14: Can't let go of the past

706 43 11
                                    

CHAPTER 14: Can’t Let Go of the Past

Yulo’s Point Of View

“Anong ngiti ’yan? Kadiri.”

Napawi ang ngiti ko nang bulyawan ako ni Alyssa. “W-wala, may naalala lang.” Naaalala ko lang ang laro namin last Saturday sa Dylle University.

Sinulyapan niya ako saglit kaya napangiwi ako. “Nasa pamamahay kita kaya umayos ka.”

Sabado ngayon kaya wala kaming training at napagdesisyunan kong dalawin si Alyssa sa apartment niya. Nakakapagtaka lang dahil wala siya sa probinsiya. Tiningnan ko si Alyssa na ngayon ay kaharap ang computer at naglalaro ng online game. Mabilis kong kinuha ang unan gamit ang mga paa ko. Nakahiga lang ako ngayon sa kama niya at hindi ko alam kung ano ang gagawin.

“Alyssa, kanina ka pa nagco-computer.”

“Kung gusto mong kumain, kumuha ka lang sa kusina.” Tinuro niya ang cabinet na malapit sa stove.

Hindi naman ’to kusina e. Lumapit ako sa tinuro niyang cabinet at tumambad sa akin ang mga pagkaing nakalagay sa mga baonan at isa-isa itong tiningnan at inamoy.

“Bumili ka na kaya ng personal refrigerator.” Sinarado ko ulit ang cabinet saka tumungo sa hugasanan.

“No need. Okay na ako.”

Napabuntong hininga na lang ako habang inililibot ang pangingin sa apartment ni Alyssa. First time ko pang pumunta rito. Malinis at organize lahat. Kapag binuksan ang pinto ay makikita mo agad ang kama ni Alyssa tapos sa gilid ay may munting lababo at sa tabi nito ay ang mga gamit sa pagluluto.

Napakunot ang noo ko sa mga litratong nakadikit sa dingding sa isang sulok na halos hindi ko na makita. Napangiti ako habang nakatingin sa mga ito. Litrato ni Alyssa kasama kaming magkakaibigan habang masayang nakangiti. May litrato rin na nasa dagat kaming lima, sa field at sa gate ng school. Ang saya ng mga araw na ito. Malungkot akong napangiti sa isang litrato na apat na lang kami at hinawakan ito, ang litrato sa graduation day. Kahit na nakangiti kaming apat ay hindi mawawala ang lungkot sa mga mata namin dahil hindi na kami kompleto.

“I miss her.”

“Shut up, Yulo.”

Napakagat ako sa labi ko dahil sa lamig ng boses ni Alyssa. Ayaw na ayaw niya talagang pag-usapan ito pero kailangan kong gawin para mabitiwan na niya ang nakaraan.

“May bago ka na ba ngayon?” Nilakasan ko ang loob ko para tanungin ito.

Napatalon ako sa pwesto ko nang malakas na ibinagsak ni Alyssa ang mouse sa lamesa. “Hinding-hindi ko siya papalitan kahit sino pa ang itulak n’yo sa akin.”

“Pero mahigit dalawang taon na siyang—” Napatigil ako nang makita kong nagbabadiya ang mga luha niya at dali-dali niya itong pinunasan. “S-sorry. Babalik na ako sa Aixon University. Mag-usap na lang tayo sa susunod.”

Maingat kong sinarado ang pinto at napatingin sa payapang kalangitan sakanagsimula nang maglakad. Mahigit dalawang taon na pero hindi pa rin nakakalimutan ni Alyssa si Dwayne. Naaawa na ako kay Alyssa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko parahindi na siya manirahan pa sa nakaraan. Kahit kailan ay hindi na maibabalik ang buhay ni Dwayne kahit ano pa ang gawin namin.

Ice’s Point Of View

“What’s with that face? Akala ko ba ay uuwi ka?” Napahinto si Yulo sa paglalakad saka ngumiti nang matamlay. Halata sa mga mata niya na may problema siya. Alas otso na ng gabi kaya akala ko ay hindi siya makakabalik.

“Saglit lang ako roon.” Napakamot pa siya sa ulo niya at balak na umalis pero pinigilan ko siya.
“What’s your problem?”

“Mahirap bang bitiwan ang nakaraan?”

Nabitiwan ko ang kamay niya at seryoso siyang tiningnan. “Bakit mo ’yan tinatanong?” Alam na niya kaya ang tungkol sa nakaraan ko? Imposible dahil hinding-hindi sasabibin ni Levi kapag walang pahintulot ko.

“May kaibigan ako na hindi niya kayang bitiwan ang nakaraan kahit na mahigit dalawang taon na ang lumipas. Masasaktan at masasaktan lang siya.” I feel the emptiness on Yulo’s heart. He really cares for his friend. His eyes became weak as he sighed.

“Hindi pa niya kaya.” Yulo looked at me so I ruffled his hair before leaving him. “May mga bagay na hindi talaga natin kayang bitiwan.”

They said that past is past, it should never discussed. But for me, living in the past is inevitable. No matter how much I tried to leave the past, past chases me. The pain is still here and I can’t live in the present.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatunganga sa kisame. Hindi ko alam kung ano ang bumabagabag sa isip ko. Kanina pa nandito si Levi at naglalaro lang siya sa cellphone habang umiinom ng kape. He knows about my situation. Kapag hindi ako makatulog ay sasamahan niya ako para may kasama ako.

“You’re having a trouble sleeping by yourself. You drank 3 glasses of milk. I told you already, I’ll ask Yulo to sleep with you.”

Agad akong napaupo. “N-no.”

Inis niyang inilapag ang baso sa lamesa saka tumingin sa akin. “Kung dati ay nagmakaawa ka kay Coach na maging roommate siya ngayon naman hindi?”

“It’s worst,” pagtatapat ko saka humiga ulit.

“Worst?”

Tinakpan ko ang mukha ko ng unan dahil ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko kapag naaalala ko ’yon. “He... he’s making me horny.”

Rinig na rinig ko ang pag-ubo ni Levi habang nagmumura pa. “What the fuck was that? Sa ganitong sitwasyon, iwasan mo ang pagiging straightforward dahil hindi kaya ng utak ko.”

Hindi ko siya pinansin at pinagpatuloy na lang ang naudlot kong sasabihin. “Those glossy pink lips, those long lashes that framed his chocolate sparkling eyes and the way he bite his lower lip. It makes me horny when I think that!” Dahil sa inis napaupo ako. Ngayon lang ’to nangyari sa akin. Ngayon lang ako nagpapantasiya ng ganito at ang mas malala pa ay lalaki ito. But... It’s all true. There’s no doubt, I fantasize him. Biglang nabuhayan ang puso kong nangungulila lang kanina.

“Oho. Lumalala ka na Ice. Alalahanin mong walang kayo.”

Yeah, I’m just simply his catcher but I can’t help but to crave to monopolize him. I gritted my teeth.

“He’s making me horny.”

“Yeah, I already heard that,” walang ganang usal ni Levi saka kinagat ang chocolate na hawak.
Kapag nakikita ko si Yulo ay hindi ko talaga maiwasang isipin ang mga bagay na hindi ko inaakalang maiisip ko.

I slapped my face because of frustration as I whispered these words, “Yulo’s making me horny.”

“Kapag bulong lang, bulong lang talaga hindi ’yong maririnig ko. Alam kong makakatulog ka na. Isipin mo na lang si Yulo.” Narinig ko ang pagsara ng pinto kaya napangiwi ako.

What was that?

Blame it on the Rain - [BL]✓Where stories live. Discover now