lang ang presyo para sa pera naming dalawa.

Talagang napakasarap kasama ni Jay. Dati l, kapag ganito ay nababagot ako. Pero ngayon hindi na. Iba talaga 'pag kalog.

Mga alas sais na kami nakauwi at pagdating sa dorm ay magbabasa na lang kami ng binili naming book. Magkaiba naman kami ng book na binili ni Jay dahil magkaiba kami ng genre.

Talagang ang hilig niya sa horror kahit na sobrang pangit ng cover. Alam niya na ang ganda ng plot nu'n.

Pero bukod ay nag-advance reading muna kami para bukas.

Ganap na alas nuwebe y medya ay nakatanggap kami ng chat sa gc na may magaganap na pictorial para bukas. Sa bagong ID at bagong patakaran na mapapaaga ang class picture namin.

Lalo kaming na-excite ni Jay. Kilala ko naman siya. Napaka-passionate niyang tao. Napakagaling niyang magdala ng damit.

Sinabi rin na PE uniform ang susuotin para magkakapareho.

Kaya ipinagpabukas na namin ang pagbabasa at natulog na. Dahil maaga iyon gaganapin dahil may defense pa kami sa English.

--

Kinabukasan. .

Ang araw ng pictorial. Siyempre, maaga kaming pumasok para na rin tumulong sa mga gagamiting bangko. Tumulong kami na mag-ayos nu'n sa tamang bilang ng aming klase.

Naunang gawin ang pictorial para sa ID namin. Kaya sa mga nahuli katulad namin ni Jay ay may oras pa para ihanda ang aming sarili.

Hindi nakaligtas sa 'kin 'yung secret admirer ko. Hehehe, maganda rin siya at mahinhin. Ang amo ng mukha niya. At halatang todo handa rin para maayos ang kinalabasan ng pictorial at magiging mukha niya sa ID.

Matapos ang pictorial para sa ID, pinasimulan na agad ang maagang class picture.

Isa-isa na kaming inaayos. Sa tamang laki para sa ikagaganda ng kalalabasan. Nagulat ako dahil katabi ko 'yung lalaki na nakita ko dalawang araw na ang nakakaraan.

Ngayon ay araw ng Huwebes. Martes ko siya nakita. Pero hindi kami ganoong magkakilala. Si Jay ay nasa kabila. Magkalayo kami. Dahil medyo malaki ako sa kaniya. 

Ayos na ang lahat. Kukuhanan na kami ng shot.

Isa, dalawang pag-click ng camera at natapos na ang class picture para sa taon na ito. Nagsibalik na kami sa class room namin.

Sa Lunes namin makukuha ang copy namin pati na rin ang ID kaya kailangang complete uniform kami sa araw na iyon.

Pagkatapos ng defense ay mananatili na lamang kami sa room.

Medyo wala kaming gagawin ngayon dahil may magaganap na program para sa mga club.

Wala naman akong hilig sa ganu'n kaya nanatili na lang kami ni Jay sa room. Nandoon din 'yung babae na nagbibigay sa 'kin ng sulat. Nagde-design siya ng class room namin dahil iyon ang utos ng adviser namin.

Natapos na lang ang buong araw na busy ang lahat. Pero simula ng class picture ay hindi ko na nakita 'yung lalaki. Nalaman ko rin na Jack ang pangalan niya dahil sa may tumawag sa kaniya. Iniisip ko, baka sumali siya sa mga club sa school.

Nag-uwian na sa ganap na alas dose ng tanghali. Half day lang kami lagi kaya may oras pa kami sa ibang bagay.

--

Sumapit ang Biyernes. Ang araw na buong araw ay wala kaming ginagawa. Dahil ibinigay ang araw na 'yun para sa mga club para gamitin sa pagpupulong. Kaya wala na naman kaming ginawa.

Hanggang sa mag-uwian. Palabas kami ng gate nang makita ko 'yung lalaki. May kausap siyang isang lalaki. Mukhang mas matanda sa kaniya. Kaya inakala ko na papa niya iyon.

Hindi ko na masyadong maaninag ang mukha ng lalaki. Pero aminado ako na hindi nila kami napansin.

Room CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon