Hennessy's
Sa mga nangyari netong mga nakaraang araw ay parang mababaliw na ako.
I'm helping kuya Damon at kaming dalawa lang ang nakaka alam nuon. Medyo nag sususpetya si dad kaya dinamihan niya lalo ang bodyguards ko pero i dont care hindi ko iiwan ang kapatid ko.
Si jack naman ay sweet netong mga nakaraang araw. I know naman na that isn't a bad thing but his sweetness is giving me a strange feeling at na weweirdan ako. It seems like he's hiding something from me.
And chad..
Iniwan nya nanaman yata ako...
Wala siyang paramdaman nitong mga nakaraang araw. I asked angie kung nag punta ba si chad sa office ko but she said na wala daw nag pupunta sa office ko kahit si hero. Sinabihan ko kasi si hero na hindi muna ako papasok kaya hindi siya nag pupunta.
But chad..
Wala manlang text or any calls from him. I shouldn't be expecting na mag paramdam siya pero naman.. after all?
Lalo lang akong nanlulumo. Ayaw ko naman mauna mag text kay chad kasi sabi ni hero ay mag mumukha akong nag hahabol.
But i can't help it! Itetext ko na siya.
"Good morning! :)" i texted chad at wala pang isang minuto ay nag reply na siya agad na naging dahilan ng pag ngiti ko. See? Ang laki ng epekto niya sa akin.
"You're not mad? :\" sabi niya sa text at agad napa angat ang kilay ko.
"Why would i be mad?" Iyong ang last text ko sa kanya.
Kung sa tingin niya ay galit ako dahil doon sa kiss, ako na mismo ang mag sasabi sa kanya sa personal na i never regret anything that night.
Hindi siya nag reply at sa halip ay nakita ko ang pangalan niya sa lock screen ko. Agad agad kong sinagot ang tawag niya.
"G-good morning. A-aren't you supposed to be m-mad at me?" Sabi niya sa kabilang linya. Matamlay at malumanay ang boses niya.
"Bat naman ako magagalit sa iyo?" I asked him. Kahit wala sa posisyon ay Hindi ko mapigilan ang pag ngiti ko dahil sa sabik na makausap siya at marinig ko ang boses niya.
"W-wala. A-are you f-free? Gusto sana kita yayain kumain." Sabi niya at napangiti ako lalo. Everytime talaga na kausap ko siya ay nakakalimutan ko ang problema ko.
"Oo naman. Bakit parang malumanay ang boses mo? May sakit ka ba?" I asked him.
"W-wala akong sakit." Pero ramdam ko na nanghihina talaga siya.
"Ah mabuti naman. Iba kasi ang boses mo. Sige na ibababa ko na mamaya nalang." Sabi ko sa kanya
I was about to end the call pero nag salita siya.
"H-hennessy.."
"Hmm?"
"I m-missed you. Namimiss na kita.." My heart begins to beat really fast and i hope na hindi niya rinig iyon. Napangiti lalo ako ng sobra sa mga sinabi niya.
"Miss din k-kita no! Osige na babye na mamaya nalang!" Nag bye na din siya sakin at inendcall ko na yung tawag. Humiga ako sa kama ko at hindi mapigilan ang saya.
I can feel na he's smiling bago ko ibaba yung phone at di ko talaga mapigilan na hindi mapangiti. Nawala bigla yung tampo ko sa kanya dahil di manlang siya nag paramdam ng ilang araw.