CHAPTER 27: His Past
Yulo’s Point Of View
“Gusto n’yo bang magtanong sa akin?” tanong ko sa isang ginang na nakaupo sa wheelchair na ngayon ay palinga-linga sa mga daan.
Lumingon siya sa akin habang ang mukha niya ay may bakas ng pagkalito.
Napakamot ako sa ulo bago nagsalita ulit. “Gusto n’yo po bang magtanong ng direksiyon? Parang nawawala po kasi kayo.”
Dahan-dahang napatango ang ginang kaya napginhawa ako ng maluwag. “Gusto kong pumunta sa park pero hindi ko alam kung saan ako dadaan. Ilang taon na rin kasi akong hindi nakauwi rito.”
“Hindi ko rin po kabisado ang lugar nito pero kahit papaano ay may nagtuturo sa akin.” Nakangiti ako sa ginang kaya napangiti siya nang matipid.
“Gusto ko sanang iyong anak ko ang kasama ko ngayon pero hindi iyon mangyayari.” Kaht nakangiti siya ay bakas pa rin sa boses at mga mata niya ang lungkot.
“Pwede ko po kayong samahan kapalit ng anak n’yo,” suhestiyon ko sa kanya kaya ngumiti siya saka napatango.
Habang tulak-tulak ko siya ay hindi ko maiwasang hindi isipin si Ice sa apartment niya. Pupuntahan ko na sana siya kaso gusto kong tulungan itong ginang. Hindi ko naman sinabi sa kanya na pupunta ako kaya ayos lang saka magkikita pa kami ni Alys sa park.
“Ang bait mo naman. Magkasalungat kayo ng anak ko. Maiinitin ang ulo non, pasaway pero maaalalahanin.”
Natawa ako sa sinabi ng ginang dahil naalala ko si Ice. Iyong tipong galit sa mundo pero maaalalahanin pala.
“May kakilala rin po akong ganiyan.”
Medyo malapit lang ang park kaya kitang-kita ko na ang mga batang masasayang naglalaro. “Pero hindi kami close ng anak ko simula no’ng nagpakasal ulit ako.”
Pagdating namin sa park ay umupo ako sa isang bench habang siya naman ay nasa harapan ko. Ningitian ko siya saka hinawakan ang mga kamay niya. “Baka kailangan niya lang po ng oras para tanggipin niya.”
Agad akong napabitiw nang tumingin siya sa mga kamay ko. Ano ba Yulo, humahawak ka na lang basta-basta ng walang pahintulot.
“It’s been five years.”
Napakunot ang noo ko sa narinig. “Ganoon katagal? Aba, baka kailangan ng mabatukan ng anak mo.”
Tumawa ang ginang sa kalokohang sinabi ko saka tumingin sa mga batang naglalaro. “Actually, dahil din sa isang pangyayari.”
“Pangyayari?” Agad kong kinurot ang pisngi ko nang biglang nagtanong ang bunganga ko. Walang preno, pahamak masyado.
“Oo. Isa siyang baseball player at may iniligtas siyang babae sa isang rapist at bigla niya itong hinamas gamit ang bat sa ulo kaya ang ending ag muntik na niya itong mapatay,” kwento nito
sa akin.
Napanganga ako sa sinabi niya. Isang baseball player at muntik mamatay ang rapist? Ano ’yon, parang nakatama ng homerun? “Nakasuhan po ba siya?”
“Hindi. Pinabayad lang nila kami dahil magkasabwat ang babae at lalaki. Gawain na nila ’yon para magkapera.”
Gawain? Parang scam lang? Hindi talaga natin maiiwasan ang mga taong mapanlinlang na nasa paligid natin.
“M-magkano po?” Siguro mga five million ang hihingiin ng mga scammers dahil halos mamatay na ’yong nagpanggap o ’di kaya ay one million lang.
“Fifteen million.”
“F-fifteen?” Anong klaseng pag-s-scam ba ’yan? Parang movie?
“Oo, pinagalitan ko ang anak ko at kahit anong explain niya na wala siyang ginawang mali at kung ano ang totoo ay hindi ko siya pinaniwalaan.”
![](https://img.wattpad.com/cover/259979050-288-k576499.jpg)
YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher