Hennessy's
"You asked me to runaway with you before diba? Ito na siguro iyon and the funny things is asking you to runaway with me this time."
Ibinalik ko lang sa kanya ang biro niyang iyon na sinabi niya noong nasa byahe kami papunta dito.
He look at me. Hindi ko maintindihan ang tingin na iyon. Umiwas din siya ng tingin at bumaling sa dagat. If i'm not mistaken, he smiled pero malungkot ang mga iyon.
"See? You don't like it too when i do that thing to you." I smirked.
"Are you really running away with me this time? Is this for good? Are you staying with me for good?" Chad asked. Napakamot nalang ako bigla sa ulo. Bumalik tuloy sa akin ang panloloko ko sa kanya buset.
"Biro lang kasi iyon! Ang hilig mo kasi mag biro ng ganyan kanina kaya ibinalik ko lang sa iyo." I explained.
Pero kung sakaling sasagutin ko ang tanong niya ano nga ba ang magiging sagot ko? Hanggang kailan ko siya kasama? Maski iyon ay hindi ko din masagot.
"Chad! Pumarine ka." Napalingon kami sa likod kung saan namin narinig na may tumawag sa pangalan niya.
"Lika papakilala kita kay nanay Lourdes." Tumayo kami at pinagpag ang buhangin na dumikit sa damit namin.
Lumapit kami sa isang babaeng medyo may katandaan nadin. "Nay, kamusta po?" Niyakap niya ito. "Nako namayat ka! Ilang taon din noong huli kitang nakita." Hinaplos pa siya sa mukha noong matandang babae. Napangiti ako dahil ganoon nalang siya kung mag alala kay Chad.
"Ito na ba ang nobya mo?" Binalingan ako ni Nanay Lourdes at hinawakan sa kamay. "Hello po. Kamusta po kayo?" Medyo nahihiya man ay nag mano ako sa kanya.
"Misis ko na iyan, nay." Chad said at pinandilatan ko siya. Kung wala lang si Nanay Lourdes ay inilibing ko na itong si Chad sa buhanginan ng buhay.
"Ha?! Bat kay bilis naman ng pangyayari hijo! Pero sabagay ay nasa hustong edad ka na at para mabigyan mo na ako ng apo." Ngumiti si nanay Lourdes. Wala nalang talaga akong magawa kundi panindigan ang pagiging misis niya HAHAHA charot.
"Biro lang, nay." Chad said.
"Palabiro talaga itong alaga ko. Ipagluluto ko kayo ng pakbet pang gabihan at uuwi din ako sa amin dahil umuwi yung anak ko na galing Saudi." Nanay Lourdes said.
Nag uusap lang silang dalawa pero hindi ko na pinansin iyon. I'm busy watching the waves at ayaw ko naman na maistorbo silang dalawa dahil mukhang matagal din silang hindi nag kita.
After that, nag paalam sa amin si Nanay na mag aasikaso muna and she left us alone. "That's nanay Lourdes, siya iyong nag aalaga ng bahay." Chad said. "She's nice and sweet." I smiled.
"She is. Matagal na iyon sa amin. She's my dad's personal nanny at hanggang sa dumating ako ay siya ang nag alaga sakin." Matagal na pala si Nanay Lourdes sa kanila. Nag taka tuloy ako kung nasaan ang parents ni Chad.
"Where are your parents pala?" I asked. He looked away at mukhang nailang siya sa tanong ko. "Nasa J-japan. Malayo kasi sila sa Tokyo kaya madalang ko lang nadadalaw." Napatango nalang ako.
My phone suddenly rings at nagulat ako dahil si Jack ang tumatawag sa akin. Hindi ko iyon sinagot at hinayaan lang. Masyado pang masakit and i can't really talk to him for now.
"Is that your twin? Why don't you answer his call? Baka nag aalala na iyon." Chad said.
"Ayaw ko muna. Things are really hard between us right now. Parang ang daming nag bago samin at hindi ko na siya kilala." I blew out a sigh.