Part 22. Good News

7 3 1
                                    

Sa kalagayan ni Jay ay medyo bumubuti na ito. May life support man pero napansin ng mga doctor na mabilis nakaka-recover ang cells and tissues nito sa ulo. Naging maayos na rin ang tibok ng puso nito. Ibig sabihin ay mabilis maka-recover ang katawan niya. Wala namang na-damage na sensitive organ kaya gano'n na lang kabilis siyang naka-recover.

'Yun ang balita na malaking sumalubong kay Nicky pagpasok niya sa kwarto ni Jay. Nandoon din si Lila at ang mama ni Jay. Nagbabantay pa rin. Hindi na sumama si Jack at naiwan sa dorm.

Hindi rin naman makapaniwala ang mga doctor sa sinabi nilang isang buwan na pagka-recover ni Jay dahil binawi rin nila ito. Sinabing maaari nang magising si Jay anumang oras. Hindi nila alam kung bakit. Pero sa tuwing tini-test nila ito ay mabilis ang pagbabago nito.

Kaya laking pasasalamat ni Nicky dahil magiging maayos na si Jay. Naupo siya sa tabi ng kaibigan at kinakausap ito. Lumabas naman si Lila at ang mama ni Jay.

"Uy, Jay. Good news, malapit ka na raw magising. Natutuwa ako kasi lumaban ka. Bilisan mo, marami akong iku-kuwento sa 'yo." Sandaling natigilan ito at napatitig kay Jay. "Alam mo, ang dami kong pinagdaanan habang wala ka. Hindi ko lang alam kung gusto mo 'yun. Pero kung kasama kita, siguro magiging madali ang lahat." Huminga ito nang malalim at napangiti. "Sabi mo, magbabasa pa tayo ng Wattpad books 'di ba? Kaya sana sa susunod kong dalaw, gising ka na," saad nito. May isang butil ng luha sa mata niya ay tumulo. Luha na tanging sa kaibigan niya lang ibubuhos.

Sana magkita pa tayo sa lahat ng mangyayari. Kung alam mo lang, ako na ang huli. Pero anumang mangyari, sana matanggap mo at maging masaya ka na naging magkaibigan tayo," bulong nito sa sarili niya habang tuloy-tuloy na ang pagluha.

Maibilis nitong pinahid ang mga luha nang pumasok si Lila.

"Kumusta ka naman? Halatang pagod ka uh," saad nito habang dahan-dahang lumalapit kay Nicky.

"Okay lang ako. Saka mamaya na ang huli naming punta. Sigurado, tapos na ito."

"Mag-iingat kayo. Saka salamat." Napatingin si Nicky kung nasaan si Lila.
"Salamat kasi iniligtas mo ako noon. Tapos lulutasin niyo na ngayon ang misteryong nangyayari."

"Wala 'yun. Saka hindi naman natin ginusto na mangyari 'to." Tumayo ito at lumapit kay Lila. "Salamat sa lahat, Lila." Hinawakan niya ito sa kamay.
"Salamat dahil lagi kang nasa tabi ni Jay habang wala ako."

Nakatitig lamang sa kaniya si Lila. Sa mga mata nito at sa mga labi nito. Hanggang sa tila magnet nang maglapit ang kanilang mukha. Siniil siya ni Nicky ng halik sa labi.

Wala namang nagawa si Lila kundi ang pumikit at lasapin ang malambot na labi ng binata. Tumagal ito ng apat na segundo at kusa na itong naghiwalay. Napahawak si Lila sa labi niya at pinamulahan.

"Sige, Lila. Mauna na ako sa 'yo." Baglakad na ito palayo pero tumigil din dahil may nakalimutan siya.  "Uh, Lila gusto kita," diretso nitong sabi at tuluyan na itong lumabas at umalis.

Napansin ni Nicky na hapon na kaya nagmadali na siyang bumalik para kitain si Jack. Maghahanda pa kasi sila ng mga gagamitin nila sa pagpasok.

Alas sais na pero hindi pa nakakaalis ang dalawa. Hinihintay kasi nilang dumilim bago umalis. Saktong alas siyete ay naglalakad na sila patungomg abandonadong eskuwelahan.

