Part 17. Unconcious

9 3 0
                                    

Nicky's POV.

Balisang-balisa ako habang nakasunod sa mga doctor at nurse na nagtutulak sa stretcher. Pilit kong nilalakasan ang loob ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Hanggang sa makalayo na sila at pumasok sa OR ay sakay ng stretcher si Jay. Walang malay, duguan. Sinugod namin siya ni Jack dito sa malapit na ospital dahil agaw-buhay siya nang aming madatnan.

Hindi talaga ako makapaniwala dahil wala man lang akong nagawa bilang kaibigan niya. Nakaupo ako sa may upuan sa tabi habang ipinagdarasal na sana ay maging maayos si Jay. Magkadikit ang mga palad ko at nanginginig. Kitang-kita ko kung paano siya bumagsak sa harap ko. 'Yung kaawa-awa niyang mukha na naliligo sa sariling dugo. Talagang nakapanlulumo.

Sa sobrang kaba ko ay tila mawawasak ang dibdib ko sa kaba. Buti na lang at kasama ko si Jack. Gusto ko nang umiyak pero pinigilan ko. Dahil hindi rin naman mapapagaling ng mga luha ko ang kalagayan ngayon ni Jay.

Naghihintay lamang kami ni Jack sa labas ng OR dahil hanggang doon lang kami. Ang mga doktor na ang bahala kay Jay sa loob.

Hindi ako mapakali sa labas. Upo't tayo ang ginagawa ko para kumalma. Lakad dito, lakad roon na nag-uutos sa 'kin na dapat kong gawin para kumalma. Samantalang si Jack ay nanatiling nakaupo. Halata rin sa mukha niya ang kaba at pag-aalala. Talagang tahimik lang siya at hindi nagpa-panic. Hindi rin talaga siya makapaniwala na si Jay na ang susunod. Dahil nasa akin ang class picture at ako na ang nakakita.

Flashback

Kasalukuyang malakas ang ulan sa labas at may malalakas na kulog at pag-kidlat. Nabitiwan ni Nicky ang hawak na class picture at natutula. Nakita niya kasi na 'yung tatlong katabi ni Jay. Ibig sabihin ay susunod na itong mamatay. Kaya mabilis itong lumabas at tumakbo nang mabilis pabalik sa dorm.

Samantalang pinulot naman ni Jack ang picture. Nagulat din ito sa nakita at hindi na napaghandaan na si Jay na ang susunod. Mabilis din itong tumakbo at sumunod kay Nicky.

Pagbukas ni Nicky ng pinto ay nagkalat na ang dugo. Bakat ang dugong hugis-kamay sa pader. At si Jay na nasa isang sulok na inuuntog ang ulo sa pader. Sobrang dami na ng dugo sa ulo niya. At kulay maitim-itim na ito. Nang makita ito ni Nicky ay sobra niya itong ikinagulat.

"Jay! Hindi Jay! Jay! Tama na," pagpipigil nito sa kaibigan.

Pero talagang wala na ito sa sarili. Kaya niyakap na lang niya ito para hindi na muling iuntog ang ulo sa pader. Hanggang sa mawalan na ito ng malay. Marami na'ng nawalang dugo sa kaniya kaya hindi na nito nagawang kumawala. Bumagsak na ito sa harap ni Nicky.

Mabilis na tumawag ng ambulansiya si Jack habang pinipigilan ni Nicky si Jay. Kaya pagpasok nito ay naabutan niya si Nicky na hawak-hawak ang ulo ni Jay. Nilagyan pa niya ito ng mga pinunit na damit para tumigil ang pagdurugo. Pero wala ng malay si Jay. At tila bumabagal na rin ang tibok ng puso nito.

Wala pang tatlong minuto ay dumating na ang ambulansiya. Mabilis nilang isinakay si Jay sa stretcher. Lulan sila ng ambulansiya. Habang binibigyan ng pati-unang lunas si Jay. Si Nicky naman ay balisa at hindi alam ang gagawin. Natahimik na lamang ito sa tabi. Habang pinagmamasdan ang kalunos-lunos na sinapit ng kaibigan.

Hanggang sa marating nila ang pinakamalapit na ospital. At doon ay mabilis nilang binaba ang pasyente.

Kasunod pa rin si Jay. At pinilit na pinapakapit si Jay. Tumulong na rin siya na itulak ang stretcher sa sobrang pag-aalala.

Kasalukuyan

Hindi pa rin mapakali si Nicky. At palakad-lakad parin ito. Kanina pa rin niya tinawagan ang magulang ni Jay. At anumang oras ay maaring dumating na ito.

Sandaling lumabas si Jack para bumili ng kape. Mukha kasing matatagalan pa ang operasyon. Not totally opera pero agaw-buhay kasi kaya kailangan maagapan ang pagdurugo.

Mula sa upuan ay inabutan siya ni Jack ng kape. At naupo sa tabi ni Nicky isang upuan ang pagitan.

"Alam mo, napakabuti niya at napakasayang kasama. Masayahing tao siya. Sa kaniya ko nga lang natutunan na maging masaya kahit na maraming problema e," saad nito habang nakatulala at malayo ang iniisip. Nakatingin lang sa kaniya si Jack. Pero may awa na ito sa mukha.

"Ayaw ko sa kaniya. Ayaw ko dahil sa maingay siya. O dahil makulit siya. Ayaw ko sa kaniya dahil matapang siya. Ginagawa niya kung ano ang mas ikagagaan ng loob niya." Napukaw nito ang pansin ni Nicky at nilingon si Jack.

At naalala nito ang sulat na ibinigay sa kaniya ni Jay. Kaya dinukot niya ito sa bulsa ng jacket niya. Kinuha niya ito bago s'ya umalis ng dorm para makipagkita kay Jack.

"Ito, ibinigay niya kanina sa 'kin. Alam niya sigurong may mangyayari sa kaniya kaya nagsulat na siya ng kung anuman ang nakasulat dito. Hehehe," mahinang tawa nito na naiiling pa. "Advance talaga mag-isip ang hibang na 'yun."

At napukaw ang atensyon ng dalawa. Lumabas na ang kanina pa nila hinintay. Ang doktor. Kaya kaagad na tumayo ang dalawa at lumapit sa doktor.

"Doc, kumusta po siya?" agad na tanong ni Nicky.

"Okay na siya." At nakahinga na ng maluwag si Nicky dahil sa sinabi ng doktor. "Pero nagkaroon siya ng severe concussion and he's still unconcious."

"Doc, ano po ang ibig sabihin nu'n?"

"Nagkaroon siya ng severe concussion dahil sa may ilang parte ng ulo niya ang may damage. Pero hindi naman gaano kalala. Pero umabot ito ng severe dahil malakas ang pagkakakalog ng ulo niya. Matindi siguro ang pagkakahampas ng ulo niya kaya ganu'n."

Nagkatinginan ang dalawa dahil alam at nasaksihan nila ang lahat.

"Doc, magigising pa ba siya?"

"Oo pero kung mild lang o moderate concussion maaaring two weeks or less ay magising na siya. Pero malala ang pagkakaroon niya ng bitak sa ulo. Pero hindi naman dahilan 'yun para mawalan siya ng alaala ko magka-amnesia siya. Sa kaso niya ngayon baka abutin siya ng 1 month bago siya tuluyang magising."

At nagkatinginan ang dalawa dahil sa sinbi ng doctor. Tila bumaon muli ang tinik sa lalamunan ni Nicky.

"Salamat doc," ani Nicky.

"Sige." Naglakad na ang doktor palayo.

Nasapo ni Nicky ang mukha niya. At muling bumalik sa pagkakaupo.

"Paano ko kaya sasabihin ito sa mama niya?"

"Tinawagan mo na ba?"

"Oo kanina pa." Ilang oras pa ang lumipas ay dumating na nga ito.

Taranta iyong nagmamadali na lumapit sa kinaroroonan ng dalawa.

"Nasaan ang anak ko?!" alala nitong saad malayo pa lang. Kaya tumayo na ang dalawa.

"Nasa loob po. Kakatapos lang ng operasiyon sa kaniya," paliwanag ni Nicky. Kinakabahan ito habang kaharap ang mama ni Jay. Dahil sa ina iyon ni Nicky. At alam niya na mahal na mahal ito ni Nicky.

Bigla na lang iyong umiyak. Kaya inalalayan ito ni Nicky. At hinaplos ang likod.

At nang kumalma ay kinuwento ni Nicky ang lahat. At tila hindi ito makapaniwala. Sa tuwing humahaba ang kwento ni Nicky ay patuloy ang pagluha nito. At lalo pang umiyak nang ibigay ni Nicky ang sulat at mabasa ang nasa loob nito. At lalo itong nagdamdam. Dahil sa mga nakasulat doon.

Room CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon