23: Exes

549 29 14
                                    

CHAPTER 23: Exes

Yulo’s Point Of View

NAGLALAKAD kami ngayon ni Ice habang magkahawak ang kamay papunta sa cafeteria para kumain. Papasok na sana kami pero nabitiwan ni Ice ang kamay ko nang may yumakap sa kaniya kaya napalayo ako nang kaonti.

“Sino siya?” mahinang tanong ko sa sarili habang nakatingin sa babaeng masayang nakayakap kay Ice habang si Ice ay hindi pa rin gumagalaw sa pinagtatayuan niya.

“She was Ice’s girlfriend.”

“May girlfriend pala siya?” Hindi ko alam kung bakit humina na lang bigla ang boses ko saka napaiwas sa kanilang dalawa at tumalikod. Babalik na lang ako sa bullpen para mag-training.

“Tanga ka nga pala. Ex-girlfriend niya ’yon.” Hindi ko alam kung bakit sumunod pa rin si Kuya Levi sa akin. Ayos lang naman sa akin na walang kasamang pumunta sa bullpen. Hindi naman ako bata para samahan niya ako. Saka... napayuko na lang ako. Hindi ko akalain na may girlfriend na pala siya. Matipid akong ngumiti habang nakatanaw sa isang box na puno ng bola. Gusto kong mag-pitch!

“Yulo, do you want to play catch?” nakangiting tanong ni Kuya Levi kaya tumango ako. Sinimulan ko na ang pagtapon ng bola sa glove ni Kuya Levi. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

“H-hindi ko lang inakala na may naging girlfriend pala siya.” Hindi ko maiwasang sabihin 'yon saka  itinapon ang bola sa kaniya.

“Huwag kang mag-aalala kung may naging girlfriend siya. Ang mahalaga ay ikaw ang kauna-unahang boyfriend niya.” Ngumiti siya saka itinapon ang bola sa akin.

Nakatitig lang ako sa kaniya. “Kuya Levi—”

“Oho. Why are you blushing, idiot?” natatawang tanong niya.

Hindi ko akalain na ganito siya kaastig kapag wala sa mound. “You’re amazing.” Nagtaka naman ako nang namula siya at napaiwas.

“You’re blushing Levi.”

Napalingon kami sa taong kararating lang, si Jinnrick na ngayon ay humihikab at walang ganang umupo. Siya ang relief pitcher ng team pero palaging pagod.

“You’re blushing too much, Levi.”

“S-shut up, Aye!” Sinulyapan ako ni Kuya Levi saglit saka napaiwas na naman. “It’s just... I don’t know how to react and also, I don’t know why he always complimented me!” sigaw niya habang nakaturo sa akin.

“Hindi mo alam? Kahit sa mound o kahit saan ka pa ay napakaastig mo.” Napaatras siya habang namumula dahil sa sinabi ko.

“Oho~” panggagaya ni Jinnrick sa boses ni Kuya Levi. “Baka mahulog ka niyan. Mapapatay ka ni Ice.”

“Gago! Hindi.” Inis na itinapon ni Kuya Levi ang glove kay Jinnrick at pilit na umiwas ni Jinnrick pero huli na ang lahat nang natamaan ang ulo niya at napakamot na lang.

Napalingon agad ako nang may humablot sa kamag ko at nakita ko si Ice na may nangungusap na mga mata. “Yulo, I’m sorry for leaving—”

“Wala ka namang ginagawang masama kaya huwag kang humingi ng tawad.” Nakangiti kong inagaw ang kamay ko sa pagkakahawak niya saka naglakad na papunta sa tubig ko para uminom at ramdam kong nakasunod si Ice sa akin.

“Actually, she’s Rachelle, my ex—”

Mabilis ko siyang pinutol. “Hindi naman ako nagtatanong saka wala akong balak na kilalanin siya.”

“Why?”

Napakunot ang noo ko nang nagtaka siya. “Hindi ako interesado. Sige, mauuna na ako.” Lumakad na ako papalayo kayIce habang nakahawak sa dulo ng uniform ko.

Blame it on the Rain - [BL]✓Where stories live. Discover now