Sandaling natahimik ang kanilang school dahil weekend. Naging abala pa rin ang mga kaguruan sa talagang nangyayari. Hindi pa rin kasi nila matanggap ang sunod-sunod na namatay sa mismong school nila.
Kaya nadismaya sila na baka sugurin sila ng mga magulang at maging dahilan iyon para magsara ang kanilang paaralan.
Nicky's POV
Sa buong weekend namin ni Jay ay nagbago siya. 'Yung dati na maingay pero masayang kasama ay naging tahimik at laging seryoso. Lagi na lang itong nakaupo habang hawak-hawak 'yung litrato nu'ng namatay na babae at iba pang nakuha sa pinangyarihan nito.
Lagi rin itong lumalabas ng dorm. Tatambay sa may maliit na kubo sa harap at matamang nagmamasid sa dorm ni Jack. Desidido talaga siya na may kinalaman si Jack sa lahat ng nangyayari.
Lahat 'yun ay napansin ko kay Jay. Dalawang araw lang. Linggo ngayon kaya wala kaming pasok. Hindi rin kami nakapaggala at nakapanood ng basketball sa kabilang kanto na lagi naming ginagawa tuwing hapon.
Pero pinabayaan ko lang iyon kasi ang intensiyon lang naman niya ay makatulong at masagot ang misteryong nangyayari sa paaralan namin. Handa ko naman siyang tulungan kung kailanganin niya ako.
Kinabukasan, gano'n pa rin si Jay. Nauuna siya sa paglalakad na may seryosong mukha. Wala rin itong imik. Nasa likuran niya lang ako habang pinagmamasdan siya kaya alam ko lahat ng kilos niya.
"Jay, ang seryoso mo naman," pagtawag ko ng pansin sa kaniya. Kasi ang tahimik niya talaga e. Lumingon naman siya sa akin.
"Pasensya na, Nicky. Tingin ko kasi e may magaganap na naman ngayon. Simula roon sa nasaksihan ko na namatay 'yung kaklase natin, binabagabag ako ng aking konsensya. At tuwing papasok tayo, 'di ko maiwasang mag-alala na baka may mangyari na naman," simangot nitong mukha.
"Oo nga, kahit ako rin naman. Kasi sa mga nakita ko, mukhang sapat na 'yun para mas kabahan pa ako sa susunod kung meron. Pero sana naman wala."
Muling bumalik si Jay sa unahan ma kaniyang nilalakaran. Nakatingin lamang siya sa malayo.
Pagdating namin sa school ay wala ng masiyadong makikita sa labas na estudyante. Napakalaki na ng ipinagbago ng paaralan namin. Wala na rin 'yung mga volleyball player sa gym na tuwing umaga ay nakikita namin.
Pagpasok sa gate ay walang alinlangan na tumambay pa. Kung gusto ay sa bawat classroom na lang. O kaya sa canteen o library. Dahil natatakot na sila na baka hindi nila alam ay isa na sila sa susunod na mamatay.
Alas syete y medya, dumaan kami sa shortcut ni Jay sa hallway na may abandonadong CR para mabilis makarating sa classroom nila. Pero katulad ng kanina ay tahimik pa rin siya. Mayamaya ay nakasalubong namin si Lila.
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Kinawayan ko siya nang marahan. Pero nakatingin lamang siya sa unahan at hindi ako pinansin. Parang galit.
"Huh! Anong problema nun?" bulong ko na lang sa sarili ko. Itinigil ko ang pagkaway at nagdire-diretso sa room.
Tama ako dahil nandoon silang lahat. Doon na nila napiling tumambay at magkuwentuhan. Napansin ko rin si Jay na lumingon sa kinauupuan ni Jack. Pero wala pa ito sa upuan niya. Kaya hindi na siya tumingin pa at nagdire-diretso na lang sa pag-upo.
Hanggang sa pasimulan na ang pagdarasal bago ang klase para sa umagang ito. Napansin kong wala pa rin si Lila sa upuan niya simula nang makita ko siya kanina sa hallway. Hanggang sa lapitan ako ng isa sa mga kaibigan niya.
"Nicky, nakita mo ba si Lila? Kanina pa siya wala e. Nagpaalam lang 'yun na mag-si-cr e. Pero hanggang ngayon wala pa," saad nito na bakas ang pagaalala.
"Kanina nasalubong namin siya nung papasok kami. Hindi pa nga ako pinansin e. Galit ba siya sakin."
"Galit? Bakit? Kanina lang e ikaw yung hinihintay nun."
At kibitbalikat ko na lamang siyang tinugunan. Hanggang sa magpaalam ito na sa teacher namin. Para lumabas at hanapin si Lila. At pinayagan naman ito.
Mabilis itong nagtungo sa pinto. At luminga-linga sa kaliwa't kanan. Sakaling pabalik na si Lila. Pero wala. Kaya tuluyan na itong lumabas.
"Okay class. Mamaya na tayo mag-uumpisa habang wala pa 'yung dalawa," pagsasalita ng guro namin na nakaupo sa unahan.
Panay din ang tingin ko sa pinto, nagbabakasakali na dumating na sila. Kinakabahan talaga ako sa mga oras na iyon.
"Nicky wala pa rin si Jack," saad ni Jay.
"Oo nga wala rin siya."
"Hindi kaya—" Nagkatinginan kaming dalawa at mabilis na tumayo para magpaalam na lalabas. Mabilis na tumakbo ang dalawa. Pabalik at muling dumaan sa shortcut.
"Hindi kaya magkasama sila?" hingal na sambit ni Jay.
"Bakit naman?"
"Ewan ko pero kutob ko lang."
Mabilis kaming tumakbo at bumpaba sa hagdan. Hanggang sa makarinig kami ng pagtawag.
"Lila!"
Pamilyar sa 'kin ang boses at lalo na 'yung tinawag niya. Siya 'yung kaibigan ni Lila. Pero bakit? Ano'ng nangyari? Hanggang sa makalapit kami. Nakita ko ang kaibigan niya na nakatingala. At bakas sa mukha nito ang takot.
"Lila!"
Hindi ko nagustuhan ang nakita ko pagtingala ko. Si Lila na nasa roof top. Mukhang tulala ito na nakatayo sa gilid ng roof top. Hindi ko rin gusto ang nasa isip ko. Na baka ay tumalon siya.
"Lila, 'wag!" sigaw ko na rin. Pati rin si Jay ay nakisigaw.
Napansin kami ng ibang nasa room kaya nagsipaglabasan silang lahat. Ngayon nga'y magkakasama na kaming nakatingin kay lila.
Nang sa isang banda ay may nakita kami ni Jay. Si Jack. Sa isang gilid. Habang nakatanaw din sa kinaroroonan ni Lila.
Dahil doon ay mabilis kong binawi ang tingin ko kay Jack. At mabilis na tumakbo paakyat sa roof top. Nagbabakasakali akong mailigtas ko siya.
"Teka Nicky sandali. Saan ka pupunta?" sigaw ni Jay na binalak akong pigilan. Pero huli na dahil ang layo ko na sa kaniya.
Magkahalong takot at kaba ang nadarama ko noon habang mabilis na inaakyat ang fifth floor ng school namin. Hindi ko na inisip ang taas noon. Ang nasa isip ko lang ay mailigtas siya. Tulad ni Mariel ay tulala lamang ito. At hindi pa oras para mahulog ito.
"Hindi."
"Huwag"
"Huwag naman siya."
Mga salita na nabuo sa isip ko habang mabilis na inaakyat ang hagdan pataas. Hanggang sa marating ko na ang tuktok. Nakita ko siya roon na nakatayo. At oras na para tumalon ito.
Ihahakbang na sana nito ang isa niyang paa nang hagipin ko ang kamay niya at sabay hila. Sa lakas ng pagkakahila ko ay napasandal siya sa dibdib ko at bumagsak kami sa sahig. Hindi pa roon natapos ang paghihirap niya at nagkikikisay pa siya. Hinigpitan ko ang kapit sa kaniya hanggang sa mawala ang panginginig ng buong katawan niya.
Tamang-tama dahil sumunod sina Jay at ang iba pa para tulungan ako. Pinagtulungan namin si Lila na buhatin at dalhin sa clinic dahil nawalan ito ng malay.
Todo ang iyak ng kaibigan ni Lila sa pangyayaring iyon. Walang tigil siyang nagpasalamat sa akin.
Pinabalik muna kami sa classroom at doon muna naghintay. Ang kaninang naantalang aralin ay natuluyan nang natigil. Lahat kami ay nakaupo lamang habang ako ay may kaunting hingal pa habang may hawak na mineral water na binili ni Jay.
Hanggang sa pumasok si Jack sa pinto. Lahat kami ay napatingin sa kaniya. Napatingin ako kay Jay at nakita kong ikinuyom nito ang palad niya.
BINABASA MO ANG
Room Curse
HorrorThings you do not expect. At first you are just an innocent person and only you know there is a lesson. You don't even care about things that are, scary, paranormal or supernatural scene. All you know about each passing moment is to think about what...