CHAPTER 11: The Ghost and its Collar
Yulo’s Point Of View
”YOU’RE practicing secretly.”
Hindi ko naituloy ang pagtapon sa hawak kong baseball. “K-Kotaru! Bakit ka nandito?”
“Pupunta na sana ako sa dorm pero may naririnig akong ingay kaya ako pumunta.” Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa pader na may box na guhit. “Ikaw pala ang sinasabi nilang multo.”
“Gusto ko lang namang maglaro.” Ayokong sabihin na hindi ko pa kayang mag-pitch sa loob. Malaking problema ’yon kapag nalaman nila.
“Hindi ba sapat sa ’yo ang apat na inning?”
“I want to pitch until the end.” Pero nagkaroon ako bigla ng yips. Sino naman ang pitcher na ayaw mag-pitch hanggang sa huli? “At saka, gusto kong makasali sa starting players. Gusto kong makalaro ulit si Ice.”
“Wala ka bang nakakatapat na malalakas na battle kaya hindi ka naka-adjust?” Tumungo si Kotaru sa vending machine at saka pumili ng maiinom. “And what’s good about that Ice Tan?”
Alam kong alam niya na nagkaproblema ako. Mabuti nga lang at hindi niya alam na nagkaroon ako ng yips. “May isa akong kilala na lahat ng tinatapon ko, mapa-cutter, slider o kung ano pa ’yan ay pinapalipad niya lang na parang meatballs at saka gusto kong i-acknowledge ako ni Ice.”
Tiningnan ako ni Kotaru habang ang kilay niya ang halos magkadikit na pero kalaunan ay umiling ito bago uminom ng kape. “You’re exaggerating your words about that batter.”
“Hindi. Totoo talaga ’yon.” Lumapit ako sa box na ginuhit ko gamit ang pintura. Hinawakan ko ang pader at ngumiti. “Siya rin ang nagturo sa akin na kapag gusto kong mag-practice mag-isa ay ganito ang gagawin ko.”
“Then, I want to meet him.”
Sasabihin ko na sana kay Kotaru na hindi lalaki ang tinutukoy ko pero agad akong napatayo at tinakpan ang box na nasa pader gamit ang katawan ko nang makita ko si Ice.
“Anong ginagawa n’yo? Maghahating gabi na at may practice pa tayo bukas.”
“I-Ice! Nag-uusap lang kami ni Kotaru. H-hindi ba?” Tumingin ako kay Kotaru habang pinandilatan siya. Huwag niya sana akong ibuking lalo na kay Ice na sobrang sama ang tingin sa amin.
“Yes. We really had a deep conversation a while ago but you interrupted,” sarkastikong sabi ni Kotaru saka ipinatong ang kamay sa ulo ko.
Galit akong tiningnan ni Ice bago tumalikod. “Magsitulog na kayo o isusumbong ko kayo kay Coach.”
”M-matutulog na kami,” sabi ko kay Ice habang nakasunod ang mga mata ko sa kaniya na ngayon ay nasa harap na ng vending machine. “G-goodnight, Ice.”
“Salamat Kotaru at hindi mo ako binuking,” bulong ko kay Kotaru habang nakatingin kay Ice. Mahirap na at baka lumingon pa siya.
“Matulog ka na.”
“Ipangako mo muna na hindi mo sasabihin sa kanila?”
He raised his right hand and he smiled. “I promise.”
Ice’s Point Of View
“I’ll steal your position.”
Napatawa ako sa sinabi ni Kotaru. He’s really competing with the position as a catcher. Halos araw-araw siyang nakatingin ng masama sa akin. Kung nakakapatay pa lang ang tingin ay patay na ako dati. Kahit kailan ay hindi talaga kami magkakasundo buti na lang at napapayag ko si Coach Zad na hindi maging roommate si Kotaru.

YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher