Hennessy's
"Are you sure na comfortable ka dito?" Kuya Damon asked me. Kakauwi lang nila dito sa bahay galing sa office.
"Oo naman kuya. I feel safe here and i'm sure na lagi naman kayong nandito lagi sa tabi ko." I smiled at them sweetly.
Sa totoo lang ay gusto ko pa sana mag stay kahit 3 months pa sa greece and they are all okay with that pero napag isip-isip ko na i'm too selfish na pag ganoon. Kailangan ko padin tumulong sa pag papatakbo ng negosyo namin.
"If you want to go shopping, mag pasama ka sa bodyguards mo. We assigned 3 of them na tumutok lang sayo." Kuya Martin said.
"Gusto ko sumama sa inyo sa office. Gusto ko na pumasok." Halata sa mga mukha nila ang pag ka gulat sa sinabi ko.
"Hindi pwede Hennessy Marverick, dito ka lang sa bahay." Kuya morgan disagree.
"And why not? Kung iyon ang iniisip nyo, first of all tatlo na ang body guards ko at i dont think na mayroon pa syang guts para lapitan ako." Siguro ay sinabi ko lang iyon para hindi na sila gaano mag alala at para maging normal na din ang buhay ko pero deep inside, hindi ko talaga kaya makita sya.
"Oo nga kuya morgan. After all, hindi naman nakakapasok yung gago na iyon sa building." Sabi ng kakambal kong si jack.
"Okay, fine. Pero mag doble ingat ka naman Hennessy." Sabi sa akin ni kuya Morgan. "We can't avoid the simoune's. May meeting pa mamaya. Ipag dasal nalang naten na si Alocious ang pumunta at hindi ang gago na iyon." Kuya Martin said.
"Kaya ko namang tanggalin ang shares natin sa kanila. For sure they will fall down and will feel devastated as fuck." Sabi ni Kuya Morgan. "You dont need to do that kuya and besides may pinag samahan naman ang pamilya natin at ang kanila."
Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin at kung bakit mas pinili kong maging malaya sya kaysa bigyan ng hustisya ang sarili ko.
Maya maya ay umalis na silang apat but jack stays here with me. Bukas nalang daw ako mag simula ng first day ko and i can't wait. I'm here at our gazebo pinipilit kong mag relax pero as long na andito ako, pilit bumabalik ang lahat.
"Ano naman ang iniisip mo?" Jack sat beside me. I smiled at him. "Wala naman. Na miss ko lang itong bahay na ito. I miss our childhood, Jack." He rolled his eyes for some reason. "How many times do i have to tell you na kuya dapat ang itawag mo sa akin at mas matanda ako sa iyo ng 3 minutes." Natawa nalang ako sa sinabi nya.
"Tara mall tayo, 3:00 pm pa lang naman." Sabi nya. I smiled at him as a yes.
"You know what, ang tagal ko bago nakabili ng sneakers. Dati kasi sa greece, lagi akong naka heels." Kwento ko sa kanya.
"Kaya dito kita dinala kasi i know that you love those." At tinuro nya ang mga shoes. I'm planning to buy this Jordan 11 Legendary blue and Jordan 12 ovo.
"Jack? Long time no see bro!" Pag lingon ko ay isang matangkad at maskuladong lalaki ang nakita ko. Nag bro fist sila ni jack.
"Buhay ka pa pala? How's life?" Biro ni jack sa kanya. Parang nakita ko na siya somewhere pero di ko lang maalala.
"Sa kasamaang palad yes, buhay pa ako. Ito busy sa pag papatakbo ng negosyo ni dad." Sagot naman nito kay jack. Napatingin ito sa akin at nginitian ako. "You didn't tell me about your girl huh?" Mukhang ako yata ang tinutukoy nito.
"My girl? She's my sister. Chad this is hennessy, hennessy this is chad. Childhood friends kayo. Dont you remember?"Nagulat siya sa narinig. He smiled at me and offered his hand. Tinanggap ko ito at nginitian sya.