Kasabay ng mga oras na 'yun ay nagising si Jay. Napansin ni Lila ang paggalaw ng daliri nito at dahan-dahang pagmulat ng mga mata.

Kaagad naman itong napansin ni Lila. Ang noo'y tulog na ina nito ay ginising ni Lila. Nasilayan muli nila ang mga mata ni Jay.

"Anak, gising ka na," masayang saad nito. Ngumiti lang si Jay. Alam niyang mahal na mahal siya ng mama niya.

"Buti naman Jay ay gising ka na," ngiting saad ni Lila habang magkadikit ang mga palad.

Pero tila hindi ito masaya dahil malikot ang mga mata nito na tila may hinahanap. Kaagad nahulaan at napansin ni Lila.

"Uh, si Nicky ba?" Napatingin ito sa mama niya. "Sabi niya, bantayan ka raw namin habang may ginagawa siya."

"Hindi... K-Kailangan ko... S-Siyang tulungan." Napigilan ito kaagad siya ni Lila.

"Anak, hindi ka pa magaling. Baka makasama 'pag gumalaw ka pa," pagpipigil ng ina nito.

"Hindi niyo naiintindihan. Nanaginip ako at nasa panaginip ko si Nicky. Nakita ko na napahamak siya," pagpipilit nito. Kaya walang nagawa si Lila kundi tumawag ng nurse para bigyan ng pampakalma si Jay.

"P-Puntahan m-mo siya." Tuluyan na itong nawalan ng malay at kumalma. Muli na naman itong nakatulog.

Naluluha naman ang ina nito. Dahil sa kalagayan ng anak ay awang-awa siya rito.

Nagpaalam na rin kaagad si Lila sa mama ni Jay dahil mukhang alam niya ang ibig sabihin ng sinabi ni Jay.

Matapos magpaalam ay mabilis itong tumakbo palabas ng ospital at pumara ng masasakyan.

--
Narating na ng dalawa ang abandonadong CR. Handa na ang dalawa sa pagpasok. Pero mapapansin kay Nicky ang madalas na pag-inda nito ng ulo habang nasa likod ni Jack.

"Kailangan na nating matapos ito, Nicky." Walang sagot na narinig kay Nicky. Ramdam ni Jack na parang wala na ito sa likod niya.

"Nicky?"

Paglingon nito ay wala na si Nicky. Namataan niya itong nakaluhod at nanginginig. Iniinda nito ang kaliwa niyang mata.

"Nicky, bakit?" Bakahawak ito sa likod ni Nicky.

"Ang sakit ng mata ko..." inda nito habang hawak-hawak ang kaliwang mata nito.

"Makakasama ka pa ba?"

"Ewan ko. Siguro magpapahinga muna ako. Ang sakit talaga."

"O sige mamaya na tayo magpatuloy. Maupo muna tayo," akit nito habang naupo sa tabi ni Nicky. Nakasandal sila sa may plant box habang nakatanaw sa langit. "Ano, kumusta si Jay?"

"O-Okay na siya. Sabi niya, baka ngayon o bukas gising na siya."

"Magandang balita nga 'yan."

"Oo, at sinabi ko rin sa kaniya bago ako umalis na matatapos na natin 'to ngayon," ngiti nito. Nawala na ang pananakit ng mata nito pero namumula ito.

" Bakit ba kasi, ano'ng nangyari sa 'yo kanina?"

"Ewan ko, Jack. Pero biglaan na lang sumakit 'tong kaliwa kong mata kanina."

"Hindi kaya 'yung sumpa na 'yan?"

"Ewan. Ano nga pala 'yung naramdaman mo kahapon, Jack?"

" Ewan. Basta bigla akong nahilo tapos nawalan ako ng malay," pagkukuwento nito.

"Uh gano'n? Siguro pagod lang ako."

"Siguro nga. Kung bakit ba kasi hindi ka natutulog. Tapos lagi kang nag-iisip ng kung ano-ano."

"Ako na kasi ang huli kaya kinakabahan ako. Hindi kasi alam ng mga magulang ko ang tungkol dito."

"Huh? Bakit 'di mo sinabi e delikado ito?"

"Hindi sila papayag. Tapos alam kong iaalis nila ako rito."

Nt nakaupo lamang ang dalawa. hanggang sa—

Room CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon