Hennessy's
I was driving my way back to Manila. Iyak ako ng iyak dahil sa ginawa kong pag iwan kay chad pero wala akong pinag sisisihan because this is what i need.
No letter, no text, o kahit anong paraan ng pamamaalam ay wala. Nalulungkot ako dahil alam kong sa pag gising niya ay mag tataka siya kung bakit wala ako sa tabi niya. Itinapon ko na din ang simcard na gamit ko para wala na akong koneksyon sa kaniya.
I decided to go at the cemetery to bid my Goodbye to hero. Sobrang laki ng impact sa buhay ko ng taong ito at ganoon nalang ang pag kawasak ng puso ko kada maaalala kong pati siya ay nawala sa memorya ko at hindi manlang ako nakapag paalam at nakapag pasalamat ng maayos bago siya mawala.
Napaluhod ako sa harap niya at hinawakan ko ang pangalan niyang nakaukit sa lapida.
Napahagulgol nalang ako sa sakit. "I'm so sorry, h-hero."
Naalala ko noong lasing si Jack at nag away kami. Naiintindihan ko na ngayon kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi niya that time. Nag sisink in na sa akin lahat and the most painful part is that was all true.
"Hero.."
"Thankyou for taking care of Jack when i was in greece. Thankyou for being his home." Naalala ko kasi na sinabi sa akin ni Jack na si Hero ang naging tahanan niya.
"Thankyou for making me happy and for having my back noong mag kasama tayo lagi dati." Sobrang nag faflashback sa akin lahat at hindi ko mapigilan umiyak. Siya ang taga payo sa akin noon at siya lang ang kaibigan ko.
"T-thankyou for saving Jack, for giving your life to him." He saved jack. Nasabi sakin ni Jack na kahit daw sa huling hininga nito ay si jack padin ang inaalala niya.
I left a piece of rose bago umalis.
"I have to go now, hero. Gabayan mo kami ni Jack pati ang magiging pamangkin mo." Napahaplos ako sa tiyan ko and i smiled.
—————————————
"Where have you been?" Pag ka dating na pagkadating ko sa Mansion ay nakita ko si Jack na nag kakape sa may kusina."M-may inayos lang. why are you still up? Halos may liwanag na sa labas." I said to him.
"We are all looking for you. Nawala ka kasi after what happened. I really can't believe that it's over." Ngumiti siya at niyakap niya ako.
Hindi ako sumagot at nginitian ko lang siya. Tinitigan ko ang mukha niya at sinulit ang oras na kasama ko ang kakambal ko dahil alam kong matagal tagal din na panahon ako mawawala.
"Ang lungkot ng mga mata mo. May problema ba?" Jack asked. Maski sa kanya ay hindi pa ako nakakapag paalam. Kay tamara palang talaga ako nakakapag paalam maski kila kuya Champ ay hindi.
"You were right, Jack."
"What do you mean?"
"I was hurting so bad that I didn't notice that you were hurting too. I'm so sorry Jack, pati si H-hero ay nawala sa'yo." Hindi ko na napigilan at tumulo na ang mga luha ko.
"Hush don't say that. Nasabi ko lang iyon dahil galit ako. Wala kang kinalaman doon, okay? I'm sorry for making you feel that way." He said. Umiling ako.
"No, jack. It was all true and thankyou for saying those things because i needed that. You and our kuyas saved me all my life and i owe you that." I smiled at him kahit nasasaktan ako.