Hennessy's
Tapos na ang meeting at nag aayos nalang kaming lahat. Jack is with me kahit ayaw ko. Sinabi ko na kaya ko naman mag isa nalang na umattend ng meeting but he insisted. He said na gusto niya din daw makinig at mag share ng opinion. Sus if i know naman ang totoong dahilan is wala padin siyang tiwala sa mga Simoune especially kay Augustus.
I dont trust Augustus naman pero di na ako galit at wala na akong paki alam.
"I really don't like Alocious para siyang bakla." Jack whispered habang nag aayos ako ng papers. Natatawa man ako pero pinigil ko as respect na din dahil andito pa ang mag kapatid na Simoune.
"Shhh. We'll just talk about it later baka marinig ka. Nag salita ang hindi bakla. Ooops sorry." I whispered back at humagikhik ako ng palihim.
Napailing nalang si Jack at tumulong nalang din na mag ayos ng mga papeles.
"Excuse me po sir Jack Bonneville, pinapatawag po kayo ng sir Morgan po." If i'm not mistaken, secretary ni kuya Morgan ang tumawag kay Jack.
Tumingin sakin si jack as if he's asking permission kung pwede nya na ako iwan. Tumango naman ako and i smiled at him. Kaming tatlo nalang ni Augustus and Alocious Simoune ang naiwan.
"H-hennessy.." tawag ni Augustus sa pangalan ko. "Hmmm?" Iniangat ko ang mukha ko at tumingin sa gawi nya.
"Can uhm we talk? Just for 5 minutes." Nag aalangan man pero umoo din ako. Ano naman ba ang gusto netong pag usapan? Sinensyasan niya ang kapatid nya na mauna na and nakita ko na umirap iyon bago lumabas ng opisina. Cheap ass.
"Sure, about what?" Lumapit siya at umupo sa katabing upuan ko. Hindi ko siya tinitignan at patuloy lang ako sa pag dodouble check ng mga papers.
"A-are you dating Chad Fetalcorin?" He asked at dahilan iyon para mapatingin ako sa kanya.
Something inside me is telling me not to answer his question kasi first of all wala na siyang paki alam sa personal na buhay ko pero ayaw kong itanggi si chad. I love him at hindi ko itatanggi kung ano ang mayroon saming dalawa.
"Why? Bakit mo naman natanong?" Tumigil ako sa ginagawa ko at hinarap siya.
"W-wala n-naman. Napapansin ko lang this past few days na y-you were so happy and i just thought kung si chad ba ang dahilan." He said and he slightly smiled.
Napangiti ako sa sinabi niya. Am i that obvious? Ganoon ba kakita sa akin kung gaano ako kasaya when i'm with chad?
"We are officially a couple na, Augustus." I smiled at him.
Nang sinabi ko iyon ay pansin kong nablanko ang mukha nya at tumingin siya sa mga mata ko.
"W-why? Is there something w-wrong?" I asked him.
Ngumiti ulit siya ng bahagya at umiling. He hugged me pero kumalas din agad siya.
"Wala naman. Just make sure na kaya ka panindigan ni Fetalcorin." He smirked.
Ano ba ang sinasabi niya? Is that a compliment?
Napako ako sa pwesto ko at hindi ako makagalaw. Napapaisip parin ako sa sinabi nya.
"So yeah, i'll go ahead may aasikasuhin pa ako." Tinapik niya ang balikat ko at lumabas na ng opisina.
Is it a bad thing kung sasabihin ko sa kanila ang relasyon namin ni chad? I dont see any reason para itago ko kung ano ang mayroon kami. Walang mali pero something feels so wrong and i don't kmow what it is.