22: Past

643 29 14
                                    

CHAPTER 22: Past

Yulo’s Point Of View

“YOU hit me.”

Mabilis akong napatakbo papunta kay Ice na ngayon ay nakaluhod na sa lupa habang nakahawak sa dibdib niya.

“S-saan? Sa dibdib?” May laro kami sa susunod na araw at natamaan ko siya. Kinakabahan kong sinampal ang sarili ko. Anong ginawa mo, Yulo?

“You hit my heart.”

Puso? Puso ang sumasakit? Mabilis kong hinarap si Ice sa ’kin. “M-masakit ba?” Niyugyog ko siya nang ’di siya sumagot at nakayuko lang. “Ano! K-kailangan mo ng magpatingin sa doktor.”

Tumayo ako habang akay siya pero pinitik niya lang ang noo ko kaya inis akong napatingin sa mukha niyang nakabusangot na. “Pick up line ’yon!”

Padabog na umalis si Ice habang mahigpit na nakahawak sa dalang mask kaya wala akong nagawa kundi ang sundan siya. Tinulungan na rin siya ni Kuya Levi sa pagtanggal sa iba pang gear pagkatapos ay iniwan lang nito si Kuya Levi.

“Yulo, nag-away ba kayo?” nagtatakang tanong ni Kuya Levi habang bitbit niya ang mga protective gears.

Umiling ako saka nagpaalam na sa kanya para sundan si Ice na ngyao nay papunta sa kwarto niya. Pagkapasok ko pa lang ay humingi na ako ng tawad pero hindi niya ako pinansin.

“Sorry na.” Kinalabit ko si Ice pero ’di niya ako pinansin at nagbihis na lang pagkatapos ay humiga ng hindi man lang ako tinitingnan.

“Huwag ka ng magalit. Nanghihingi na ako ng sorry.” Hindi ko alam kung maiiyak na ba ako o maiinis. Lagi na lang kaming ganito. Hindi ko na minsan alam kung ano ang gagawin ko dahil hindi ko siya maintindihan. “Nasaan ba ang pick up line mo at pupulutin ko para na rin mapatawad mo ako.”

Napangiti ako nang lumingon siya sa akin pero nakakunot pa rin ang noo. “Ano ba kita?”

“Pitcher mo ako,” nakangiting sagot ko pero napangiwi lang siya.

“Ano pa?”

“Schoolmate?”

“Ano pa?”

“Junior mo ako.” Ano ba ang hinahanap niyang sagot? Hindi ko na talaga alam.

“Ano pa?” Mas mariin na ngayon ang tonong ginamit niya.

“Ah!” Malawak akong napangiti. “Kapwa baseball player.”

Napaupo siya sa kama kaya napaupo ako ng maayos. “Bakit ba ang bobo mo?”

“Matataas naman ang grades ko! Never pa akong nabagsak.” Alam ko namang tanga ako at walang sense kausap pero ’di ko naiintindihan si Ice. Hindi ko makuha kung ano ang gusto niyang isagot ko.

“Iyon na nga e. Nakakapagtaka lang na wala kang sense kausap.”

“Mahal mo naman saka kaisa-isang boyfriend mo pa.” Napahinto siya saka pinipigilang ngumiti. “Kanina, para kang manok sa pagpuputak, ngayon naman ay naging isang pipi.”

Hinigit niya ako saka idinampi niya ang malambot niyang labi sa pisngi ko. “Damn. I love you.”

“Yulo, bakit ka nga pala may wrist band lagi?”

Binuhasan ng malamig na tubig ang katawan ko nang magtanong siya. Hindi kayang mag-isip ng utak ko ang irarason. Ilang minuto ang lumipas at naghihintay pa rin siya sa sagot ko kaya ngumiti ako ng pilit ati itinago ang kamay ko sa likod “Wala ’to. Design—”

Tinaasan niya ako ng kilay saka hinigit ang kamay ko. “What’s with this scar?”

“W-wala ’to.” Agad kong tinakpan ang peklat at hindi ako makatingin sa kay Ice. Hindi ko pa ’to napapaghandaan.

Blame it on the Rain - [BL]✓Where stories live. Discover now