CHAPTER 20: Phersimone
Third Person’s Point Of View
“MAY problema ba, Ice?” tanong ni Yulo habang nakatingin kay Ice na ngayon ay hinuhubad ang mask na suot saka tumitig sa kanya.
Nasa gitna sila ng laro at hindi alam ni Yulo kung bakit nag-timeout si Ice para lang kausapin siya.
“I know na nasa mahirap tayo na sitwasyon at gusto ko lang malaman mo na—”
“Kaya natin ito.” Ngumiti pa si Yulo saka tinapik ang braso ni Ice gamit ang glove na suot. “Kahit anong tibay ng mga batters ng Offenders, makakaya natin itong sirain.” Pinapalakas ni Yulo ang loob ni Ice pero naiinis lang ang binata.
“Hindi iyon ang punto ko. Sinisira mo ang plano ko!” bulyaw ni Ice kaya napakamot na lang si Yulo sa ulo habang ang mga tao sa paligid ay pinipigilang tumawa. “Yulo Castro, nandito ako sa harapan mo para sabihin na—”
“Good luck?” Pinutol na naman ni Yulo ang sasabihin ni Ice dahilan para magsitawanan ang mga nanonood at ang ibang players.
“Makinig ka na nga muna sa sasabihin ko at huwag kang sumabat!” Pati ang mga coach ay tumatawa na rin sa nangyayari ng mound. Kung pwede lang sumigaw ni Ice ay sumigaw na siya ng husto dahil kay Yulo pero hindi niya magawa dahil sa mga mic na nakakabit sa kanya at connected ito sa mga sound system na nasa iba’t ibang sulok ng field kaya lahat ng nandito ay naririnig ang pinag-uusapan nila.
Para sa mga taong nakasaksi sa kadramahan nila ay hindi maiwasang tumawa sa dalawang lalaki: isang tanga at isang mainitin ang ulo. Hindi alam ni Ice kung maiinis siya sa planong ito pero nandito na at nangyayari na ito kaya hindi niya pwedeng atrasan. Si Raze ang nagplano ng lahat at sinang-ayunan na lang niya dahil hindi mapakali si Ice kung ano ang magiging sagot ni Yulo sa pangalawang pagtatapat niya. Pinayuhan ni Alyssa si Ice na dapat niyang ihatid ng maayos ang nararamdaman niya at buong gabi niya itong pinag-isipan kung ano ang gagawin.
Sinulyapan ni Yulo ang umpire. “Baka sabihin ng umpire na nagchichismisan tayo sa gitna ng laro.”
“Yulo Castro, you’re the cement of my concrete life. W-without you, the foundation of my life will not be strong resulting to collapse.”
Napakurap-kurap lang si Yulo habang ang mga nasa paligid ay natutuwa sa nangyayari. Hindi alam ni Yulo kung ano na ang pinag-uusapan nila.
“Sana all semento na!”
“Saan ba ako makakahanap ng buhay na guguho kapag wala ako!”
“Kiss na!”
Ice didn’t bother to looked at those players shouting at them.
“If you don’t want to be the cement then be my dam and I’ll be the water.” Ice suddenly hugged Yulo. “Keep me until your last breath. Don’t let me escape in your arms.”
“H-ha?” Rinig na rinig ni Yulo ang malakas na pagpitik ng puso ni Ice dahilan para sabayan ito ng puso niya. Para kay Yulo ay masama ang nararamdaman niya, maling-mali kaya itinulak niya si Ice. Ayaw na ayaw niyang dalhin ang problema sa mound.
“That’s the worst reaction I’ve ever received so far and all those worst reactions are coming from you.”
Napakamot si Yulo nang naalala niya ang pinagsasabi ni Ice. “Bakit humantong sa semento, foundatiom at collapse-collapse na ’yan ang pinag-uusapan natin—”
“Damn! I love you, okay? Not just a catcher but a man standing in front of you,” humina ang boses ni Ice habang ang mga kamay niyang nakahawak sa mga kamay ni Yulo ay namamasa na, “begging to date him. Yulo, will you be my boyfriend?”

YOU ARE READING
Blame it on the Rain - [BL]✓
Romance(Rule Series #1) [ROUGH DRAFT: UNDER MAJOR REVISION] (WARNING: RED FLAGS + cliché!) Catcher x Pitcher