Magkasama kami ni Jack sa dis-oras ng gabi. Nakauwi kami mula kanina. Hawak ko ngayon 'yung class picture. Ngayon ay wala pa ring kasunod si Jay kaya ligtas pa rin 'yung dalawa. Hindi ko pa rin maiwasan na mag alala lalo na sa sarili ko. Sa nangyayari ngayon ay walang kaalam-alam sina mama at papa tapos nanganganib din ang buhay ko.
Hindi ko maatim na iyakan na lang ako nina mama at papa dahil hindi ko sinabi sa kanila ang tunay na nangyayari at malaman nila na patay na ako.
Ligtas si Jay. At may natitira pang dalawa. Bago si Jack at ako. Lubos talaga akong kinakabahan habang nakatitig sa litratong hawak ko. Habang nakikita kung gaano nila pinaghandaan ang class picture na iyon. Tapos hahantong na mamatay sila sa puwestong iyon. Hindi ko maiwasan na manlumo sa sinapit nila.
Magkasama kami ni Jack at wala pang pahinga. Nagtitimpla siya ng kape habang ako naman ay binabagabag sa kinauupuan ko. Ilang saglit lang ay lumapit si Jack sa akin dala ang dalawang tasa ng kape.
"O magkape ka muna," alok nito saakin.
"Salamat, Jack." Kaagad akong humigop.
"Grabe, akala ko talaga kung ano na."
"Oo hindi ko rin inaasahan 'yun."
Napailing na lang ang dalawa at humigop muli ng mainit na kape.
Flashback.
Nakatago kami ni Jack sa likod ng pader. Pinapakiramdaman namin 'yung mga yapak na unti-unting lumalapit sa amin.
Namamawis na ang noo ko dahil sa kaba pero pinilit naming hindi magsalita at manahimik habang nakayuko.
"Hoy. Ako 'to si June," pagtawag nito kaya napanatag kami ni Jack. Lumabas kami sa tinataguan namin.
"Uh, Kuya June ikaw pala. Tinakot mo naman kami." Napakamot ako sa batok ko.
"Pasensiya na hehe. Gumagabi na kasi kaya sinigurado ko lang na nandito pa kayo."
"Tamang-tama po paalis na rin kami." Si Jack ang nagsalita mula sa kaliwa ko.
"Ahh ganon ba? O sige sabay-sabay na tayo," at naglakad na ito kasabay ng pagsunod namin ni Jack. Bumalik na kami sa dorm.
Kasalukuyan
Natapos kaming magkape ni Jack nang may maisip ako. Hindi ko pa nga pala lubos na kilala siya kaya naisipan kong makipagkuwentuhan sa kanya sandali.
"Ahh Jack. Hindi ko pa natatanong. Bakit dito mo napiling mag-aral?" Medyo napasulyap ito nang kaunti sa akin.
"Yun ba? Isa akong international student student. Galing ako sa Italy at ipinadala rito dahil sa pagkamatay ng babae nu'ng isang taon."
"Huh? Ipinadala ka? Bakit? At sa anong dahilan?" gulat na tanong ko sa kanya. Ang weird niya kaya hindi ko naiwasang magtanong.
"Isa akong paranormal hunter para maghanap ng impormasyon tungkol sa mga ghost or spirits." Hinawi nito ang mahabang buhok na tumatakip sa mukha niya.
Napalunok ako ng laway sa sinabi ni Jack. "So, ni-recruit kayo rito, ganu'n?"
"Hindi. Dahil nu'ng araw na mamatay 'yung babae ay mabilis itong kumalat sa social media. Pero makalipas ang isang linggo ay bigla na lamang naglaho dahil nabahala ang school na dumugin sila ng media." Lumanghap muna ito ng hangin bago ipagpatuloy ang pagkukuwento. "Buti na lang, nakakuha kami ng sapat na data at impormasyon tungkol sa kaniyang pagkamatay kaya ipinadala ako rito."
Napatango ako sa kuwento ni Jack. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit lagi siyang mag-isa at may kinakausap sa cellphone niya.
"So mag-isa mo itong lulutasin?"
"Hindi. Kapag sapat na ang mga nakalap kong ebidensiya o impormasyon, darating 'yung mga kasama ko para tumulong. Base kasi sa mga nangyayari ay may kinalaman ang mga bad spirit dito." Ikinuyom nito ang kaniyang palad at napabuntong-hininga.
"Sana matapos na ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi kasama tayo sa puwedeng mamatay."
"Tama, pero mangyayari lamang 'yun kung magpapabaya tayo. Kaya nga kita isinama 'di ba?" Dahil sa sinabing 'yun ni Jack ay natauhan ako.
"Tama ka. Pumayag ako dahil sa kagustuhan ko."
"Uh, teka Nicky nasa 'yo 'yung mga nakuha mong litrato tama?" Tumango ako para ipaalam na nasa akin.
"Puwede ko bang makuha? Ipapadala ko na sa kanila para mapag-aralan nila.Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa at binuksan ko ang gallery. Ipinasa ko iyon sa kanya. Tulad ng sabi niya ay ipinadala na niya ito sa mga kasama niya.
--
Dumating ang kinatatakutan naming mangyari ni Jack. Sa pagsapit ng kinabukasan, kaagad kasing kumalat na may namatay na dalawang lalaki sa magkaibang lugar. Aam ko na ang dahilan. Wala iyon sa sarili dahil nakilala ko ang mga namatay na kaklase namin.Labis akong kinabahan ng mga oras na iyon dahil alam ko na kami na ang susunod. Ang bilis ng bawat pangyayari kaya maghapong nag-analyze si Jack at pinagtugma-tugma ang lahat. Minarkahan na rin niya 'yung dalawang lalaki na kamamatay lang. Dalawa na lang kaming natitira.
Alam kong kami na ang huli pero hindi ko masabi kung sino sa amin ang mauuna kaya sa pagbalik ko sa dorm ni Jack ay may hinala na siya. May ideya na siya sa nangyayari kaya minadali ko ang pakikipag-usap sa kanya.
"Nicky, alam ko na! Isa itong sumpa," taranta niyang sabi. Hindi pa ako nakakaupo pero gano'n na ang sumalubong sa akin.
"Sumpa?"
"Oo, sinabi ko kasi sa kanila na isa-isang namamatay ang lahat ng kasama sa picture. At may pattern ito. Kaya alam na agad nila na sumpa ang bumabalot na misteryo sa school natin," salaysay ni Jack.
Napahawak ako sa baba ko at sandaling napaisip. Pamilyar sa 'kin ang kuwentong iyon ni Jack. Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni kuya June.
"Sandali, Jack! May naalala ako." Naupo siya sa kabilang upuang kaharap ko. "May kinuwento sa amin si Kuya June noon. May kinalaman 'yung sumpa roon."
Nagliwanag ang mukha ni Jack na halatang interesado. Nakatutok ito at naghihintay ng kuwento ko.
"Linggo noon nang magsauli kami ni Jay ng libro sa library. 'Yung araw ding 'yun ay umulan nang malakas. Sa 'di kalayuan ay may napansin kaming isang babae. Maitim 'yun pero alam na babae 'yun." Huminga muna ako bago nagpatuloy. "Doon ikinuwento ni Kuya June ang tungkol sa babae. May namatay raw na babae sa school at nakikita rin niya ito minsan. Ikinuwento rin niya ang tungkol sa sumpa. Pero sa dulo ay sinabi niyang kuwento lang daw 'yun."
"Hindi 'yun kuwento o sabi-sabi," depensa ni Jack na halatang nag-iisip.
"Sinabi rin ni Kuya June na namatay raw ang babae roon sa abandonadong CR. Sabi pa nito na bago raw mamatay ang babae ay isinumpa niya raw 'yung buong building na iyon bago mamatay sa CR."
"Tumpak ang mga sinabi mo at tumutugma sa sinabi ni tito." Napaisip ako sa sinabing 'yun ni Jack.
"Sino naman 'yung tito na 'yan?"
Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. "Hehe, oo nga pala hindi ko pa nasasabi sa 'yo. Siya 'yung lagi kong tinatawagan."
"Ahh ganun?"
"O sige ituloy mo pa."
Bumiwelta ako bago magpatuloy. "Tapos pangalawang araw ng pasukan doon sa mismong CR na 'yun ay may naramdaman ako."
"At 'yun 'yung araw na nakita kita. Naramdaman ko rin 'yun doon mismo Nicky."
"Talaga?" takang tanong ko sa kanya. Naramdaman niya rin pala.
"Oo, at hindi ko pinaalam sa iyo 'yun."
"Mukha nga dahil ngayon ko lang nalaman."
"Oo at mukhang sa mga kuwento mo ay may hinala na ako na ang CR na 'yun at ang buong hallway ay may sumpa," anas nito na nakahawak sa baba niya.
Unti-unti naming napagtugma ang lahat kaya itinawag muli ni Jack ang lahat ng bagong impormasyon sa tito niya.
BINABASA MO ANG
Room Curse
HorrorThings you do not expect. At first you are just an innocent person and only you know there is a lesson. You don't even care about things that are, scary, paranormal or supernatural scene. All you know about each passing moment is to think about what...