Hennessy's
"Wag ka na mag tampo kay kuya Morgan. Let the time do their job at masasagot din lahat ng tanong mo." Kuya Champ said on the other line. Hindi ako umimik. I'm so tired of their riddles. If they really care for me, sasabihin nila sa akin.
I heard him blew out a sigh. "You gotta understand us, ayaw ka lang naming nasasaktan. There are some things na hindi mo na kailangan balikan para di mo na ulit maramdaman. Just be thankful na you are given a chance para mag simula ulit. I gotta go, i'll call you some other time."
I was about to hang up nang mag salita siya ulit. "Just always remember na Don't trust anyone. I love you. Take care always, bye." I ended the call nang wala akong sinasabi sa kanya. Masama ng loob ko.
Nag tatampo ako kasi imbis intindihin niya ako at sabihin ang totoo, mas kumampi pa siya kay kuya Morgan.
Napaisip ako bigla sa sinabi ni kuya Champ. "There are some things na hindi mo na kailangan balikan para hindi mo na ulit maramdaman." I don't know but i think may point siya. Pero gusto ko padin malaman. Ewan ko gulong gulo padin ako.
"Lalim ng iniisip natin ah?" Chad said at tumabi sa akin. Di ko siya pinansin at nag buntong hininga.
"Mamansin ka naman, sungit." Sinundot niya ang tagiliran ko kaya napaigtad ako. Pasaway talaga itong lalaking ito!
"Ano ba?" Inirapan ko siya. "Hindi ba't may pasok kayo ni seiji doon sa company ng daddy niya?" Hindi ko alam kung bat iritang irita ako sa paligid ko.
"Nag yasumi (leave/day off)ako para makasama ka. Wala kasi ako kahapon noong dumating ka galing pinas kaya gusto ko sana ngayon kaso tinataboy mo lang ako." Napaangat ang kilay ko sa sinabi niya. Is he serious? Why would he do that?
He was about to leave pero hinawakan ko ang kamay niya. "R-really? Why would you do that for me?" I ask him. Bumilis ang tibok ng puso ko nang tignan niya ako sa mata.
"Joke lang, red calendar ngayon!" At narinig ko ang pag hagikhik niya. Nabwisit lang ako lalo kasi wala ako sa mood para sakyan ang mga trip niya.
Inirapan ko siya at di pinansin. "Huy sorry na! Na miss lang kita kasi halos isang linggo din ako walang inaasar." Tumabi ulit siya sa akin.
"Miss mong mukha mo!" Inirapan ko siya ulit. "Ang sungit neto! Joke nga lang!" Di ko pinansin ang sinabi niya.
Medyo madaming tao ngayon sa store kasi red calendar nga pala. Tinititigan ko lang lahat ng customers mula sa second floor. I'm really thankful kasi hindi ko ineexpect na magiging successful iyong negosyo naming mag kakaibigan.
Naramdaman ko ang pag tayo ni Chad at pag alis sa tabi ko pero di ko pinansin. "Oh san ka pupunta?" Biglang dating ni Maiko.
"Aalis na. Tinataboy naman ako ng kaibigan mo." Chad said at naramdaman ko ang pag sara ng pinto. "Kayo ba?" Maiko asked.
"Huh?" Hindi ko kasi maintindihan ang sinabi niya. "What i mean is boyfriend mo ba siya?" She asked. My eyes widened. "Of course not!" Inirapan ko siya.
"Eh bakit nag tatampo iyon? Maka asta di naman pala jowa!" Muntik ako matawa sa sinabi niya.
"Hisashiburi! (Long time no see!)" biglang pasok ni Seiji. "Hisashiburi." Pinilit kong ngumiti.
"Binilhan kita ng snacks at shoes sa pinas. Kunin mo nalang." I said to him. Sobrang nanlalata ako at hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi ay madami akong iniisip netong mga nakaraang araw at medyo madami din ang nangyari.