Part 24. Escape

9 3 0
                                    

Hingal sa pagtakbo sina Jack at Lila habang nakapasan sa likod ni Jack ang walang malay na si Nicky. Nais nilang mailayo si Nicky sa lugar na 'yun sa lalong madaling panahon.

Hindi sila dapat makapante dahil tulog si Nicky dahil maaari itong magising ng anumang oras. Sa paggising nito ay maaring mayroon pa rin itong sumpa.

Sa katahimikan ng gabi ay sobrang lakas ng hangin. Tila ayaw silang paalisin nito. Pero ilang layo na lang ang pagitan nila sa gate at makakalabas na sila.

Pero hindi pa du'n natatapos ang kalbaryo nila dahil nagising si Nicky. Hanggang sa hampasin nito si Jack sa likod kaya napasubsob ang lalaki sa lupa. Napasigaw naman si Lila sa gulat.

Tumayo si Nicky mula sa pagkakabagsak at tila nangalay ang leeg nito. Kaya inikot niya ito na may nagpuputukang buto. Mula sa pagkakatalikod kay Lila ay bigla itong lumingon na may matatalim na tingin.

Kulay puti na naman ang mga mata nito at langitngit ang ngipin. Mukhang hindi pa tapos ang sumpa kay Nicky.

Samantalang si Jack naman ay gumapang sa sakit ng pagkakahampas sa kanya ni Nicky kaya pilit itong gumagapang at bumabangon. Hanggang sa pumulot si Nicky ng bato at akmang hahampasin si Jack nang dampahan siya ni Lila sa likod at pigilan ang mga kamay nito sa masamang balak.

"Nicky, tama na!"

Pero malakas si Nicky kaya wala siyang nagawa kundi itapon siya ng lalaki sa tabi.

Dahil sa ilang segundong pag-aagawan ay nakatayo na si Jack. Ngayon ay nakaharap na ito kay Nicky. Walang maisip na gawin si Jack, kundi labanan si Nicky. 'Yun na lang kasi ang tanging magagawa niya. Wala naman siyang balak na patayin ito.

Kaya nagbuno ang dalawa. Ilang sapak ang tinamo ni Nicky mula kay Jack, pero tila hindi ito tinatablan ng mga suntok.

Hindi makapaniwala si Jack sa kaniyang nakikita. Para lamang siyang sumusuntok ng punching bag. Dahil kahit anong gawin niya ay wala pa ring epekto kay Nicky ang lahat ng tinamo nitong suntok mula sa kaniya.

Hanggang sa mahuli siya nito at sakalin. Sa sobrang lakas ni Nicky ay naiangat niya si Jack hawak lamang sa leeg.

Wala nang magawa si Jack kundi tanggapin ang katapusan niya sa kamay ng walang alam na kaibigan. Pero hindi pa roon nagtatapos ang lahat dahil tumulong pa si Lila. Hinampas-hampas niya si Nicky ng bag hanggang sa mabitawan nito ang hindi makahingang si Jack. Siya naman ang napagbalingan nito. Sinakal din siya ng lalaki.

Wala nang magawa si Jack kundi mamalipit sa sakit ng leeg. Habang binabawian ni Nicky ng hininga si Lila.

Mawawalan na sana ng malay si Lila at tuluyang makatulog nang may kumabig sa kamay ni Nicky mula sa likod at puluputan ng sagradong lubid sa leeg. Dahilan para mabitawan nito si Lila.

Matapos paluputan ay akma nitong sasaksakin si Nicky nang muling makapagsalita si Jack.

"Huwag! T-Tulungan mo siya," hinang-hina na saad nito.

"Alam ko, Jack. Sinisigurado ko lang kung papalag pa siya," saad ng isang lalaki. Pero si Nicky ay hindi na makagalaw hanggang sa muling mawalan ng malay.

Tuloy-tuloy naman ng pag-ubo si Lila dahil sa pagkakasakal sa kaniya ni Nicky. Matapos mahimatay ay tinulungan ng lalaki na tumayo si Jack. Ibinigay nito ang dahilan ng sumpa at mga pagpatay – ang ID ng babae at picture.

"Salamat, tito," hinang saad ni Jack sa lalaking dumating. Nginitian lamang siya nito.

Binuhat nito si Lila. Si Jay naman kay Nicky. Isinakay nila ito sa sasakyan at dali-daling dinala sa ospital.

Lulan na sila ng sasakyan patungong ospital pero wala pa ring malay si Nicky. Samantalang unti-unti ng nakaka-recover si Lila.

"Muntik na kayo do'n uh," saad nito pero nakatuon ang atensiyon sa unahan ng kalsada.

"Buti na lang dumating ka, tito. Paano mo nalaman?"

"Pumunta ako sa dorm mo pero wala ka na roon." Tumingin ito sa salamin sa harap kay Jack. "Tanda mo 'yang relo mo na binigay ko?" Napatingin si Jack sa relo sa braso. "May GPS diyan na nakalagay kaya natunton kita."

Dahil doon ay nagpakawala ng buntong-hininga si Jack. Naisugod nila sa ospital si Nicky. Mabilis na isinakay si Nicky sa stretcher at sinugod sa ER. Iniwan nila si Nicky kay Lila at nagpaalam na aalis.

Mabilis na sumakay sina Jack at ang tito niya sa sasakyan. Nagtungo sa dorm ni Jack. Naghanda sila ng drum at mga papel. Ganoon din ang gas at ang lighter.

"Para maputol ang sumpa, kailangan mawala ang dahilan nito," sambit ng tito nito at inihagis ang ID sa nagniningas na apoy. Pinanood nila ito na maabo hanggang sa mawala. Isinunod din nila ang class picture para sa pinakahuling sumpa at para mapayapa ang mga taong nasa litrato.

Matapos nilang gawin lahat iyon ay biglang humangin nang malakas. Sa sobrang lakas ay hinahawi nito ang mga dahon sa lupa at mga makakapal na dahon ng puno't halaman na tila papaalis paitaas. Hanggang sa hindi na nila naramdaman ang malakas na hangin.

Sa puntong iyon nalaman ni Jack ang puno't dulo ng lahat sa tulong ni Nicky at hindi sa tulong ng tito niya.

"Nice, Jack. Nagiging magaling ka na," ngiti nito at ginulo ang buhok ng pamangkin.

Matapos noon ay nag-impake na si Jack dahil muli na silang babalik sa ibang bansa kasama ang tito niya. Ganap na paranormal hunter na kasi si Jack kaya tutungo naman sila kung nasaan may misteryong nagaganap.

Pero bago 'yun ay nagpaalam muna si Jack na dalawin sina Jay at si Nicky. Kahit pinagbintangan siya ni Jay ay para sa kaniya ay parte iyon ng misyon.

Mag-isa siyang pumasok sa kwarto ni Jay at kinausap ito. Nag-iwan din ito ng sulat patungkol sa ginawa ni Nicky para sa kaniya. Gano'n din ang dapat nitong gawin para sa mga magulang ni Nicky. Nais kasi ni Jack na siya mismo ang magsabi nang harapan sa mga magulang nito upang hindi na lumala pa ang lahat.

Lahat ng dapat ibilin ay nagawa na ni Jack bago niya lisanin ang kuwarto ni Jay. Pero bago ang lahat ay nagbungguang-kamao muna sila tanda ng usapang lalaki. Umalis si Jack ng may ngiti sa labi.

Room CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon