Part 11. Saved

7 2 2
                                    

Jay's POV

Sa dalawang aksidente na nakita ko ay bigla akong tinablan ng kaba at kutob sa isang tao.
Alam kong napapansin rin ni Nicky iyon at kahit ako ay pansin ko rin.

Si Jack.

Mukhang may kinalaman siya sa lahat ng pangyayari. Alam kong masama ang magbintang pero may kutob ako. Kaya 'yun ang kailangan kong alamin. Hindi ko muna ito ipinaalam kay Nicky.

Siya lang ang tanging paghihinalaan ko dahil sa nangyari kahapon. At tungkol sa nakasilip kahapon sa bintana, siya lang naman ang lalaking may mahabang buhok sa klase na kamukha ng sa anino kahapon sa bintana. Hindi ako nagkakamali ng hinala.

Pasimple ko siyang mamanmanan bukas. Hindi naman yata mahahalata ni Nicky dahil ang akala niya ay masayahin at madaldal lang ako.

Kaya kinabukasan bago kami umalis ng dorm ay tumanaw muna ako sa pintuan ng dorm ni Jack mula sa dorm namin. Mukhang wala ng tao kaya magkasama kaming pumasok ni Nicky.

Himala dahil ang aga ni Jack sa room. Tahimik lang itong nakaupo. Tama, nagkita kami at nagkausap nu'ng pumunta kami sa dorm niya. Pero siya 'yung taong pinipiling mag-isa lang. Mukha talagang kahina-hinala. Hindi rin siya makikita sa canteen at pati sa mga nagaganap na program. Hindi ko maiwasan talaga ang maghinala. Kung kulam man ang nangyayari sa mga namatay ay mukhang ganu'n na nga kasi nawawala sila sa sarili.

Nag-umpisa ang klase namin sa ganap na alas syete y medya. At ang science experiment namin. Sa mga oras na 'yun ay nando'n si Jack kaya hindi ko muna siya minanmanan.

Alas nuwebe y medya bago ang recess. Nasa room lang din siya at laging hawak ang cellphone. Kaya pinasusulyapan ko lamang siya ng tingin sakaling may gawin siyang kakaiba.

At nag-recess na nga. Pero ang nakapagtataka ay hindi siya umaalis ng upuan. Nagpaiwan rin ako sa room at nagkunwaring nagbabasa pero hindi ko siya nilulubayan ng tingin. Hindi rin nag-recess si Nicky at katabi ko siya ngayon. Naka-headset lang ito at dinadamdam ang pinakikinggan.

Hanggang sa gumawa na nga ito ng pagkilos. Nagbukas ito ng bag at akmang may kukunin. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko maiwasan ang mapaisip kung ano ang kukuhain niya sa loob ng bag. At nailabas na niya ito.

Isang libro.

Tama isang libro ang kinuha niya at medyo luma ito. Para siyang book curse from Medieval times. Medyo nagulat ako kung bakit nagbabasa siya ng ganu'n. Pero bukod sa pagbabasa ay tingin ito nang tingin sa bawat classmates namin na pumapasok.

Hindi rin nakalampas sa paningin ko 'yun. Hanggang sa pagsawaan si Nicky ng pakikinig ng tugtog. At nagpaalam na mag-si-cr sandali. Kaya tumango ako para ipaalam na narinig ko ang sinabi niya. At pag labas ni Nicky ay tiningnan rin siya ni Jack.

Hanggang sa huling pumasok. Isang babae at du'n ako tinubuan ng kaba. Kakaiba ang tingin niya rito. Hanggang sa makaupo na ang babae. Na napag-alaman ko na si Mariel.

Ilang saglit pa ay muling bumalik si Nicky pero laking gulat ko nang magbago ang mukha niya. Tila nanlaki ang mga mata nito na nakatingin sa bandang likuran ko. Kaya napalingon din ako. Hindi ko nagustuhan ang nakita ko. Si Mariel. Tila wala na ito sa katinuan. Halata naman dahil nakahawak ito sa batok niya. At dahan-dahang nagpapaikot-ikot ang ulo.

Kinausap siya ng katabi niya pero huli na ang lahat. Dahil wala na talaga ito sa sarili. At bigla na lang.....

Bogs!!

Lumagapak ang ulo nito sa upuan. Nataranta kaming lahat. Ako na nasa harap ni Mariel ay agad na lumapit para pigilan siya sa ginagawa niya. Samantalang 'yung katabi niya ay napatakbo sa takot. Hawak ko ang ulo niya at si Nicky naman sa mga kamay niya. Nilihis naman ng mga kalalakihan ang mga upuan.

Iilan lang kami sa room. Hindi naman karamihan. Dahil sa laging attendance ay sampu lang ang babae at walong lalaki.

May tumawag na ng teacher. Habang ang iba naman ay tahimik at 'di makapaniwala sa tabi. Sa mga oras na ito ay desidido na ako na iligtas si Mariel. May ilang lumapit para paypayan si Mariel. Hanggang sa manginig ang buong katawan niya.

May ilan na nagsabing dalhin na ito sa clinic at sang-ayon doon si Nicky. Akma na namin itong bubuhatin nang biglang sumigaw si Jack.

"Sandali!" malakas na sigaw nito habang papalapit sa amin.

Lahat kami ay napatingin sa kaniya hanggang sa nakalapit siya sa amin. Iniluhod niya ang kaliwa niyang tuhod at matamang tinitigan si Mariel.

"Huwag n'yo siyang ilalabas. Baka matulad siya roon sa naunang nahulog. Hayaan n'yo lang siya riyan at hawakan nang mabuti," utos nito. Pero hindi nito inaalis ang mata sa dalaga.

Nakatitig lang ako sa kaniya. Pero sinusunod ko 'yung mga sinasabi niya. Ang ipinagtataka ko ay paano niya nalaman 'yung nangyari roon sa nauna. Ang alam ko ay kami lang ang nasa taas nu'n at hindi ko siya nakita.

"Kapag tumigil na siya sa panginginig, pwede n'yo na siyang bitawan," muling utos nito.

Gaya ng sabi niya ay nang tumigil sa panginginig si Mariel ay binitawan na namin siya ni Nicky. Hanggang sa isang malamig na hangin ang sumimoy. Hanggang sa si Mariel ay maging ok na. Nakatulog na ito at nawala na ang panginginig.

Kaya nagpasiya na kaming dalhin siya sa clinic. Sakto na nakasalubong na namin ang mga kaguruan.

"Ano'ng nangyari?" tanong nito habang tarantang lumalapit sa amin.

"Nawala po siya sa sarili at iniuntog ang sarili sa upuan," salaysay ni Nicky.

"O sige dalhin n'yo na siya sa clinic," utos ng isang guro.

Dinala na namin si Mariel sa clinic pero hindi pa roon natatapos ang pagkikita namin ni Jack. Siya mismo ang lumapit samin ni Nicky.

"Jack?" sambit ni Nicky.

"Salamat sa tulong mo, Jack," paghingi ko ng pasasalamat sa kaniya pero seryoso pa rin ang mukha ko.

"Paano mo nga pala nalaman na ganoon ang gagawin?" tanong ni Nicky. Ganoon din sana ang itatanong ko pero naunahan niya ako.

"Ah 'yun ba? Nakita ko kasi 'yung nangyari sa 'yo nu'ng hawak mo 'yung babae, Jay. Lahat ng pangyayari simula nang buhatin mo siya."

"Pero bakit hindi ka tumulong kung nakita mo?" bulong ko sa sarili ko.

Bumalik na ito sa room at sinundan namin siya ni Nicky. Matapos noon ay nag-uwian na rin. Gaya ng balak namin ni Nicky ay dumaan kami kay Kuya June. Si manong guard.

Marami kaming dapat itanong ni Nicky dahil dalawang sunod ang namatay. At isa ang muntik ng mamatay. Hindi talaga namin maintindihan ang nangyayari.

Kaya lahat ng katanungan na iyon at inaasa namin kay kuya June.

Sa mga sagot niya.

Room CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon