Natigil sa pagkukuwentuhan ang dalawa nang manakit muli ang kaliwang mata ni Nicky. Sa sakit nito ay nagpagulong-gulong na ito sa lupa.
Labis naman ang kaba ni Jack. Ang unang pumasok sa utak nito ay umeepekto na ang sumpa kay Nicky. Kaya dali-dali siya kumuha ng lubid. Akmang tatalian si Nicky nang tumanggi ito.
"Huwag..." Malalalim ang paghinga nito. Hindi na... Mauna ka na."
"Huh? Hindi puwede. Paano ka?" nakahawak lamang ito sa likod ni Nicky.
"Hindi, kaya ko na ang sarili ko. Mauna ka na habang kaya ko pang tiisin 'to."
"Di ba sabi mo magkasama tayo per—"
Natigilan ito dahil sinigawan na siya ni Nicky.
"Sige na, Jack! Kung sasamahan mo pa ako baka hindi natin makuha 'yun. Kaya habang kaya ko pa ay umalis ka na. Sige na," pagmamakaawa nito.
Nakatitig lang sa kanya si Jack. Sahil wala na ang mga kamay ni Nicky sa kaliwang mata niya. Nakita nito na kulay puti na ang kaliwang mata nito.
"Nicky, ang mga mata mo?" Kinuha ni Nicky ang cellphone niya at nagtungo sa camera. Doon ay nakita niya na nilamon na ng puting kulay ang mata niya kaya tinapon nito ang cellphone sa inis at tumayo.
"Sige na. Iwanan mo na ako, Jack. Tapusin mo na 'to." Naglakad na ito taliwas sa direksyon ni Jack. Pigilan man ni Jack ay tila ayaw gumalaw ng mga paa niya kaya wala na siyang ginawa kundi ang tumakbo patungo sa abandonadong CR.
Mabilis ang kanyang pagtakbo pero naririnig pa rin niya na dumadaing pa rin si Nicky. Pinipilit pa rin niyang ituloy ang plano habang naririnig na naghihirap si Nicky.
Mabilis niyang binuksan ang abandonadong CR. Doon ay nakita niya ang isang kopya ng class picture sa sahig. Nakita niya rin ang loob ng abandonadong CR. Sobrang dumi at ang daming ipis. Bakas pa rin dito ang dugo na kulay itim na.
Halata din 'yung bakat nu'ng ulo ng babae. Sobrang dami ng sapot at alikabok kaya kinilabutan si Jack. Pero pansin niya na hindi na niya naririnig si Nicky kaya minadali niya ang pagkuha sa picture. Palabas na siya ng pinto nang mapansin ang isang bagay sa tabi ng lababo. Isang bagay na may ID lace kaya kinuha niya ito kahit luma at alikabukin na. Mabilis ito na tumakbo palabas.
Nilagay ni Jack ang nakuha niya sa bag at mabilis na nilisan ang abandonadong CR. Sa pagtakbo niya ay biglang humangin nang malakas. Nakita niya si Nicky sa hagdan kung saan siya bababa.
"Nicky, nakuha ko na." Ipinakita nito ang class picture. Subalit wala ng imik si Nicky at pagtingin niya rito ay wala na ito sa sarili. Puti na rin ang dalawang mata ng binata.
Sa gulat ni Jack ay napaupo siya kaya tumakbo ito sa kabilang hagdan. Pansin nito na nakasunod sa kanya si Nicky kaya binilisan niya ang takbo. Pero mas ikinagulat niya ang nakita niya sa kabilang hagdan. Isang babae na nakaitim at mahaba ang buhok. Sa sobrang takot ni Jack ay nadapa ito. Bukod sa babae ay palapit na rin ang wala sa sariling si Nicky kaya wala na siyang magagawa.
Mabilis niyang iniangat ang katawan at tumakbo paakyat ng roof top. Wala na siyang pagpipilian kundi ang magtago sa taas. Kaya ibinuhos ni Jack ang lahat para makarating siya agad sa roof top.
Pagdating niya sa taas ay nagtago ito sa isang pader sa likod ng pinto. Pilit sinisilip kung nakasunod pa rin sa kaniya si Nicky pero wala. Kaya nakahinga siya kahit kaunti pero hindi pa rin siya lumabas. Patuloy siyang tumago. Sinisilip pa rin nito na baka sumunod, pero wala talaga. Kaya makakampante na sana siya nang lumabas ito sa likod niya.
Sa sobrang gulat niya ay napahiga ito at nakahigang umaatras.
"Nicky, labanan mo." Pilit nitong sinisigawan si Nicky bakasakaling matauhan pero balewala.
Hanggang sa sunggaban siya ni Nicky at sinakal siya. Pumalag si Jack pero malakas si Nicky kaya agrabyado siya sa pakikipagbuno. Pero nang makakuha ng tamang puwesto ay sinapak niya ito sa mukha. Dahilan para mabitawan siya ni Nicky. Tumayo si Jack at tumakbo. Dumungaw siya sa gilid ng roof top pero mataas at madilim sa baba. Pero hindi niya inaasahan ang dumarating. Isang may ilaw ang mabilis na tumatakbo at pumasok ito ng building. Kaya sumigaw si Jack para marinig siya nito.
At hindi pa talaga tinigilan ni Nicky si Jack. Hinabol pa rin siya nito. Nang ma-corner siya ay napataas na lang ng lalamunan na halatang kinakabahan. Akma siyang hahampasin nito ng kahoy mula sa tabi ay biglang may sumigaw.
"Nicky!" boses ng babae na nagmumula sa pinto kaya tumigil sa paggalaw ang dalawa.
"Lila, bakit nandito ka?" sigaw ni Jack na nakahiga sa sahig. Pero imbes na matakot ay patakbo itong lumapit kay Nicky.
"Nicky, tama na. Tumigil ka na," sigaw nito dahilan para makuha niya ang atensyon ni Nicky. At humarap sa kaniya.
Hanggang sa makalapit ni Lila at biglang niyakap si Nicky. Nakatitig lang sa kaniya ang binata.
"Tama na Nicky. Alam mo kung ano? Gising na si Jay. Fusto ka niyang makita," mahinahong saad nito habang nakasandal ang ulo sa dibdib ng binata.
"Lila, bakit?" takang saad ni Jack. Hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Lila. Pero tila hindi nagbago si Nicky. Mas lalong nagwala ito at itinulak si Lila.
Sigaw ito nang sigaw habang nakahawak sa ulo. Biglang napasubsob ito sa sahig. Napansin din ni Jack na nawala na ang pamumuti ng kanang mata ni Nicky. Pero tila iniinda nito ang kaniyang ulo. Sa sobrang pananakit ay nagpagewang-gewang ito habang nakahawak sa ulo. Inuuntog na rin nito ang ulo sa semento sa sobrang sakit.
Kaya pinigilan ng dalawa ito. Pero nanlalakas pa si Nicky sa sobrang sakit ng ulo. Hanggang sa tumigil ito. Hingal at pawis ang natamo ni Nicky. Hanggang sa muli itong tumayo at naglakad palayo. Humarap ito sa kanila na may maamong mukha. Nginitian nito ang dalawa at umakyat sa may tabi ng roof top. Sa utak ni Nicky ay pinipigilan niya. Pero ang katawan niya ang kumokontrol sa kaniya.
"Nicky 'wag!" sigaw ng dalawa pero nakangiti lang sa kanila ito. Nabasa na ni Jack ang mangyayari kaya mabilis itong tumakbo palapit sa binata. Iyak naman nang iyak si Lila.
Sa daloy ng hangin ay inalay na ni Nicky ang katawan niya para ihulog ang sarili sa building pero nahawakan siya ni Jack. Kasalukuyang nakasabit si Nicky sa fifth floor ng building habang hawak siya sa mga kamay ni Jack. Mula sa kaninang umiyak at nakatayo ay mabilis na lumapit si Lila upang tulungan si Jack.
Hinila nila si Nicky para hindi mahulog at napagtagumpayan nila ito. Naiakyat nila si Nicky pero wala na itong malay. Kaya dali-daling binuhat ito ng dalawa pababa at isinugod sa ospital.
BINABASA MO ANG
Room Curse
Kinh dịThings you do not expect. At first you are just an innocent person and only you know there is a lesson. You don't even care about things that are, scary, paranormal or supernatural scene. All you know about each passing moment is to think about what...