Hennessy's
"Ma'am available po si santos." Kuya champ's secretary said at may kasama siyang lalaki. "Good afternoon po." Bati saakin noong kasama niya.
"Gusto ko kasi sana ma unlock yung cellphone na hindi nabubura yung laman. Is that possible?" I asked him. "If it's okay, check ko po muna ma'am yung phone kung kaya po na hindi mabubura yung laman kasi may mga phone po na hindi pwede yung ganoon." He explained.
"Sure." I hand him my phone. Tinitigan ko iyong dating secretary ni Jack. Ang ganda talaga ng eyes niya sobrang light ng color.
"Ang light talaga ng color ng eyes mo. May lahi ka?" I asked her. Nailang naman siya dahil pangalawang beses ko na ngayong araw ang pag puri sa mata niya. "Salamat po. O-opo ma'am." She said.
"Ganyan talaga iyan ma'am, mahiyain. Kahit pa po dati pag pinupuri niyo iyan ay nanginginig iyan sa hiya, hindi po ba?" Natawa naman iyong santos sa sinabi niya. Napataas ang kilay ko. So napansin ko na siya before?
"Nemesis, if it's okay i just want to ask you some questions." I said to her. "Anything po, ma'am." She answered.
"How's Jack as a boss sa iyo? Don't worry i'm not gonna tell him." I smiled at her.
"Medyo suplado po p-pero mabait naman po. Tahimik lang din po siya madalas." Iyon lang ang nasagot niya. "How is he treating me kapag nandito kami sa office? I know this is a weird question but i just want to know." I said to her.
"Protective po masyado si sir sa inyo ma'am hindi po ba? Noong may inabot po sa inyo si Santos na flowers ay rinig ko po ang gulat noon mula sa office niyo hanggang sa labas. Kay sir Hero lang naman po iyon pumapayag na makalapit sa inyo." She smiled at me. "F-flowers? From who?" I asked her.
"Santos, sino nga pala iyong nag paabot sayo ng flowers para ibigay kay ma'am?" She asked him. Napatingin naman siya sa gawi namin.
He smirked. "Ma'am, sorry but i still can not tell you. Diba po ay sinabi ko sa inyo dati na kahit sesantihin niyo pa po ako ay di ko po pwede sabihin. Sabi po noong nag papabigay ay kukunin daw po niya ako para mag trabaho sa kanila kapag natanggal po ako dahil sa hindi pag sabi sa inyo." He smiled at me.
"R-really?" I asked him. Iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Hindi nga sila aware na nawalan ako ng ala ala.
"Biro lang po ma'am. It's been years kaya sigurado naman po ako na okay lang na sabihin ko." "So sino?" I asked him.
"Si sir Chad po. I forgot the surname, ma'am pero kalat po sa building na anak iyon ni sir Juan Ponce." He said. So chad talaga ang pangalan noon.
"Paka chismoso mo." Kantyaw ni Nemesis sa kanya. "I-it's okay. W-where is he now? Alam niyo ba kung nasaan na siya ngayon?" I asked them.
"Huling balita ko doon ma'am ay matagal na din. Simula noong pumunta ulit kayo sa greece ay nawalan din ako ng balita sa kanya." Santos said.
"Ang alam ko naman po ay bankruptcy ang dahilan kaya nawala sila bigla. Mga Simoune po yata ang dahilan kung bat sila na bankrupt." Nemesis said. "Mga simoune? Sila Augustus? Bakit naman nila gagawin iyon?" I asked them at nag kibit balikat nalang sila.
Parang gusto ko tuloy maka usap si Augustus. Siguro ay makakatulong siya sa akin. I really want to know everything about me. Ang kaso lang ay matagal na kasi ang panahong lumipas simula noong nag usap kami. Ni hindi ko na nga maalala.