19: Plan

683 40 17
                                    

CHAPTER 19: Plan

Ice’s Point Of View

“ICE, this will be the last training camp before the season,” pahayag ni Levi saka isinukbit ang bag sa braso saka pumasok na sa bus.

“I know, that’s why I’ll confess today.” Sumunod naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Nakapikit lang ang mga mata ko habang nakasalampak sa magkabilang tainga ang earphones ngunit wala itong kanta.

“Kinakabahan ka ba?” Hindi maiwasang magtanong ni Levi pero wala akong gana para sumagot.

Next week na ang UBA season at kapag nagsimula na ito ay tiyak na mab-busy na kami.

“I’m excited,” mahinang sagot ko sa mahabang katahimikang nabubuo saka tumingin sa labas. Nagsimula ng umandar ang bus kaya nakatingin lang ako sa mga nadadaanan namin.

“Excited kang ma-reject ulit,” sarkastikong saad ni Levi saka sinulyapan si Yulo na ngayon ay masayang nagkukwentuhan kay Romel.

“Maybe?”

Ilang oras ang dumaan at narating na namin ang Dylle University. Pangalawang beses na namin itong napuntahan pero ito ang unang beses na magkakaroon ng training camp.

“Welcome back, Ice,” masayang bati ni Raze saka inakbayan ako pero wala akong balak na batiin siya.

“Nakalap ko kay Levi na na-reject ka raw ng pitcher. Mind to share the whole thing?” Nakasunod pa rin si Raze sa akin habang ako naman ay nakasunod na lang kay Coach Zad na papunta sa tutulugan namin.

“Pwede ba, si Levi na lang ang istorbohin mo at huwag ako.”

“Levi!” tawag niya kay Levi saka tumakbo na papaalis.

Damn those bastards! Akala ba nila masaya ’tong nararanasan ko at pinagkakatuwaan lang nila?

“Bukas na tayo magsisimulang maglalaro kaya sa ngayon ay pwede kayong maglibot. Dito sa gym ng volleyball players matutulog ang Dreamers at Aimers habang sa gym ng basketball naman ay ang Offenders and Scavengers. May dadating na mga unan, kumot at mga banig mamaya.”

Nagsikilos na ang lahat matapos sabihin iyon ng coach ng Dreamers. Mabilis akong pumasok sa gym at inilapag bag sa lapag.

“Ice, ang kulit ni Raze!” inis na sumbong ni Levi habang nakabuntot si Raze sa kanya.

“Sabihin mo na kasi kung ano ang nangyari—”
“Ice—R-Raze?” Napatingin ako kay Dave na gulat na nakatingin kay Raze na gulat rin pero mabilis na tumakbo papaalis si Dave.

“D-Dave, wait!”

Kailan pa sila naging close?

“Bakit ba ako napapaligiran ng mga taong in love?” Pagod na umupo si Levi sa tabi ko.

“Levi, nabalitaan ko ang nangyari,” pagsisimula ko. Mahina lang ang boses na ginamit ko dahil ayokong makainsulto ng damdamin niya.

“Oho. It’s nothing—”

“I didn’t lend you a shoulder when you need it the most!” Inis ko siyang niyugyog. How can he laugh his problems off? I’m one of his close friend but I didn’t bother to lend my shoulder.

“I don’t need a shoulder to lean on.” Hindi ko na lang siya binatukan kahit na plano ko ’yong gawin. Ganito siya lagi. Tumutulong siya sa problema ko pero kapag may problema siya ay hindi niya magawang pag-usapan ito.

Malungkot siyang ngumiti sa akin. “We also bid goodbyes properly so it’s nothing painful but I cried. Siya lang ang taong mamahalin ko.”

Mabilis kong hinigit ang ulo niya at inilagay ito sa braso ko. Narinig ko na lang ang mumunti niyang mga hikbi. Levi, you don’t need to plastered a smile on your face just to be strong. You don’t need to hide your tears. You need to cry all the pains inside your heart until it became weightless.

Blame it on the Rain - [BL]✓Where stories live. Discover now