Jack's
Mag dadalawang linggo na pero hindi padin siya gumigising. The doctors said na good sign daw na gumalaw ang daliri ni Hennessy and they even said na she's really a fighter. Pero bakit hindi pa siya gumigising?
Isang linggo na din wala sila kuya Morgan. Yes ako lang ang naiwan dito sa amin kailangan kasi ng tao sa pilipinas dahil nag karoon ng konting problema sa kumpanya. I already talked to daddy, gusto niya man na bumisita at dumiretso dito, hindi kaya dahil sobrang busy at dumiretso nalang siya sa Pililipinas.
Nanay said sa mag papaiwan siya dito with me pero i insisted because everytime na nakikita niya si Hennessy, umiiyak siya and it's bad for her health.
"Nasasayang lang ang mga binibili mong apples." Maiko said. Yes she's here with me. Gusto niya din daw mabantayan si Hennessy. Wala padin akong nakukuhang impormasyon sa kaniya mukhang ayaw niya talaga mag salita.
"Okay lang. baka kasi sakaling magising siya atleast she has something to eat." I said to her. Ang tinutukoy niya ay ang apples na binibili ko everyday for Hennessy.
It's her favorite food lalo na pag may sakit siya. Bukod sa ice cream ay Apples ang comfort food niya.
Ayaw kong mag sungit sa babaeng ito hanggat makakaya ko, i really want her to tell me everything she heard noong araw na naaksidente si Hennessy. I can't contact Trevor Alejo at wala akong time alamin kung nasaan siya ngayon. Kaya for now, this Japanese girl is my only hope.
Kumuha ako ng apple at hinugasan ito. It's for Hennessy. Ilalagay ko ito sa table malapit sa kanya. "I really missed Japanese food! Kain tayo mamaya, my treat." Maiko said.
I smirked. "Are you asking me out?" Asar ko sa kanya. Pumamewang naman siya at tinaas ang kilay. "Hoy grabe ka ha na missed ko lang talaga—"
"Sus. Kung niyayaya mo ako mag date, tell it directly dahil pag bibigyan naman kita." Lalo ko siyang inasar.
Actually medyo magaan sa akin na may kasama ako dito sa Hospital. Kahit hindi ko gaano kakilala ang haponesang ito hindi ko masyado ramdam ang problema sa ingay niya.
"Hoy ang kapal mo! Kala mo naman kung sino kang pogi para isipin na niyayaya kita mag d—-"
"AHHH!" Napatigil kami pareho nang marinig ang isang malakas na sigaw.
Napatingin kami pareho kay Hennessy at hawak hawak niya ang ulo niya. She's awake!
"H-hennessy w-what's wrong? A-ano ang masakit?" Natatarantang sabi ni Maiko. Lumapit ako sa kanilang dalawa. Tinitigan ko si hennessy.
"AHHHH!" Lalong lumakas ang sigaw niya. She's really in pain. Pinindot na ni Maiko ang Emergency button. I can't believe na gising na siya!
Hinawakan ko ang braso niya. I'm trying to comfort her. "H-hennessy wait the doctors are on their w-way. P-please calm d—"
She opened her eyes at tumingin siya sa akin. Tinanggal niya ang kamay ko na naka hawak sa braso niya. "D-don't touch me! U-umalis kayo! Sino ka ba?! Ikaw, sino ka?! Wag nyo akong hawakan!" She's shouting at sinusubukan niyang tanggalin lahat ng naka tusok sa kanya.
Napa atras ako sa sinabi niya at parang nanlamig ang buong katawan ko.
Hindi niya ako nakikilala? She asked kung sino ako. I know na hindi dapat ako mabigla dahil sinabi na iyon ng mga doctor pero i'm trying to be positive at umaasa parin ako na hindi mang yayari iyon.
Pinipigilan siya ni Maiko na tanggalin lahat nga naka tusok sa kanya. Biglang bumagal lahat sa paningin ko.
Dumating na ang dalawang doctor at tatlong nurse. Hindi padin ako makagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa hinatak nalang ako ni Maiko papalabas ng kwartong iyon.